001

34 9 2
                                    

hehe my favorite work so far(?) lol

-

"Jeonghan, ilang araw ka ng nakakulong diyan sa unit mo. Pwede bang labasin mo na ako?!"

Ayoko. Ayokong ipakita na mahina ako.

"Cheol.... O-Okay lang ako...."

"Ulol mo. Puro hikbi ka nga diyan eh. Oh tingnan mo humihikbi ka na naman."

Nakatingin lang sa kawalan si Jeonghan habang iniiyak ang nilalaman ng puso niya. Halos dalawang araw na siyang ganito. Lagi namang nag-iiwan si Seungcheol, ang kaniyang kaibigan ng pagkain sa labas ng kwarto niya. Ang gago pang Seungcheol, nagbigay ng ice cream na "He's not worth it" ang flavor.

Nakatira sila sa iisang apartment complex lang. Kasama na dito ang 11 pang nangungupahan, kasama na doon si Jisoo.

Nagtataka na nga ang ibang mga kaibigan niya na nakatira sa iisang apartment complex dahil hindi parin lumalabas si Jeonghan hanggang ngayon.

Kaya eto, si Seungcheol, na pinakamatalik niyang kaibigan, binubulabog siya.

"Jeonghan hyung! Nagluto ako ng favorite mong spaghetti. Tapos may chicken pa dito, nagpa-deliver kami. Labas ka na!!!" Wika ni Mingyu, ang tinaguriang "chef" ng apartment complex.

"Jeonghan hyung! May ice cream din! Uubusin ko 'to sige ka. Labas ka na!" Wika naman ni Seungkwan, isa ito sa mga pinakapaborito niyang dongsaeng.

Hay. Sige. Alam niyo sigurong di ko kayo matitiis kaya kayo ganyan.

Masaya lang na kumakain ang lahat sa dining table ng biglang iniluwa ng unit sa tapat ng kusina ang mukhang zombie na si Jeonghan.

Nagulat naman ang lahat. Halos mailuwa na ng iba ang nasa bibig nila nang nakita nila ang Hyung nila na ganon.

"H-hyung... anong n-nangyari sayo?" Halos sabay naman na wika ni Seokmin, Soonyoung at Seungkwan.

Agad nilang niyakap si Jeonghan. At doon na naman nagsimula ang waterfalls sa mata niya.

Lumapit naman isa-isa sila Mingyu, Wonwoo, Junhui, Minghao, Jihoon, Seungcheol, Hansol at Chan at niyakap din siya.

"Hyung, sabi naman namin sayo diba, kapag may problema ka pwede mong sabihin sa amin." Wika ng pinakabatang si Chan.

Humagulgol lang siya nang mga limang minuto doon. Agad naman siyang kumalas sa yakap pagtapos.

"N-Nakipag...break na ako kay Jisoo."

"HA?! Is this real oh my god! Finally natauhan ka ring gaga ka." Wika sakanya ni Seungcheol.

"Hyung naman eh, brokenhearted na nga yung tao ang saya saya mo pa!" Wika ni Seokmin, na umiiyak na rin ngayon.

"Gusto niyo ikwento ko sainyo lahat?"

Sabay-sabay naman silang um-oo.

Umupo na ulit sila sa dining table para kumain, at pakinggan ang kwento ni Jeonghan. Kinwento ni Jeonghan lahat lahat ng pangga-gago ni Jisoo na si Seungcheol lang ang nakakaalam. Humahagulgol din siya habang kinikwento niya, pero kailangan na niya talagang ilabas lahat para kahit papaano, gumaan ang pakiramdam niya.

"Gago, kaya pala nung isang araw, Umuwi si Jisoo hyung dito na lasing tapos nag-impake ng mga gamit niya at dinala din ang motor niya." Wika ni Jihoon habang nilalantakan ang manok na hawak niya.

"Nag-aalala na nga ako eh, kasi hyung diba alam mo naman si Jisoo hyung pag lasing, uncontrollable." Pagtutuloy ni Jihoon.

"Wala na akong pakialam. Basta, magiging okay din ako. Kaya ko 'to. At alam kong nandiyan kayo lagi para damayan ako. Tingnan mo nga si Seungkwan at Seokmin oh, nakiki-iyak na rin sakin."

"E-eh kasi naman! Bakit kasi di m-mo sinabi a-agad! H-hyung mahal na mahal ka namin huhu." Wika ni Seungkwan.

"So... are you really letting go of him na? Wala ng chance?"

Jeonghan hesitated when Seungcheol asked him that. Kasi, wala tayong niloloko dito. Alam nating lahat mahal pa niya si Jisoo.

"Wala. Wala ng chance."

Tama na Jeonghan.

He's not worth fighting for.

Not like your sickness.

-

wowerz sinong kakagising lang at 1:21pm na???? ako bye.

one last chance. | jihanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon