Kabanata 40 - Catherine, Catherina at Huwad

1.6K 62 20
                                    

Kabanata 40 - Catherine, Catherina at Huwad

1890

Mansyon nila Crisostomo at Catherina
Ciudad de San Roque


Nagising na lamang ako ng makarinig ako ng mga naguusap at minulat ko ang mata ko sabay bangon ngunit nakaramdam ako ng sakit ng ulo kaya napasapo pa ako sa ulo ko. Napatingin ako sa paligid at napansin ko na nasa kakaibang lugar ako at para nasa loob ako ng isang factory at may malaking orasan sa harapan ko na sa tingin ko ay kasing laki ng isang bahay.

Teka? May orasan naba na kasing laki ng isang bahay? Napalinga linga pa ako at napatingin ako sa likuran ko at napansin ko na parang may makina na umiikot at gumagana hindi ko alam kung anong tawag dito.

..

Hala bakit ako nandito? Anong ginagawa ko dito?

Napatingin pa ako sa harapan at napakunot ang noo ko na mapagtanto ko na may kakaiba sa labas kaya naman lumapit ako dito at tumingin sa labas.

At nanlaki ang mata ko ng makita ko ang nasa kung anong labas.

Teka kwarto ko ko ito ah!? Ngunit bakit napakalaki ng mga gamit? Hala anong nangyayari bakit ganito? Nagsimula na akong kabahan pa ng dahil sa kung anong meron ngayon.

Biglang bumukas ang pintuan at nakita kong iniluwa nito si Crisostomo na parang higante ang kanyang tangkad at kasama si-- teka ako yung kasama niya na parang pang higante din ang tangkad?

"Mas mabuti kung dito na lang tayo kumain ng ating meryenda aking mahal" wika ni Crisostomo sa babaeng kamukha ko. Paanong naging siya ako!?

"Tama ang iyong naisip aking mahal huwag kang mag abala dahil nagpadala na ako ng pagkain kina Veronica at Lavinia at paakyat na ngayon iyon" wika ng kamukha ko at nagulat ako ng yakapin siya ni Crisostomo at may kung ano namang tumusok sa puso na parang matulis at nakaramdam naman ako ng pagkainis.

"Crisostomo mahal na mahal kita" wika ng kamukha ko at napasimangot ako ng sabihin niya iyon.

HINDI AKO YAN! ITO AKO!

"Crisostomo lumayo ka sa kanya! Dahil hindi ako siya! Isa yang mapagpanggap!" Sigaw ko at kinatok ko pa ng malakas yung salamin na nakaharang sa harapan ko "CRISOSTOMO! HINDI AKO YAN! TUMINGIN KA NAMAN SA AKIN!" Sigaw ko ng malakas at kinakalabog ko pa yung salamin na nasa harapan ko.

Dios mio! Hindi niya ba ako naririnig? Bingi na ba ang aking Crisostomo para hindi niya ako pansinin? Sino ba ang babae na ito upang maging kamukha ko? Wala naman akong naalala na may kakambal ako sa simula pagkabata ko ah?

Sandali nga hindi kaya si Catherina ito at nakabalik na siya sa katawan niya at ako naman ang napaalis?

"HOY! BABAE KA KUNG SINO KA MAN MAGPAKILALA KA!? HOY! GINAGAYA MO PA ANG MAGANDA KONG MUKHA HA!? ANG KAPAL NG MUKHA MONG SABIHAN NG MAHAL SI CRISOSTOMO RH AKIN YAN! AKIN YAN! ANG AKIN AY AKIN LANG!" pagwawala ko ngunit parang wala man lang iba na nakaririnig sa akin at halos mamaos na ako sa sigaw na yun kaso ako lang yata nakaririnig ng sarili kong sigaw "IMPAKTA KA! KUNG SINO KA MANG DOPPELGANGER ITO LANG MASASABI KO SA IYO! YOU'RE NOTHING BUT A SECOND RATE, TRYING HARD, COPYCAT!" Sigaw ko at napaisip ako na parang narinig ko na sa isang pelikula yung sinabi ko na iyon ah? "Ano ba Crisostomo!? Bakit hindi niyo ba ako naririnig? TULONG!" Sigaw ko at napahinto ako ng makita kong pumasok si Lavinia dito sa loob ng kwarto kasama si Veronica at may bitbit silang tray ng pagkain.

The Unexpected 19th Century JourneyWhere stories live. Discover now