Chapter Six

64 15 0
                                    

Zeriaxa's POV

Nasa bayan ako ngayon para bumili ng regalo para sa head ng West HQ. Sino pa ba edi si Mr. Zelioro the dead. Birthday niya kasi bukas at uuwi daw siya sa bahay.

I don't really know what he likes kaya siguro kung ano nalang magustuhan ko na sa tingin ko bagay sa kanya yun nalang.

Naglakad pa ako kaunti at nakakita ako ng ring. It is a ring na silver na pwedeng paukitan ng pangalan using Magica at pwede din lagyan ng protection spell.

Binili ko ito at sinabi ko na ako nalanh ang mag-uukit ng pangalan para magic ko ang gagamitin.

"Ate, bakit po pula ang mahika niyo na may halong itim? Diba po wala naman pong pula na mahika sabi po iyon nung guro namin sa paaralan" -Sabi nung bata na nasa gilid ko at halatang sakanila ang tindahan na ito.

"Sinabi na ba sa inyo ng guro niyo na pwede mong ibahin ang kulay ng mahika mo. Kunwari asul ito pwede mo ito palitan ng dilaw pero babalik din siya pagtapos ng 15 seconds" -Sabi ko.

"Talaga ate!? Hindi pa po natuturo sa akin yan! Pwede niyo po ba ako turuan ng ganun?"- Masayang tanong niya sa akin.

"Sige tuturuan ka ni ate pagbalik ko dito okay? Madami pa kasing pupuntahan si ate eh." -Ako

"Sige po ate hihintayin ko po pagbabalik niyo!" -Siya

Pinalagay ko sa ring box ang singsing at nagpaalam na dun sa bata pati sa nanay niya na nagtitinda. Their family was a magic merchants dahil sa mga alahas na tinitinda nila na pwede lagyan ng protection magic.

Umuwi na ako sa bahay at nilagay na ang pinamili kong pagkain sa fridge at nilagay sa study table ko ang regalo ko kay kuya.

Sana nga maka uwi na siya bukas.

[KINABUKASAN]

Hindi na ako nagpakita sa West Headquarters dahil sigurado ko pipilitin na naman nilang batiin ko si Mr.Dead

Pagdating ng tanghali ay nagsimula na ako magluto ng pesto pasta at lasaggna dahil paborito niya iyon sunod ang chicken na binabad sa root beer ay pinirito ko. Kagabi ko pa kasi binabad iyon sa root beer na may kasamang bbq sauce.

Nagbake din ako ng chocolate cake na para lang talaga sa kanya dahil di naman ako nakain ng chocolate flavor sa cake. Vannila at mocha ang gusto ko.

Nilagay ko muna sa ref ang cake. Mag aala-sais na ako natapos at alam kong uuwi na iyon si Mr.Dead

Hinintay ko siya dumating pero nakatulog at nagising na ako sa mesa lahat lahat ay hindi padin siya dumadating. Mag aalas-dose na ng ako'y magising pero wala akong nakitang Mr.Zelioro.

Nilagay ko nalang ang dalawang pasta sa fridge pati na din ang chicken.

Bigla nalang ako napaluha at nakaramdam ng sakit sa bandang puso. Ang lonely lang kasi at nag-effort ako tapos walang dumating.

Umiyak ako ng umiyak ngunit hindi padin matanggal ang sakit kaya napagdesisyunan ko na pumunta sa lugar na iyon.

Pagpunta ko doon ay sinipa ko ang gate ng abandonadong bahay na iyon at nagsimula na sils maglitawan..

Ang mahigit singkweta na demons lvl 1&2 at mahigit bente na level 3 Cythraul. Ang namumuno sa hideout nilang iyon ay isang level 4 Cythraul.

Nagsimula na ako umatake at ganun din sila. Dito ko ibubuhos ang aking kalungkutan.

This demon hideout will descend tonight.

Zelioro's POV

Nakauwi na ako ng bandang ala-una. Lumipas na naman ang birthday ko na hindi man lang ako nakapagpakita kay Zera.

Nahuli ako ng uwi dahil andaming reklamo ngayong araw sa mga demons at Cythraul sa West.

Ang sabi ay may hideout daw ang mga ito dito sa West ngunit wala pa kaming ni isang alam kung nasaan ito.

Pagpasok ko sa bahay ay nakapatay ang ilaw ngunit bukas sa kusina. Pumunta ako sa kusina at binuksan ang ref ngunit ang pagbalak ko sa pag inom ng tubig ay natigilan dahil may nakita akong cake na may nakalagay na happy birthday Mr.Dead.

May pesto pasta, lasaggna at root beer bbq chicken. All of it was my favorites. Zera waited for me na isip-isip ko na naging dahilan upang ako'y kabahan.

Dali-dali akong umakyat sa second floor at binuksan ng kwarto niya ngunit wala akong nakitang Zera.

"Damn it!!"

3rd Person POV

Sa kabilang banda, si Zera ay patuloy na nakikipaglaban. Ang seal para sa kanyang kapangyarihan ay unti-unti ng napupunit at ang kanyang tunay na pagkatao ay unti-unti na ding nagigising mula sa pagkatulog.

Hindi niya alam kung bakit pero gustong gusto niya ang senaryo ng pagsabog ng mga katawan ng demons at cythraul.

"More more more!!" -Sigaw ni Zera.

Hindi alam ni Zera na paunti-unti ng kumakalat ang isang ancient writings mula sa mata niya pababa hanggang sa ibaba ng tuhod niya.

Ang kulay nito ay pula, itim at kaunting puti na nagpapaliwanag dito.

Napatay lahat ni Zera ang demons at Cythraul sa hideout na iyon. Wala siyang tinira ni-isa ngunit parang gusto niya pa pumatay.

Hindi niya maintindihan ng sarili. Gusto na ayaw niya na pumatay ng tao. There's something hidden in her body na dapat kailangan pakainin ngunit may parte din ng katawan niya na ayaw niya.

Nakatayo lang siya sa bubong ng malaking mansyon na iyon at pinapakiramdaman ang malakas na ulan.

Ang Ancient writings na kumakalat sa katawan ni Zera ay hanggang sa kalahati lamang ng katawan niya at tumigil na ito.

Isa lang ang ibigsabihin nito. Hindi tuluyang nasira ang seal ng kapangyarihan niya kaya nasa katinuan pa siya at kontrolado ang sarili pero pakiramdam niya na malapit na siyang mawala sa sarili.

Lumipad siya ng mataas at nag cast ng spell.

"Purifying fire of the sky!" Sigaw niya at may lumitaw na magic circle sa taas ng buong hideout at lumabas doon ang sunod-sunod na white fire means she's purifying the place so no other demons or cythraul can enter in this mansion.

Nasusunog na ngayon ang mansion sa puting apoy at pagkawala ng apoy ay malinis na ulit ang mansyon. Wala na ang dark magic na pumapalibot dito at ang maliit na portal door papunta sa underworld ay tuluyan nang nagsara.

"The play time is over" -saad ni Zera at bumalik na sa bahay nila.

Hindi man ramdam ni Zera ngunit naglalaho na ang ancient writings sa katawan niya at bumabalik na ito sa kaliwang mata niya. Ang mahaba niyang kuko ay bumalik na rin at ang kaliwang mata niya ay bumalik na sa normal.

Pagkapasok niya sa kanilang bahay ay nadatnan niya ang kuya niya sa sofa sa living room na natutulog at halatang hinintay siya.

Kumuha siya ng kumot at kinumutan niya ito at hinalikan sa pisnge.

"Goodnight kuya" Sabi ni Zera tsaka umakyat sa kwarto niya upang maligo at matulog na dahil pagod na pagod na siya.

Napangiti nalang si Zera dahil na isip-isip niya na umuwi pala ang kanyang kuya kahit huli na.

Pagkatulog ni Zera ay lumabas ang ancient writings sa kaliwang mata niya ngunit hanggang sa taas lang ito ng kilay niya at sa cheek bone.

Nagliwanag ito ng puti ngunit nawala rin. Kulay pula lang ito at itim, nawala ang kulay puti na nagsisilbing liwanag nito.

At habang nangyayari iyon ay nanaginip si Zera ng isang hindi magandang bagay.

TO BE CONTINUED

---------------------------------------

Thank you for reading kahit wala tayo masaydong readers.

The Exorcist: Hidden TruthDonde viven las historias. Descúbrelo ahora