XI

109 3 0
                                    

Hindi ko alam kung ilan oras nako nakaupo dito. Wala din ako ibang nararamdaman kung hindi sama ng loob at panghihinayang. Tuloy tuloy lang ang pagbuhos ng aking mga luha at wala ako pakialam kung meron man makakita saakin.

"Kurt" pinikit ko ng mariin ang mga mata ko sa boses na narinig ko. Boses na wala ako ibang hinangad kung hindi marinig muli sa maraming taon na magkahiwalay kami. Hinawakan niya ang mga balikat ko at hinawakan ko ang kamay na iyon. Lumuhod siya tabi ko at ramdam ko din ang pighati na tiniis at itinago niya sa maraming taon.

Dalawang linggo simula nung umalis siya sa condo ko at siya mismo ang pumunta para sabihin saakin ang lahat ng nangyari. Magbabayad lahat ng gumawa nito. Lahat ng nanakit kay corinne at sa anak ko.

"I am sorry" bungad niya and I didn't say anything. I do not know what to say. May kinuha siya sa bag niya saka niya inabot sakin ang maliit na envelope na nandoon.

Tuloy tuloy bumuhos ang luha ko at ang sakit na nararamdaman ko ay kahit kailan hindi ko maipapaliwanag. Ito na ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko. Ang makita ang isang anghel sa sinapupunan ng babaeng mahal ko. Anghel na hindi ko na makikita,mahahawakan, makikita ang mga mumunting hakbang niya,ang mga ngiti niya na ipinagkait sakin. I wouldn't mind if corinne would run away with our child alive. But she's gone. My angel is gone. We could have been a family.

Pagkatapos namin pumunta sa sementeryo ay hinatid ko na si corinne sa condo building niya. I have some important things to finish.

Mabigat ang mga paa ko na pumasok sa kompanya ni papa. I knew that this day will come all along. Pero kahit na anong paghahanda ang gawin mo,masasaktan ka parin.
I opened the door and I saw my father talking to someone. Pareho silang tumayo at kinamayan ako ng Hired Investigator na inatasan kong umalam sa mga nangyari.


🌷🌷🌷

I finally decided to tell kurt the truth. It has been three days simula nang lumabas ang kapatid ko at di ako tinigalan ng konsensya ko. This morning I went to him to tell him about angel. Pero laking gulat ko ng malaman ko na alam na pala niya ang lahat. Lahat lahat. I cried a bucket of tears today. Seeing him that way is something I never thought I would see. The moment he saw the grave of angel hindi na siya natigil sa kakaiyak lalo na ng makita ang ultrasound niya maging ang larawan niya nung kunin siya saamin. It was my fault. Alam ko malaki ang kasalanan ko sakaniya and I have been so unfair to him.

"Ate are you okay?" tanong ni Carinne and I gave her a reassuring smile. Alam din ni kurt ang tungkol kay Carinne and he's been secretly visiting her pala. Napapikit ako. What should I feel? Akala ko kapag nalaman na niya ang lahat, I will be relieved. But seeing him this way just made me feel more anxious and burdened.

Noong nakatulog na si Carinne sa gabi ay saka naman dumating si lorraine para mangamusta.

"Long night?" I asked her
"You bet. Napaka toxic sa hospital ngayon. Anyway kamusta ka?" kumuha ako ng makakain sa fridge at saka siya sumunod sa kusina saakin
Hinapag ko ang isang in can coke at cake sakaniya saka siya tumikim

"Kurt knew" I said saka siya napakunot noo
"Alam na niya bago ko pa sabihin sakaniya"
"What? How?"
Umiling ako at napapikit. At bumagsak ang mga luha ko.
"He is devastated" I told her saka niya ako niyakap.
"Mahirap tanggapin ang katotohanan corinne lalo na kung masakit. All you have to do now is ask kurt for help. Work together. Alamin niyo kung sino ang demonyong may gawa niyan sainyo"

Even I won't ask for his help, alam kong yan ang mga susunod na hakbang na gagawin niya.

🌷🌷

Nandito ako sa warehouse kung saan dinala ng mga tauhan namin ang isang lalaki na sangkot sa ginawang ka demonyohan kina corinne.

"Sino nag utos sayo?"
"H-Hindi ko po alam" Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko.
"Kuya" Awat ni joseph
"SINO. NAG.UTOS.SAYO? SAGOT!" Halata ang pinaghalong takot at sakit sa natamong suntok sakaniya.
"B-Binayaran lang ako ng kumpare ko. Di ko alam kung sino ang nag utos sainyo. Maawa kayo ser. Wala po akong alam dito. Nag drive lang po ako. Maawa po kayo kailangan po ako ng anak ko" nagdilim ang mga paningin ko sa mga katagang binanggit niya.
Lumapit ako sakaniya at tinignan siya sa mata
"Kailangan din ng anak ko ang hustisya. Dalhin moko kung saan ko makikita ang kumpare mo. At ituro mo lahat ng kasama sa gabing iyon. " mabilis naman siyang tumango.

Fuck Under the Thin SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon