CHAPTER 4

16.6K 576 44
                                    

Chapter Four

Miracles Do Exist

The thing about desperate people is that they don't give up easily. No matter what the circumstances are, they still find a way to do what they think they need to do.

Just like what Suzanne Collins said, "That if desperate times call for desperate measures, then I'm free to act as desperately as I wish."

Wala na akong naisip na iba habang sinusundan ang sasakyan ni Asher kung hindi ang pagiging desperada ko. Imbes kasi na bitiwan siya gaya ng payo ng kanyang pinsan ay mas lalo ko siyang gustong sundan.

Hindi na bale kung taliwas 'yon sa mga plano ko. Hindi na bale kung saan ako abutin ng pagsunod sa kanya. Hindi na bale kung ipagtabuyan niya ako. I just can't let him go. Lalo na pagkatapos ng nasaksihan kong paglalasing, pakikipag-away niya't pagwawala sa club na 'yon.

No, I won't stay away from you, Asher. You can never get rid of me because if KF was still alive, iyon rin ang gusto niyang gawin ko.

It was a long drive. Halos limang oras akong bumuntot sa kanya kasama na ang traffic. Bumaba na rin ang araw pero wala yata siyang balak na huminto. He just kept on driving. Kinabahan ako nang mapansing paikot-ikot nalang kami, tila gusto niya lang magpalipas ng oras at hintayin ang pagdating ng gabi bago huminto at ipagpatuloy ang buhay. Mabilis siyang magpatakbo kaya naiiwan ako pero hindi ako bumitiw. Sapat lang ang naging distansiya ko para hindi niya ako mapansin. I continued following him, mabuti at full tank ang gamit ko dahil kung hindi ay mawawala ko siya.

I ended up in a small pub. Malayo sa kabihasnan ngunit alam kong parte pa rin 'yon ng Batangas. Sa layo no'n ay hindi ko inasahang puno ang lugar at marami ring tao, mostly ay mga turistang nag stop over lang at napasarap na sa inuman. Some were even glamorous enough to be in this place.

Sinadya kong sa isang sulok umupo, tama lang upang hindi niya ako mapansin.. Um-order ng sariling inumin habang hindi inaalis ang tingin kay Asher. My parents kept calling me. Hanggang sa maubos nalang ang baterya ng aking telepono ay hindi ko sila sinagot.

Tahimik kong tinikman ang alak na inilapag sa aking harapan. Pinalipas ang oras. Kumuha ng tiyempo ngunit nakatatlong baso na ako ng ladies drink ay hindi pa rin ako nagkaroon ng lakas na lapitan si Asher.

Paano ko nga naman gagawin 'yon? Paano ko siya kakausapin at mapipilit na pakinggan ako kung iba't-ibang babaeng nakakunyapit sa kanyang mga braso? Kung wala itong ibang ginawa kung hindi ang makipagtawanan at makipaghalikan sa kanila?

Naramdaman ko ang mabilis na pagbundol nang matigas na bagay sa aking dibdib, causing me to beg for air when I heard his laugh across the room, tinatalo ang ingay ng mabilis na beat ng tugtog sa kabuuan ng lugar. Hindi ko na mapigilang mapapikit at mag-iwas sandali ng tingin ng muli niyang hatakin ang babaeng katabi at halikan sa mas uhaw na paraan.

Hindi ko kaya. Watching him making out with someone other than Karsyn hurts me, hindi para sa akin kung hindi para sa namayapa kong pinsan. If Karsyn was here, I know she'll be broken, shattered even. But then if she's still alive, Asher Miguel wouldn't be here kissing random girls.

Humigpit ang kapit ko sa aking malamig na basong may alak, nanalangin akong tapos na ang halikan sa aking pagdilat kaya nang matupad 'yon ay nakahinga ako ng maluwag. Tinungga ko ang hawak na inumin at um-order ulit. Hindi ko alam kung tama bang ako ang unang malasing kaysa sa kanya pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Unlike the coffee, I'm certain now that alcohol will help me numb all these uninvited emotions.

I waited for a couple more hours kahit na hindi ko na rin alam ang hinihintay ko bago siya lapitang muli. Kung ang pagtatapos ba ng mga kahibangan niya o ang pagiging handa ng puso ko sa lahat ng ito?

The Bachelor's Vices ( TBS 3  - Book 2 )Where stories live. Discover now