Chapter 10

4 1 0
                                    

Matt

"Janice!" Nangingibabaw ang sigaw ni Gianne.

Nagkakagulo na kaming lahat ngayon. Hindi namin alam kung anong nangyayari.
Halos lumabas ang puso ko kanina nang may sumabog sa kusina na nasa likuran ko lang.

Ang agad kong naging reaksyon ay tumakbo palayo mula sa pagsabog. Wala talaga akong ideya kung anong nangyari sa kusina. At bakit naman ganoon kalakas ang pagsabog na iyon?

Sa ngayon ay pinapanood na lamang namin na tupukin ng apoy ang kusina.

"Janice! Janice!" patuloy parin sa pagsigaw si Gianne sa pangalan ng kanyang kaibigan.

Nasa loob pa pala si Janice nang nagkaroon ng pagsabog kanina. Kaya hindi magkamayaw si Gianne sa pag-aalala.

Pumunta agad si Alexis sa tabi ni Gianne upang damayan ito.

Ilang sandali pa ay nagtangka na si Gianne na pumasok sa loob ng natutupok na kusina.

"Tulungan natin si Janice, tulungan natin sya!" naiiyak na sigaw ni Gianne.

"Gianne wag! Masyadong delikado para pumasok dyan" sabi ni Alexis.

Ngunit nagpumilit parin syang pumasok sa kusina kaya naman niyakap ni Alexis ang beywang nito.

"Please tulungan nyo si Janice" pagmamakaawa ni Gianne.

Napaupo na lang sya sa sahig nang marealize na hindi sya hahayaan ni Alexis na pumasok.

Napatingin naman ako sa iba kong mga kaklase. Takot na takot din sila sa nangyari. Ngunit tila nangingibabaw na ngayon ang kanilang pag-aalala kay Janice.

Humahagulgol na si Gianne. Kaawa awa syang nakaupo sa sahig habang nahihilamos sa kanyang mga luha.

"Stacey, ilabas nyo muna si Gianne dito" utos ni Alexis kina Stacey at sa mga kaibigan nito.

Ngunit maging sila, hindi rin makagalaw dahil sa pagkagulat sa nangyari .

"Cassey, Emma!" napasigaw si Alexis sa kanila.

At sa pagkakataong iyon nakuha nya ang atensyon nila.

"Stacey, ilabas nyo muna si Gianne dito" utos muli ni Alexis.

"Si-sige Pres" sagot ni Emma.

Saka sya lumapit kay Gianne. Sumunod naman sina Cassey at Stacey at tinulungan syang itayo si Gianne.

"Tara na Gianne" sabi ni Cassey saka nila inalalayan ni Stacey ang nanghihinang kaklase.

Inilabas nila ito ng kusina at saka dinala sa sala.

"Lorraine" tawag ni Alexis kay Lorraine.

Natawag naman nito ang pansin nya pero walang sinabi si Alexis, kundi tumingala lang sya.

Tila naintindihan naman agad ni Lorraine ang ibig nyang sabihin at agad itong nagmadaling lumabas.

Ano kaya ang ibig sabihin ni Alexis at napatakbo palabas si Lorraine?

"David, Nathan, Gregory, mag igib kayo ng tubig mula sa kabilang kusina" sabi ni Alexis at agad agad ding kumilos ang tatlo.

"Khris, Matt" sunod na tawag ni Alexis.

Tinanguan ko muna si Khris at saka lumapit agad kami sa kanya.

"Anong gagawin natin Pres?" tanong ko sa kanya.

"Subukan nating ilabas si Janice" saad nya.

Nagulat ako sa gusto nyang gawin. Balot parin ng usok ang kusina kaya't malamang ay malakas parin ang apoy sa loob.

The Villa Monica IncidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon