Capitulo Dieciséis

5.7K 211 15
                                    

Mga Ginoo at mga Binibini,

              Ipagpaumanhin nyo kung ngayon lamang ako nakapag dagdag ng Capitulo. Nagkasakit ako kung kaya nama'y hindi ako nagkaroon ng oras upang makapag isip. Salamat sa pag uunawa.

Ang Capitulong ito ay inihahandog ko kay missmagandangred

Sana i-like nyo yung facebook page ko Author Nom (Kapag hindi niyo makita, search niyo yung Nomdeplume Wp) Salamaaaat 💜



Patria's POV

Marzo Veintiocho, Mil Ocho Cientos Noventa

Ilang araw kaming hindi pinalabas ni ama sa Hacienda dahil sa pag gagalugad sa mga rebelde. Nagkaroon daw kasi sila ama ng tip kung saan nagtatago ang mga ito, Kinabahan pa ako dahil baka matunton sina Ka Pedring pero nang tanongin ko si Ama, hindi ang Sitio nila Ka Pedring kung saan nakapwesto sa liblib na lugar sa dulo ng bayan ng Sto Rosario kaya naman nakahinga ako ng maluwag.

Ang matandang mahiwaga naman ay bumubulong na lamang sa tenga ko dahil napagkasunduan namin na wag syang masyadong magpakita dahil una, hindi sya normal. Pangalawa, hindi din ako normal dahil galing ako s future. Baka mamaya eh may makakita pa sa amin edi dagdag problema pa

Sa ngayon ay nakalikom na ako ng 1/4 na puti sa kwintas ko.
Hindi ko alam kung magiging excited akong umuwi o hindi dahil nasanay na ako sa kultura dito

Habang kami ni Julian ay patuloy pa din sa pag papanggap na kami ay magkasintahan

"Patria, Halika na't mag almusal na. Naghain si Ina ng paborito mo" Nakangiting sabi ni Ate Marina

Napangiti nalang ako at saka sumunod sa kanya papunta sa hapag.

Kumpleto na sila doon at ako nalang pala ang namumukod tanging nagpa VIP >_<

Matapos nagdasal ay nagsimula na kaming kumain.

"Anak, ito oh. Hindi ba't paborito mo ito magmula nung bata ka pa" Nakangiting sabi ni Ina habang naglalagay ng prito sa plato ko

"Ina, naaalala ko pa na umiiyak yang si Patria kapag hindi tayo nakakakuha nyan eh" Ngiti naman ni Ate Marina.

Napatingin naman ako sa plato ko. Ano ba to? Pritong Pakpak ng manok? pero bakit parang ang liit naman ng buto.

"Sige na anak, kumain kana" Nagsimula na akong kumain dahil mukhang hindi naman nila ako titigilan sa paborito ko daw

Hmm.. Lasang manok nga ito. Pero pinagkaiba lang, maliit ang buto.

Nakailang kuha pa ako habang enjoy na enjoy kumain na para bang kino-commercial ang palabas ng Jollibee.

"Kahit dalaga kana ay nawiwili ka pa din pala sa pagkain ng Palaka" Nakangiting wika ni Ate Maria na kinalaki ng mata ko at napahinto sa pagkain ko

Napatingin ako sa ulam at saka narealize na hita nga ng palaka ang kinakain ko. At dahil don, nailuwa ko nang wala sa oras ang lahat ng nginunguya ko kanina lang

"Anak! May problema ba?" Alalang tanong ni Ina habang inaabotan ako ng tubig

"Bakit Patria? Hindi mo ba nagustohan ang pagkakaluto nito? Galing pa sa baklad ng kabilang bayan iyan. Kakaunti lamang ang nahuli nila Anastacio  sapagkat ang pagkaing iyan ay napapanahon" Paliwanag naman ni Ate Maria habang umiinom ako ng tubig.

A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now