Seventeen

28.6K 938 64
                                    


Leickel's P.O.V

Pagpasok na pagpasok ko ng condo namin ay bumungad na siya sa akin kaya't nangilid na agad ang mga luha ko.

"Tell me you're okay, tell me."

"Twin!" saka ako parang bata na yumapos sa kanya ng sobrang higpit.

"I won't forgive her," hindi ko alam kung anong tinutukoy niya. Basta't nakayapos lamang ako ng mahigpit sa kanya habang walang tigil ang pag agos ng luha sa mga mata ko.

"I don't know, what should I do now? Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong gawin. Para na kong mababaliw."

Mula ng malaman ko kay tita Yna ang lagay ko ay tila na ako naputulan ng mga paa. Hindi ko na alam paano ba kumilos o kung ano ba ang dapat kong gawin. Hindi ko na alam!

"Just be what you are, Lei. I'll do everything I can to save you from this misery."

"What do you mean? Alam mo na ba?" I asked. At alam kong mali na tinanong ko pa, dahil we are talking about Aeickel here. She doesn't have to see for her to know.

Instead of answering, I felt her hands caressing my back as if telling me that everything would be fine. Lalo akong napahagulgol sa ginawa niyang 'yon.

"Live the way you want, Lei. Don't make nonsensical decisions. Hindi ko sasabihin na huwag kang magpaapekto, ang sa akin ay huwag mong hahayaan na kainin ng problema ang mga magiging desisyon mo."

Humiwalay ako sa kanya at pinagmasdan siya sa mga mata. Mga mata na para na din akong nakatingin sa sarili kong mata ngunit ang kanya ay mas malalim at mas mahiwaga. Maraming nais sabihin ngunit ayaw iparating.

"Gusto kong sundin ang suhestyon mo, pero Aei, para akong sinasakal. Para akong kinakapos ng hininga. Para akong isinumpa. May nagawa ba 'kong mali?" tuloy tuloy lang ang mga luha ko sa paglandas sa pisngi ko.

"You don't have to hold it. You don't have to bear with it. I'm simply saying that, don't let your decision be affected by your emotion. You'll regret it one day. If you'll decide about something, do it because it is the best choice you have, do it because it will bring you the least pain, do it because it will give you the best outcome. Never decide based on what you feel. Decision making is the job of the brain, and heart has nothing to do with it."

"Does life need to be this hard?" I asked generally, not pertaining to mine.

"You wouldn't feel alive if it will be as easy as you think it would be," saka niya ako tinalikuran at itinuloy ang kapeng tinitimpla niya kanina. "Wipe your tears. Baka sunduin ka ng magaling mong boyfriend at kung ano pang isipin. Alam kong tinakasan mo siya."

"Twin, how can I face him? Paano kong sasabihin sa kanya na, 'hi Whynter, I was so careless and now we're not allowed to have a child'. Twin isa akong Freezell, minsan lang may karapatan magka anak, ang sakit lang na ultimo ang karapatan na 'yon, nawala pa sa akin."

"Tell him. Kung hindi ka niya matatanggap, I'm gonna fucking kill him," her voice was too serious for me to take it as a joke.

"Hindi ganoon 'yon, Aei. Hindi ganoon kadaling sabihin 'yon lalo na't sa taong mahal mo pa kailangan mong sabihin iyon. Maiintindihan mo 'ko kapag natutuhan mo nang magmahal."

"Okay."

Pinunasan ko ang mga luha ko at naupo sa sofa. Kapag talaga ganitong drama, hindi mo makakausap si Aei ng matagal. Ayaw niya ng umiiyak, ayaw niya ng nakaawa. Maliit palang kami, ayaw na ayaw niya ng mga bagay na nakakaiyak o madadrama.

My Stupid Runaway Groom (Freezell #4) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon