Simula

33K 679 148
                                    

Simula

I hate this.

I really really hate this.

Hindi ko alam kung ilang beses ko na sinabi ang mga katagang 'yon, one thing's for sure: sobrang daming beses na. Ni hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nasabi 'yon sa loob ng apat na taon.

I'm currently listening to my professor in history, but my mind wanders to so many what ifs. What if I didn't listen to my father? What if I took the course that I wanted instead? But what can I do? Wala naman akong ibang magagawa kung hindi ang sumunod sa Papa ko.

Lahat na lang ng gusto niya, 'yun dapat ang masusunod. Ni parang wala na akong kalayaan na piliin o gawain kung anong bagay ba talaga ang gusto ko.

And sometimes, I ask myself... tunay nga bang malaya ang Pilipinas?

Tunay nga bang malaya na ako?

Kung oo, bakit ako hindi?

"Leonor Rivera was one of Jose Rizal's past lovers, his near cousin and childhood sweetheart who became his inspiration behind the character, Maria Clara in Noli Me Tangere..." sabi ni Professor Hidalgo.

I rolled my eyes inwardly. This is my most hated subject: history. Kanina ko pa gustong pumikit at matulog na lang dahil wala talagang pumapasok sa utak ko every time na Philippine History ang subject namin.

Sobrang boring, like what the hell? Why do I even need to study about this subject? History na nga, hindi ba? Hindi ba sila naniniwala na past is past? Past na nga, 'di ba?

Dapat kinakalimutan na at ibinabaon sa hukay. Hindi ba sila maka-move on? Kailangan ba talagang palagi pang ipaalala ang nakaraan? Binabalik balikan pa? At worst, pinag-aaralan pa. So, nahihirapan pa kami ng dahil d'yan sa lintik na history na 'yan.

"A native of Camiling in Tarlac, Leonor Rivera captured Rizal's heart when they met during the former's thirteenth birthday party..."

Alam mo 'yung tipong sobrang boring at nakaka-walang gana na nga iyong subject na tinuturo sa inyo, tapos ganito pa 'yung Professor niyo? 'Yung kulang na lang alayan ka ng kama at unan para matulog ka na, kasi sobrang nakaka-antok talaga siya magturo at pati na rin iyong boses niya.

Tss. I cannot! Hindi ko na kayang tumagal pa ng isang segundo dito at makinig sa walang kwentang history na 'yan. Tumayo na ako at kinuha na ang bag ko, malapit na sana ako lumabas ng pintuan ng aming room ng nasita pa ako ni Professor Hidalgo.

"Ms. Alejandre, where do you think you're going?" tanong niya sa akin.

Napatingin naman ako sa magka-bilang gilid ko, pati na rin sa likuran ko.

"Wait... Prof, are you talking to me?"

"Sino pa ba ang Alejandre ang apelyido dito? Hindi ba at ikaw lang naman?" sagot niya pabalik.

"Guys, may Alejandre pa ba dito?" tanong ko sa mga kaklase ko. Lahat sila ay umiling at natatawa na yata sa akin. Mukhang nagising na lahat ng tulog kanina ah. Nice. Thanks to me, Sir!

Natigil ang paglibot ng tingin ko sa buong room dahil sa kanya. I rolled my eyes at him. Ang epal niya lang talaga sa life, well, as always naman.

La Bella DamaWhere stories live. Discover now