PROLOGUE

42K 1K 241
                                    

Prologue


Hindi ko mapigilan ang sarili kong muling masaktan habang nakatitig sa lalaking walang ibang ginawa kung hindi ang lunurin ang sarili sa mga bisyong alam kong hindi na magagawa pang tigilan.

Hanggang ngayon, kahit ilang buwan na ang lumipas simula ng iwan siya ng babaeng pinaka-mamahal niya ay hindi pa rin talaga siya nagbago.

"Asher... Tama na 'yan." sinubukan kong kunin ang hawak niyang alak pero mabilis niyang naharang ang kamay ko.

"I'm okay."

"Asher–"

"I said I'm okay." may pagbabanta sa tinig niyang sabi dahilan para mahinto ako sandali.

Pinigilan ko ang sarili kong muling maluha habang pinapanuod siyang unti-unting pinapatay ang sarili. I wanted to save him but how can you save someone who doesn't need saving? Ako, ang mga kaibigan niya, maging ang pamilya niya ay wala nang magawa upang iahon siya sa habang-buhay na pagkakalunod. 

Asher's heart has turned to stone when Karsyn died and no one can even save him from that. Alam kong walang iba kung hindi si Karsyn lang ang may kakayahang bumago no'n pero paano nga kung wala na ito? Wala na si Karsyn.

"Asher, she's gone..." napalunok ako't mas nilakasan ang loob sa mga susunod na sasabihin. "Karsyn will not be happy to see you like this–"

"Umuwi ka na." he harshly cut me off.

"Asher–"

"Umuwi ka na!" mas malakas niyang hiyaw na dumagundong pa sa loob ng mausoleum na kinaroroonan namin.

Bumilis at lumakas ang kalampag ng puso ko dahil sa kanyang mapanganib na tinig pero imbes na hayaan siya ay matapang kong kinuha ang alak na iinumin niya sanang muli pagkatapos ay mabilis iyong itinapon sa sahig dahilan para gumawa ng ingay sa pagkabasag nito.

Kahit na nanghihina ang mga tuhod ko ay nagawa kong tumayo at lumayo sa kanya lalo na't iyon ang kailangan kong gawin dahil sa mga mata niyang nag-aalab na ngayon sa galit.

"Get up and fix yourself Asher! Hindi pa tapos ang mundo! Hindi pa tapos ang buhay mo kaya huwag mong sayangin ang lahat ng pagkakataong ibinibigay sa'yo!"

Muli akong napaatras ng tumayo siya't pinantayan ako.

"Anong alam mo? Putang ina wala kang alam kaya pabayaan mo ako!" galit na galit niyang sigaw na halos mapatid ang mga ugat sa leeg maipasok lang sa tenga ko't utak ang mga salitang iyon.

Kahit na gustong gusto nang kumawala ng mga luha ko ay hindi ko hinayaan ang sarili kong maging mahina. Hindi ngayon ngunit ang ang mga sumunod niyang sinabi ay talagang tumagos sa puso ko at nanatili doon para isampal sa akin kung gaano kahirap at kasakit ang pinagdaraanan niya.

"Wala kang alam sa kung anong nararamdaman ko at wala kang pakialam kung ano ang gusto kong gawin sa buhay ko! It's my life and I will do anything I want with it! Wala kang pakialam kung mamatay ako! Putang ina wala kayong pakialam kaya tigilan niyo 'ko! Just fucking go away! Umalis ka na! I don't fucking need you!"

Dama ko ang pagsabog ng bomba sa puso ko nang hawakan niya ako ng mahigpit sa braso at marahas na kinaladkad palabas sa lugar na 'yon.

"Wala kang alam! Wala kayong pakialam! Putang ina!" malakas at madiin niyang sigaw habang itinutulak ako.

Doon na tumulo ang mga luha ko. Magkahalong takot, awa at paghihinagpis para sa kanya at kay Karsyn ang nararamdaman ko pero wala akong magawa... Wala na akong magawa.

Hindi ko napigilang mapaupo dahil sa panghihina ng talikuran na ako ni Asher matapos isara ng marahas ang pintuan ng mausoleum dahil parang naupos ang pagkatao ko. Nanginginig ang balikat kong nayakap ang sarili at pagkatapos ay hinaplos ang pumipintig na parteng hinawakan niya ng madiin kanina.

Masakit 'yon pero mas masakit pa rin na makita siyang wala nang pag-asang ipagpatuloy ang buhay. I feel like I am watching someone who are about to get hit by a train but I couldn't move my feet to save him. Na kahit may oras pa akong isalba siya, wala akong magawa. Asher is a hopeless case and he doesn't need anyone. Tama siya do'n at iyon ang totoo.

I found myself looking up at the dark sky...

"Karsyn... What should I do?" naghihinagpis at nagmamakaawa kong tanong sa madilim na langit. "Tell me what to do, KF? Please help me... Help him..." buong puso kong pagmamakaawa kasabay ng tuluyang paghagulgol.

~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva

Facebook Group : CengCrdva Wp

Instagram : CengCrdva/Cengseries

Twitter : CengCrdva

The Bachelor's Vices ( TBS 3  - Book 2 )Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang