Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Chapter 8

16.3K 668 105
                                    

'Guarding a Demon'

XIN

Nasa dorm na kaming lahat and as the usual 'boy's dorm,' nagsabog na naman ng ingay ang iba maliban kina Jun at Joshua na hindi palaging nagsasalita kagaya ko na nakikinig lang sa iba na nagkukwentuhan.

"Who's cooking dinner?" tanong ni Seth nang makabalik siya mula sa terrace. Lahat sila ay sabay na lumingon kay Matthew na nanahimik lang din pala sa tabi ko. Pati ako ay napalingon na sa kanya.

"Palagi naman." He scoffed and stood up.

Ahh, right. Siya pala at si Duke ang palaging nagluluto pero parang walang gana si Duke na magluto, and seeing them eat last time and especially the fact that there's more than ten of them, tumayo na lang din ako na ikinakunot lang ng noo nila.

"Oh? Magluluto ka rin?" tanong ni Baxter at tumango lang ako.

"I thought all you know was to break someone's bones." Nakangising sabi ni Walter kaya napailing na lang ako at binatukan siya. Well, I did that one now because of that sweet little dramatic scene at the forest and not to mention that I got my Alpha symbol now.

"Savage!" natatawang saad ni Jayden kaya naglakad na ako papunta sa kitchen.

"Oh, Jun? You're not going out for dinner?" Napahinto ako sa tanong ni Vernon kay Jun kaya nilingon ko muna sila. Pati si Matthew na kasalukuyang naghihiwa ng green onions ay tumigil na muna at tiningnan rin si Jun.

Umiling lang si Jun at pinagpahinga ang batok niya ang dalawang palad niya at tumingin lang sa iba.

"Titikman ko lang kung anong lasa ng luto ni Matthew," sagot ni Jun at tiningnan si Matthew.

"Matt! Lagyan mo ng isang kilong bawang at asin!" Binatukan kaagad ni Baxter si Duke kasabay ang tawanan ng iba. Umirap lang si Jun at natawa na rin. Nagkibit-balikat na lang ako at lumapit na kay Matthew sabay suot ng apron na nakasabit lang sa ref.

Hindi na ako dumaldal pa at naghanda na ako para sa lulutuin ko. Lulutuin ko ang recipe na tinuro sa akin ni Shine nang kararating ko pa lang sa headquarters. The special miso soup she named after me. Xin's special miso soup.

Naaalala ko palang ang pangalan nito ay excited na kaagad akong lutuin ito. I got the ingredients ready at nagsimula nang maghanap ng dried seaweed pero wala pala silang ganun kaya lumabas muna ako at bumili. It took me half an hour to get back and I finally got started with the dish. Mabilis lang naman itong natapos kaya nang inilagay ko na ito sa isang malaking bowl, saglit akong napalingon sa niluluto ni Matthew.

Chicken curry, salad, homemade Chinese noodles and soup, grilled salmon plus fried chicken. They're all catering dishes.

Tiningnan ko na lang ang isang bowl ng miso soup na hawak ko na ginawa ko sa loob ng isang oras kasama ang pagbili ko ng dried seaweed samantalang si Matthew, nakalimang dish sa isang oras. Tinago ko na lang sa likuran ko yung bowl at narinig ko kaagad ang mahinang tawa ni Matthew.

"Hindi pa kami nakatitikim ng miso soup." Nginitian niya ako at lumapit siya sa akin sabay kuha ang bowl at saka nilagay na sa mesa. Tahimik akong umupo sa upuan ko habang isa-isa nang nagsiupuan yung iba.

"Waah! Finally! Gutom na ako!" Bungad ni Hoshi at umupo sa tabi ko sabay kuha kaagad ng pagkain. We casually ate our dinner at buti na lang dahil hindi sila nagtanong kung alin do'n ang niluto ko pero parang alam naman nila kung alin dun.

"Walt, okay ka lang?" Nilingon namin si Walter na saglit na napayuko at hinawakan ang noo niya habang hawak naman ni Jayden ang balikat niya. Katabi lang naman niya si Matthew kaya tiningnan na lang namin kung anong ginawa ni Matthew.

Sinister ThirteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon