Chapter 5

68 32 17
                                    

Gianne

"Bakit computer programming?" tanong ko sa kanya.

"Bakit naman hindi? Computers are like gods of the modern world. Napakamakapangyarihan nito. And guess what, through our degree we may own such power" sagot naman ni Janice.

"Wow! That's so poetic Nice. Hahaha" natawa na lang ako sa sagot ng bestfriend ko.

Syempre naman nu, apat na taon naming pinaghirapan ang kursong ito. Kaya naman alam na alam na namin ang pakinabang nito.

Pero namangha talaga ako sa kanyang sagot. Para syang beauty queen sa sagot na iyon.

Not to mention tumatakbo pa kami ngayon. Napagdesisyonan kasi ng lahat na magjogging sa kalapit na highway. Pabalik na kami ngayon kaya naman paakyat ang daang tinatakbuhan namin.

Pangatlong araw na namin ngayon sa Villa at so far nag eenjoy naman kami. Nakaaakit talaga ang tanawin dito, makalilimutan mo ang syudad. Sariwa rin ang hangin na halos mararamdaman ko ang malaming nitong simoy na pumasok sa aking ilong. Kung pwede nga lang tumira dito ay matagal na akong naglayas.

Hahaha pero syempre hindi ko naman gagawin yun, bukod kasi sa hindi pwedeng tumira dito ay hindi ko kayang iwanan ang parents ko, ang dalawa kong kapatid at si mellow ang alaga kong pusa. Mahal na mahal ko kaya sila.

"Kaya nga maswerte tayo Nice, halos kasi lahat ng mga trabaho ngayon ay nangangailangan ng knowledge sa computer" sagot ko sa kanya.

"Saka sa'n pa ba babagay ang kagaya natin. Hahahaha" biro ni Janice at saka tumawa.

Natawa narin ako sa sinabi nya. Sa'n pa nga ba kami babagay. Pareho kaming payatot ni Janice. Idagdag mo pa ang pagkamahinhin namin. Kaya naman hindi talaga kami babagay sa mga mabibigat na trabaho.

"Pick up the pace everyone!" dinig kong sigaw ni David mula sa unahan.

Medyo malayo narin ang agwat nila mula sa amin. Kaya kailangan na naming maghabol.

"Bilisan natin ng konti Nice, napag iiwanan na tayo" panghihikayat ko sa bestfriend ko.

"Hihimatayin na nga yata ako Ianne, tapos gusto pa nilang magmadali" sabi ni Janice.

"Teka lang hihirit muna tayo ng time out" sagot ko kay Janice. Maging ako kasi ay hingal na hingal narin. Ang hirap nang huminga.

"Guys sandali lang! Maglakad muna tayo please. Hindi na namin kaya " sigaw ko sa mga nauna sa amin.

Sinabi na naman namin sa kanila na hindi na kami sasama ni Janice dahil maghahanda pa kami ng agahan. Pero mapilit talaga sila, lalong lalo na si David. Sobrang kulit talaga nya.

Natawag ko naman ang pansin ni Alexis sa aking pagsigaw. Napahinto sya at lumingon sa amin bago sumigaw sa harapan.

"Hahaha sige maglakad muna tayo, pagod na rin kasi ako" sabi ni Alexis.

"Thanks pres" agad ko namang tugon.

Sa wakas makakapagpahinga na kami kahit saglit lang. Napayuko ako at napatukod sa aking tuhod habang hinahabol ang paghinga.

"Buti naman at sumang-ayon din ang lahat. Akala ko talaga mawawalan na ako ng malay" biro ni Janice.

"Si Pres pa ba? Alam naman nating susunod ang lahat sa kanya. Madalas kasi syang seryoso, nakakaintimidate nga minsan ang aura nya eh, yung tipong maglo-look up ka talaga sa kanya" sagot ko kay Janice.

Yan ang class president namin. Matalino, matangkad, maputi at artistahin. Maayos ang gupit ng kanyang makintab at maitim na buhok na talaga namang karesperespeto. Palagi rin syang nakasuot ng salamin. Nagmukha tuloy syang isang nerd. Natatakpan nito ang kanyang kagwapohan. Bagama't hindi ko pa sya nakitang walang suot na salamin sigurado akong gwapo talaga sya.

"Kaya nga sya ang President natin diba?" sabi ni Janice.

"Hahaha oo nga. Kahanga-hanga kasi nakuha nya agad ang respeto natin kung gayong transferee lang naman sya" sagot ko.

"Ewan ko nga rin kung bakit sa school natin yan nagtransfer. Ang yaman-yaman naman ng pamilya nyan. Saka first batch pa kaya tayo na kumuha ng computer programming sa school natin. Kaya nga kokonti lang tayo" dagdag ko pa.

"Kainis nga Ianne eh, lumuwas pa talaga kami ng ibang probinsya para makapag enroll ako ng computer programming. At nang nagsimula na akong pumasok sa dati kong school saka lang namin nabalitaan na nag ooffer na pala ng programming ang school natin. Kaya tinapos ko lang ang isang taon doon at bumalik na kami dito" kwento ni Janice.

"At dahil doon, nagkakilala tayo, ayiieeee" sabi ko naman sa kanya.

Simula noong magtransfer si Janice noong second year, naging magkaibigan na agad kami. Magkasundo kasi kami sa lahat ng bagay, lalong lalo na sa pagmamahal sa mga pusa. Kaya naman hindi nagtagal ay naging magbestfriends na kami.

"Mamimiss kita Ianne" sabi ni Janice at biglang akong niyakap.

Sweet talaga si Janice kahit noon pa man. Higit pa sa kapatid ang turingan naming dalawa. Pati nga rin ang dalawa kong kapatid na lalaki ay close din sa kanya. Lalo naman si mellow, mahal na mahal nya yun. Sobrang friendly at caring talaga nitong bestfriend ko. Hindi ko alam ang gagawin kapag nagkahiwalay na kami.

"Okay lang yan Nice, magkikita pa naman tayo after graduation" sabi ako sa kanya at niyakap din sya nang sobraaaang higpit.

Nanatili kaming magkayap kahit na pareho kaming pawis na pawis.

"Ano ba yan, ang agaaga nagdadrama tayo, hahaha" hanggang sa kumalas din sya.

Halos naluluha na si Janice. Pati ako parang maiiyak na rin. Mamimiss ko talaga ang bestfriend ko. Kahit na magkita pa kami iba rin talaga sa school na araw araw kaming magkasama.

"Hehehe oo nga. Ikaw talaga Nice" sagot ko.
Pinunasan ko naman ang aking mata dahil naramdaman kong nangingilid na ang aking luha.

"Pero balik tayo kay Alexis" sabi ko.
Medyo naiiyak na talaga ang boses ko kaya naman tumikhim muna ako bago nagsalita ulit.

"Sa tingin mo may gusto kaya sa kanya si Lorraine?"

"Yun nga din ang tingin ko Ianne eh, mukhang nagkakamabutihan na sila" sagot ni Janice.

"Hahaha pero alam mo bagay sila" dagdag pa nya.

Napasarap ang ata kwentuhan naming dalawa kaya naman hindi ko na namalayang bumalik pala si David para sa amin.

"Hooy! kung ano-ano ang pinag uusapan nyo dyan. Tara na" makulit na sabi ni David.

"Okay tama na ang pahinga, takbo na ulit tayo" sigaw ni Alexis.

Kaya naman wala kaming nagawa kundi ang tumakbo ulit.

The Villa Monica IncidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon