🐾 Chapter 16 🐾

5K 144 1
                                    

Ariadne's POV

Pagkapasok ko ng clinic ng araw na iyon ay napatigil ako nang makita si Hunter sa reception area.

"Hunter? Ang aga pa ah."

"Well, my parents decided to take care of Mia for now. Wala akong magawa eh. I was thinking you can give me something to work on?"

Kumunot ang noo ko. "Shouldn't you be someplace else? Like on a vacation or something?"

Nagkibit balikat ito at lumapit sa akin. Nasamyo ko ang pamilyar na amoy nito. "I want to do something let's say...productive."

"Okay...?"

"Oh Hunter? Sinusundo mo nanaman ba itong kaibigan ko ha?" Kararating din lang ni Chad at namataan din nito kaagad si Hunter. Like who wouldn't am I right?

Nagtaas ito ng kamay na tila sumusuko. "Nope. On the contrary, I was looking for work around here."

"Actually, hindi nga available si Errol ngayon. Pwede mong gawin muna iyung work niya.

Pinanlakihan ko ng mata si Chad. Bakla ano ba?

"Sure, anything!

Nilingon ko rin si Hunter. You don't know what you're signing up for!

"Come, I'll lead the way."

Hindi na nagpapigil ang dalawa. Napahawak nalang ako sa sentido ko. This will be a long day.

***

Nakatayo ako sa gilid at pinagmamasdan si Hunter na nagpupulot ng dumi ng aso. Naramdaman ko na tumabi sa akin si Chad.

"Namamanhikan na ba iyan?"

Siniko ko ito. "Anong namamanhikan? Hindi naman kami ikakasal." Hinarap ko ito at hinawakan ang kamay nito. "Kawawa naman siya Chad."

"He looks like he's enjoying."

Tinignan ko ulit ang binata. He was not smiling but he looks serious with what he's doing. Hindi naman talaga mahirap iyon pero nakakapagod lang.

"Sabi ko paliguan niya rin after."

Napatitig ako kay Chad. "A-all the d-dogs...?"

Tumango-tango ito. "Yup, all 47 of them."

Napailing nalang ako rito. "I don't know what you're planning but please go easy on him."

"I'm not doing anything." Ngumiti ito bago umalis. 

Tinignan ko uli si Hunter. Mukhang busy nga ito. Babalikan ko nalang ito mamaya.

***

Katatapos ko lang mag-neuter ng isang aso nang mapadaan ulit sa mga kennels kung saan iniwan ko si Hunter.

Napatanga ako rito nang makitang inalis na nito ang t-shirt. Iniwan nito ang overalls hanggang beywang. Napatingin ako sa abs nito. Napalunok ako.

Water was dripping from his body. Nagpapaligo ito ng malaking aso kaya kitang-kita ko ang pag-flex ng muscles nito.

"Kaya pala nahuhumaling ka diyan eh."

Hindi ko napansin si Chad. Nakatingin pa rin ako kay Hunter. 

"Teh, laway mo tumutulo saka panty mo nalaglag na."

Hinampas ko si Chad. "Ano ba, Chad!"

Tawa-tawang umalis ito.

Buti at walang tao gaano kaya hindi nakakaeskandalo ang bagong recruit namin sa clinic.

Lumabas ako at kinausap ito.

"It's past lunch time!"

Napalingon ito sa akin. Oh my. Ang hot ng wet look niya.

"Like what you see?"

Nakangisi ito sa akin at nang-aakit na tumingin.

Naramdaman kong namula ang mukha ko. "I-Inaaya lang kitang kumain na. Baka nalipasan ka na."

Nginitian ako nito. "Will be right there babe." Kumindat pa ito sa akin.

***

"So this is your private space here?"

Napaangat ang tingin ko sa mga papel na binabasa ko. Nakita ko si Hunter. Mukhang nakapag-shower na ito dahil suot na nito ang damit nito kaninang umaga.

Kasalukuyan akong nasa opisina para ayusin ang ilang mga papeles na kailangan ng approval ko. Maagang nakaalis si Chad dahil may date daw sila ng boyfriend nito.

"Yeah. Hm...aalis ka na ba?" Tumayo ako at nilapitan ito.

"I was thinking of taking you to dinner."

Napatingin ako rito. "Ako? Hmmm...bakit?"

"Ayaw mo ba?"

Napatingin ako sa mga mata nito. Nakakalunod talagang tumingin doon. "Ahm..."

Hinapit ako nito palapit at tinanong ako uli. "Ayaw mo ba?"

"U-hm...." Ano ka ba Ariadne? Oo o hindi lang eh.

"I can persuade you..."

Unti-unting inilapit nito ang mga labi nang biglang bumukas ang pinto.

Napatanga lang ang receptionist sa amin. "D-doc...."

Saka ko naalala ang posisyon namin ni Hunter. Naitulak ko ito ng bahagya. 

"S-Sorry. May kailangan ka ba?"

"May ipapapirma lang po sana pero kung busy po kayo..."

"I'll wait for you outside." Lumabas na si Hunter bago pa man ako makasagot.

"Wala kang nakita ha?" Nahihiyang sabi ko sa receptionist.

Tumango ito ng marahan pero may pilyang ngiti sa labi.

Nang makaalis ito ay napaupo ako sa swivel chair ko. Hunter...what you do to me.


***To be continued***

Elites 3: Hunter Reyes [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon