Umabot sa dalawang buwan, nananatili ang kalagayan namin ni Ty bilang mag M.U.Magkatext lagi, magkausap sa tawag, pero hindi kami masyadong nagpapansinan in person. Naiilang parin kasi ako. Hindi naman kami. Hindi pa.
Hindi naman sa ayaw ko pa siyang maging boyfriend. Pero gusto ko lang ng mahabang panahon bago iyon. Gusto kong i test siya kung kaya ba niyang mag hintay. At hindi din naman pa siya nagtatanong. Hindi din naman siya nanliligaw. For me hindi naman na Kailangan iyon. Pareho na kami ng nararamdaman.
Kahit na tuwing magkasama kami at nakikita ko ang bawat ngiti niyang nakakatunaw, tapos bumibilis ang kaba ko na parang gusto ko ng sabihin sa harap niya ang mga salitang--
'Oy, gusto ko may tayo na.'
Minsan iniisip kong sino ba ako para i test siya? Simpleng babae lang ako, siya kilala. Sino ba ako? Ang tanging panlaban ko lang sa mundo ng pag-ibig, maliban sa mapanalanginin ako ay ang ideya na mahal niya ako.
Kasi kahit anong panalangin ko, tapos hindi parin niya sinasabi na Gusto Niya Ako, dalawa lang ang ibig sabihin ng Ama doon.
Una, Maghintay ka. At pangalawa, Tumigil ka na. Hindi ka para sakaniya.
Ang sinampalatayanan ko mula noon, ay yung una. Yung maghihintay ako kasi ibibigay din niya. At binigay na nga niya..
Finally, loooong wait is over!
Pero talaga nga bang long wait is over na?
O, simula palang ito?
"Ang bilis ng recovery ni Daddy!" Tuwang tuwa si Mommy. Naririnig ko siya mula sa labas ng kwarto ko.
Pina practice niya ulit siguro si daddy mag lakad sa pasilyo dito sa taas.
Ah! Tag ulan na >___<
Ang sarap pang matulooooog!
Tinalukbong ko ang kumot ko sa akin. Tapos umiilaw ang cellphone ko. Tanda na nag a-alarm na.
4:30AM
Name of alarm: INSAYOOo. I decided to change my life. Sabi nila.. ang pinaka masarap tuparan na tungkulin ay ang pagka mang-aawit. Hinintay ko lang naman ang sarili ko na maging handa eh. Matagal ko ng napupusuan na maging senior choir member. Lalo na mang-aawit ako dati sa pagsamba ng kabataan. Pero ngayon palang pinaramdam ng Ama na para nga ako doon.
Hindi ko kasi gusto na tumanggap ng tungkulin na napilitan lang tapos wala sa puso. Gusto ko yung paghihirapan ko, paghihintayan ko para pag finally tumupad na ako.. napakasarap.
Bumangon ako tapos dumiretso sa banyo. 5:30 ang insayo. Kailangan kong magmadali.
Pagdating sa Kapilya, marami ng mga mang-aawit. Kagaya ko, may bitbit din silang mga clearbook. Natanaw ko din si Tyler doon sa pangatlong upuan. Katabi si Petter at Kuya Jovanne. Naghanap ako ng kagaya kong nakikipagsanay palang.
Ayun! Nakita ko si Relyn.
"Hey? Relyn?" Sabi ko tapos tumabi sakaniya.
"Oh? Good Morning!" Bulong niya.
"Good morning too." Sagot ko.
Aw. Limang buwan pa ulit para makasampa na kami sa pagka mang-aawit. Limang buwan pa kaming makikipag sanay para subukin at sanayin.
Nagsimula ang insayo. Pinaakyat ang mga mang-aawit. Tapos nanatili kaming mga nagsasanay sa ibaba lang.
Tinignan ko si Tyler, bakit ba parang artistahin parin siya kahit bagong gising? Umiling nalang ako para hindi ako makangiti. Kasi naman >___<
BINABASA MO ANG
My Queen 19:14 (COMPLETED)
SpiritualA spoiler's copy paste: "Ffion, kung alam mo lang.. I always wanted to come to you. To hug you like this.. to finally get a chance to hear your voice saying my name infront of me, pero hindi ko lang ginagawa kasi hindi pa natutupad yung panata ko no...