Kabanata 4

11.4K 328 32
                                    

Kabanata 4

"Ipahanap sa buong San Antonio si Pablo! Walang babalik hangga't hindi nahahanap si Pablo!" ani Don Filemino na namumula na sa galit. Kaagad naman siyang nilapitan ng asawa niyang si Donya Luisita.

"Mahal, ang iyong puso..." pagpapakalma nito sa asawa.

"Sumosobra na sa pagka-pasaway ang anak nating iyan, Mahal. Kailangang maintindihan niya na sa mas maagang panahon na mayroon siyang responsibilidad sa pamilyang ito."

Geez, ano kayang responsibilidad 'yon? Sobrang seryoso kasi nung pagkakasabi ni Don Filemino. Kaagad na nagsi-alisan ang mga guardia civil na inutusang hanapin si Pablo, maging ang magkapatid na si Leonardo at Lienzo ay sumama. What? Ganoon ba siya kahirap hanapin? Grabe ha.

Hindi na tuloy masaya 'yung birthday ni Don Filemino, kasi stressed na siya at saka ang lakas nung sigaw niya kanina. Nakakatakot pala siyang magalit. Gosh. Parang monster! Okay, that was a bit OA, Yra. Basta scary siya, tapos ang usapan.

Ano na kaya ang gagawain ko dito? Hindi pa naman kami makaka-uwi kasi busy pa si Ama at Ina sa pakikipag-usap sa mga yayamanin nilang amigo at amiga. Tumingin ako sa paligid. Nasaan na kaya si Ate Gracia? Wala kasi talaga akong maka-usap. Hindi ko naman na ulit nakita si Joselito. Hay, saan nanaman kaya napunta 'yun?

Teka—si Ate Gracia ba 'yung lumabas ng pintuan? Saan nanaman 'yun pupunta? Hindi man lang ako sinama!

"Binibini?"

Bigla akong napalingon ako sa lalaking tumawag sa akin. Okay, sino naman 'to?

"Ha? Ako ba?" tinuro ko pa ang sarili ko. Pinaka-ayaw ko kasi talaga sa mga tao 'yung assuming, kaya hindi ako mabilis mag-assume talaga. Naninigurado muna ako. Sakit kaya kapag nag-assume ka tapos hindi naman pala para sa 'yo. Isang malaking sampal 'yon sa pride 'no!

Tumango 'yung lalaki. Maputi siya, medyo matangkad, mestizo siya. Gwapo na rin naman, pwede na. "Binibini, Maria ang iyong pangalan, hindi ba?" he asked.

Tumango ako. "Bakit?"

"Napaka-ganda ng iyong pagkaka-awit kanina, Binibining Maria. Tama nga ang sabi ng mga tao na ikaw ay tunay na nakaka-bighani."

Geez, uso na pala ang pambobola noon? Baduy baduy. Akala niya ba mag-work sa 'kin 'yon? Hindi! Bighani? Daming alam.

"Salamat..." balak ko pa naman sanang mag-maldita sa kanya, kaso naalala ko na si Maria ako ng panahong ito—Maria version 1896, ayoko namang masira ang kung ano mang reputasyon niya sa panahong 'to. Hindi niya naman kasalanan na sa katawan niya ako napunta.

"Maria." Napatingin ako kay Ina at lumapit na sa kanya, mabuti na lang. Ang awkward kasing kausap nung lalaki. "Nasaan na ang iyong Ate Gracia?"

Malay ko naman kung nasaan siya, 'di ba? Mukha bang kasama ko siya? Mukha bang alam ko? Eh mag-isa nga lang ako dito?

"Hindi mo ba siya kasama?" tanong pa niya. Umiling naman ako. Obvious po ba, Ina?

"Maaari bang hanapin mo na ang iyong kapatid dahil malapit na tayong umuwi..."

Kaya ayun po ano, wala akong nagawa kung hindi ang hanapin si Ate Gracia. Great, just great. Napaka-gala niya naman kasi. Saan ba 'yun nagpunta?! Nakita ko siya kaninang lumabas dun sa front door kaya siguro naman nasa paligid lang siya.

Lumabas ako at medyo madilim na nga. Napa-nganga ako nang mapagtanto ko na napakalawak nga rin pala ng Hacienda Antonio! Oh, gosh. Ate Gracia naman! Saan ko siya hahanapin dito? Tsaka, nakaka-takot naman! Medyo madilim na kaya! Wala pa naman masyadong guardia civil sa paligid dahil hinahanap nila si Pablo Antonio, the great pasaway!

Pero, wala namang aswang, right? Sa buong twenty years kong nabuhay sa mundo, madalas madaling araw na ako nauwi. Wala naman akong nakikitang aswang or anything.

Hinga nang malalim, Yra. Kaya mo 'yan. Kailangan mong hanapin si Gracia, dahil kung hindi baka magalit pa sina Ama at Ina sa akin. Oh, gosh. Sobrang dami pa namang puno dito! Baka mamaya may kapre? Ganoon 'yun, 'di ba? Tapos gagawaing asawa 'yung matipuhan niyang babae! Gosh! It gives me creeps! Hindi pa naman uso ang aswang noon, 'di ba? Wala namang nasusulat na kakatakutan sa history, 'di ba? Wala naman atang kapre noon. Wala naman—

"Psst..."

"Psst..."

Oh, gosh! Please po, Lord! 'Wag naman ako! Alam kong, oo—maganda ako! Pero, hindi ako 'yung type ng mga kapre!

"Psst..."

Mas binilisan ko pa iyong paglakad ko pero mas nalakas lang 'yung sitsit sa akin. What the hell? Hindi pa ako handang mamatay! At saka ano ba 'yon? Sitsit? May ganoon bang nilalang?!

"Psst!"

Nanlalamig na ako! Promise! Tsaka 'yung puso ko sobrang lakas na ng tibok! Please! 'Wag naman sa panahong 'to! Not in this lifetime! Ayokong kainin ako ng aswang!

"Oh my—" napapikit ako sa sobrang takot at pagkaka-gulat, at naramdaman ko na lang ang sarili kong bumagsak. Oh, gosh! Don't tell me tikbalang itong bigla na lang lumabas sa harapan ko? No way! I can't die! Ang sakit-sakit pa ng puwitan ko!

Pinilit kong umimik pero hindi ako maka-imik dahil parang may kung anong nakatakip sa bibig ko. Ang alat ha! Patay na ba ako? O na-kidnap na ako? Gosh! Talagang sa panahong ito ko pa mararanasan lahat ng ito?! Hanggang dito ba maghihirap pa rin ako?!

Nagpumiglas ako pero parang may mabigat na nakadagan sa akin. Gosh! Ano ba 'to! Ang bigat naman! Mumulat ako at nanlaki ang mga sarili kong mata nang may makitang mga mata na naka-titig na naka-titig sa akin! Oh my gosh! Tikbalang! Tikbalang nga! No! No way! Help! Oh my gosh! May nakadagan sa aking tikbalang!

"Binibini, huwag kang malikot..."

Teka—did the tikbalang just called me Binibini? The tikbalang called me Binibini! No way! I must be insane! So, ano? 'Yung tikbalang maka-luma rin ang pananalita?! Tama ba 'yung narinig ko? So, this is a fact, right? Na pati ang aswang nung sinaunang panahon ay gentleman! My gosh! Mga naiisip ko!

"Binibini, huwag kang umungol..."

What?! Umungol?! Oh my gosh! Anong klaseng tikbalang ito? At naungol daw ako?! What the hell?! At saka, nakaka-imik pala ang mga tikbalang? Oh, gosh—another fact!

Unti-unti ay nagkakaliwanag na nanggagaling sa kanang bahagi namin at mas lalong nanlaki ang mga mata ko–as in, luluwa na 'yung eyeballs ko–nang makitang hindi isang tikbalang ang nakadagan sa akin... kung hindi isang lalaki. Lalaki! Tinitigan ko pa siya nang mas maayos para mamukhaan—mas no way—no way! It can't be! Sana tikbalang na lang!

Kung hindi ako nagkaka-mali...

Ang lalaking ito ay si Pablo Antonio!

La Bella DamaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora