Sixteen

29.4K 967 65
                                    

Whynter's P.O.V

"FUCK YOU!" isang malakas na mura, kasabay ng napakasakit na suntok na tumama sa panga ko. "I'M GONNA FUCKING KILL YOU!"

This is the first time I saw her lost her greatest composure. I'm sorry. I'm sorry. Kahit ako ay gusto ko din saktan ang sarili ko. Napaka tanga ko.

Imbes na umimik ay hindi na lamang ako nagsalita. Lahat ng iniisip ko at nais sabihin ay sinarili ko na lamang.

"Aei!" pagpigil sa kanya ni Tita Guia. Ang kanilang ina. "Hindi din naman ginusto ni Whynter ang nangyari sa kapatid mo," kahit na ba kalmado ang pagkakasabi nito ay halata ang mga ngilid ng luha sa kanyang mga mata.

Imbes na sumagot si Aeickel ay binalingan nito ang pinto ng emergency room at binigyan niya ito ng napakalakas na suntok.

Bigla itong bumaling sa akin at bumulong. "Sumunod ka sa akin o papatayin kita."

Mabilis akong tumalima hindi dahil natakot ako sa banta niya. Sumunod ako dahil baka may lead siya sa nangyari kay Leickel.

Kapwa kami nakarating sa rooftop ng ospital. Mabuti na lamang at walang tao.

"Explain why my sister is lying in that motherfucking bed!? Didn't I tell you na alagaan mo siya!?" andito nanaman ang pakiramdam na kalmado siya ngunit ano mang oras ay papatay. Oo at kambal sila ni Lei at may pagkakahawig ngunit malayo ang itsura ni Lei kay Aei. Dagdag pa na gupit lalaki si Aei.

"Naggrogrocery kami nang may bumangga sa kanya at sa isang iglap ay bigla na lamang siyang bumuwal. Gusto ko man habulin ang salarin ay hindi ko nagawa dahil mas inuna ko ang pag alalay kay Lei," paliwanag ko dito.

"I'm going to kill that guy," hindi niya ito sinasabi sa akin kung hindi sa hangin. Ramdam ko ang poot at galit niya.

Kapwa kami natahimik nang mag ring ang telepono ko at rumehistro dito ang numero ng tao na sa palagay ko ay may pakana ng lahat ng ito.

"Hi Ice," maagap nitong saad sa kabilang linya.

"ANONG GINAWA MO KAY LEI!?" nanggagalaiti kong pahayag. Nakita ko ang paglingon ni Aeickel sa gawi ko.

"Relax. Nakatulog lang naman siya. Dinala mo na ba sa ospital?" saka pa ito tumawa na tila bruha.

Sinenyasan ako ni Aeickel na iloud speaker ko ang phone kaya't maagap ko itong ginawa.

"Kapag may nangyaring masama kay Lei sisiguraduhin ko sa'yong-" ngunit hindi nito pinatapos ang sanang sasabihin ko.

"Kay Lei walang mangyayaring masama. Hindi ko nga lang sure kapag dinala mo siya sa Tita Yna Azalea niyang napaka paka paka galing na doktor," bago ko tuluyang maintindihan ang nais niyang sabihin ay binabaan na ako nito ng telepono. Paglinga ko naman sa paligid ko ay wala na si Aeickel.

My Stupid Runaway Groom (Freezell #4) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon