Eleven

35.9K 1K 255
                                    

Leickel's P.O.V

Three days had passed. I'm currently here at to MiFiLei. As what to expect, katakot takot na interogasyon ang inaabot ko ngayon kayla Mimi at Fifi.

"So ano? Ganern nalang ba 'yun ate girl? Maglalaho ka na parang bula na akala mo e wala kang kajoin force ha?" gigil na turan ni Mimi sa akin.

"Sorry," iyon lang ang maga katagang lumabas sa mga labi ko.

"So ano mamshi? Tanga ka nanaman 'no? Kayo nanaman?" tanong naman na nang uusig ni Fifi.

"Guys I have something to tell you," panimula ko sa nais kng ibahagi sa kanila.

"Don't tell us na preggy ka. Makokyompal talaga kita Leickel Avria, sinasabi ko sa'yo!" medyo histerya na wika naman ni Mimi.

"Kumalma ka nga babaeng may matris! Tatlong araw palang ang nakakalipas just to remind you. Manong patapusin mo na muna siya. Go on missy," sabat naman ni Fifi.

"Ice Summers is the real Whynter Filstreid- Villafuerte."

"WHAT!!??" they asked in chorus.

"Can you please enlighten us?" halata ang shock sa tono ni Fifi.

"So sino pala 'yong nagpakilalang Whynter sa'yo?" tanong naman ni Mimi.

"Hindi ko alam. Aalamin daw ni Whynter," sagot ko sa kanila. Nakita ko ang pagkunot ng mga noo nila kaya't nilinaw ko ang sinabi ko. "Aalamin daw ng totoong Whynter kung sino 'yung nagpanggap na siya."

Mukhang kapwa naman nila naunawaan ang sinabi ko kaya't napatango na lamang sila.

"Ikaw okay ka lang ba? May ginawa ba si real Whynter sa'yo?" tanong nanaman ni Mimi.

Akmang sasagot na ako nang may sumagot na para sa akin, "Wala akong ginawa sa kanya at wala akong balak na may gawin sa kanya. She's more than a treasure to me."

Lahat naman kami ay napalingon sa boses na iyon sa bukana ng shop. Bumungad sa amin si Whynter na hindi ko malaman kung bakit napakagwapo sa paningin ko.

"Laway mo, makisalo girl!" doon lang yata ako napabalik sa ulirat ko nang sitahin ako ni Fifi.

"W-Whynter," utal utal pa na turan ko dito.

"Hi baby. I missed you," saka pa ito kumindat na talaga naman lalo nakapagpa init ng mukha ko na damang dama ko.

Dahan dahan itong lumapit sa akin saka hinagkan ang noo ko. Just damn! What is he doing in front of Mimi and Fifi.

"Grabe! Grabe! Napakalalande! Parang hindi nanggaling sa break up! Maygad!" iritable pero tumatawang wika ni Mimi bago niya hinatak si Fifi papuntang kusina.

My Stupid Runaway Groom (Freezell #4) [Completed]Where stories live. Discover now