"Namamaga ata utak ko??? Di ko ma absorb ang topic ni sir!! Ang bilis bilis nya para syang may lakad" Reklamo ni Lee

"Ticketing lang ehh jusko pano ka nakapasa ng second year??" Hera

"Ticketing lang oo.. Pero yung iata codes?? Sa local pa lang sasabog na ako sa international pa kaya papano naaa huhuhu"

"Tumigil na kayo adyan na si sir" Suway ko sa dalawa

"Memorize the map for our quiz. next meeting.. World map.. There's a blank map in your text book answer it as for your assignment... Chim week will start on monday next week.. Is your booth ready?"

"Yes sir.. Okay na po lahat" Class president

"Okay class dismissed" Lumabas naman agad sya pagkatapos nya mag dismissed

"Ahm.. Classmates meeting muna tayo para next week alam na ang gagawin" Class president

"Ano ba yan ohh"
"May next class pa ko"
"Akala ko ba okay na lahat?"
"Para saan ang meeting"

Isa isang reklamo ng mga kaklase namin

"Ano ba yan nagugutom na ako ehh" Dumagdag pa tong si Leanna

"Shut up nga Lee, hindi naman siguro to mag tatagal eh" Inis na sabi nanaman ni Hera

"Oo nga naman Lee makaka kaen naman tayo mamaya"

"Tumahimik kayo kung gusto nyong matapos agad to. At ang kakapal naman ng muka nyo mag reklamo wala nga kayo tinutulong!!" Pasigaw na sabi ng CP "Una sa lahat hindi totoong okay na lahat sinabi ko lang yun para di na tayo bungangaan ni sir Perucho.. Wala pa ngang nasisimulan... Gumawa ako ng gc pero iilan lang ang nag seseen"

"Sabihin mo na gusto mo sabihin para sa chim week nadadagdagan ang oras na nasasayang eh" Sagot nung irregular student na nag reklamo kanina

"K.. One thousand each ang sharing para sa booth, sa costumes at sa lahat lahat na. May nag suggest ng coffee ang ibenta meron ding milk tea meron din nag sabi na pagkaen na lang heavy or light meal.. Ako naman naisip ko na pag samahin na lang lahat"

"Okay ka lang? Alam mo ba kung gaano yun katrabaho? Pano makakapag focus sa gagawin kung lahat yan gusto mo gawin" Reklamo nya ulit

"Kuya!! Marami tayo hahatiin ko kayo per station. 30 tayong mag tutulong tulong kaya pwede ba mag tiwala ka"

"Tiwala??? Nung huli akong nag tiwala niloko ako ahh.. So pano mo masasabing pag kakatiwalaan ka namin??? Eh mangloloko ka???!" Naka ismir nyang sabi

"Ay... May past??? Nako nako nako juicy to!!! Keep going... Gustoooo ko to" Lee

"Jusko leanna chismosa mo talaga!!" Hera

"Pwede ba.. Be professional... Anyway.. May outdoor tent naman na kame kung sino pang meron mag dala na lang malawak ang campus pwede tayo mag lagay ng apat na outdoor tent.. May dine it at take out tayo. Isesend ko sa gc ang stations nyo pm nyo ako kung may request kayo kung saan nyo gusto mapuntang station.. Yung makakpag bayad na today paki abot na lang para mailista ko na.. Lastly sinabi ni sir kapag naging successful ang event natin may plus grades"

Kumaen na kame sa food court after ng meeting dahil ilang oras lang ay may klase na kami ulit

"Ang hot ng eksena kanina... Ano kayang nangyari sa kanila" Lee

"Umiral nanaman pagka chismosa mo, kumaen ka na nga lang dyan"

Napa nguso na lang si Leanna sa sinabi ni Hera

"Hahahaa oo nga.. Pahinga ka naman sa chismis" Natatawa na lang talaga ako sa dalawang to ehh

"Sino kaya yun nu?? Ay nako siguro panget yung lalaki kaya yung babae ay nakikipag date pa sa iba"

"Hindi balita ko gwapo daw at mayaman yung lalaki.. At ang balita ko pa kilala ang pamilya nung lalaki parang may malaking negosyo yung pamilya nung lalaki"

"Oh e gwapo naman pala at mayaman... Bakit pa nag hahanap ng iba yung babae? Baka naman sadyang malandi lang yung babae????"

Napahigpit ang hawak ko sa kutsara at tinidor sa mga narinig kong usapan sa kabilang table. Napayko na lamang ako dahil ayokong makita nila Leanna ang reaktion ko sa mga sinasabi nila

"Ang narinig ko.. Masama daw kasi yung ugali nung lalaki"

"Panong masama? Nanakit? Babaero? Mapanglait? Mata pobre?? Ano???"

"Ewan ko basta ang alam ko.. Masama ugali?? Hoodlum ata? Ewan im not sure eh"

Tatayo na sana ako at mag wawalk out nang biglang kalampagin ni Hera ang lamesa

"Ano ba???! Kayo lang ba tao dito?? Kung pag kwentuhan nyo ang ibang tao parang ang gaganda nyo ahh? Hindi kame maka kakaen ng tahimik dahil sa mga bibig nyong puro chismis ang nilalaman!!! Kung gusto nyo mag kwentuhan sarilinin nyo na lang napaka ingay nyo" Galit na sabi ni Hera

"Ano bang pakielam mo kung nag chichismisan kame? Bakit ikaw ba pinag chichismisan namin? Atsaka talagang maingay dito food court to eh. Ang sabihin mo nakikichismis ka lang din kaya naririnig mo usapan namin" Galit din na sabi nung babae sa kabilang table

"Tama na yan Hera" Pigil ko sa kanya

"Aba't sumasagot ka pa? Eh totoo namang bunganga nyo ang nangingibabaw dito. Pag chismisan nyo ang ibang tao kung kilala nyo talaga sila lalo na kung magaganda kayo.. Ang papanget nyo na nga pati ugali nyo ganun din di lang kayo ang kumakaen dito nakakaistorbo kayo. Di na kame magkaintindihan ng mga kasama ko dahil boses nyo ang nangingibabaw"

"Oo nga!!"
"Haaay salamat may nag standout"
"Kanina ko pa rin gustong sitahin eh"

"Mga inggetera!! Lika na nga sa iba na lang tayo kumaen" Umirap pa sila kay Hera bago umalis

"Okay ka lang?" Nag aalalang tanong ko kay Hera

"Ikaw okay ka lang?" Balik tanong nya sa akin. Serosong seryoso ang muka nya na nakatingin sa akin nag hihintay ng sagot ko

"Bakit naman hindi sya magiging okay? Eh ikaw yung nakipag away hindi naman sya" Takang tanong ni Leanna

"Wala kumaen na lang tayo.. May next class a tayo"

Matapos ko kumaen ay chineck ko ang cellphone ko.
Nag text nanaman yung unknown number

*Susunduin kita after your class*

Sino to??? Sya kaya to??? Bakit may pag sundo pa?? Kinder ba ko??.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon