24** Batangas-Day 3

2.2K 52 10
                                    

'CHAPTER 24 * BATANGAS- DAY 3

Marco's POV

Last day na namin dito sa Batangas, next week pasukan na naman. Pagkatapos ng nangyari kagabi hindi ko na alam kung pa'no ako napunta dito sa kwarto ko. Nandito na pala na kami sa villa nila Austin.

Naalala ko lang na pumunta ako sa bar at nilaklak ko lahat ng alak nila dun. Pagtapos n'un wala na akong matandaan. Malamang, lasing na naman ako. Haayy.

"Argh!" Sigaw ko kahit nakahiga pa ko. Sobrang sakit ng ulo ko, lalo tuloy akong tinamad tumayo.

Bigla na lang tumulo 'yung luha ko. Naalala ko na naman 'yung sinabi ni Nicole. Huli na ba talaga? "Shit. Nicole mahal na mahal pala kita. Bakit ngayon ko lang narealize? Kung kailang nahulog ka na sa iba?" mahinang sambit ko.

Iba pala pag nakikita mong hindi na sa'yo 'yung atensyon niya. Dati kasi ako lang ang nakakapagpangiti sa kanya pero ibang tao na ang gumagawa n'un ngayon. Inaamin ko nagseselos ako sa kanila ni Austin pero wala naman akong karapatan di 'ba? Ako nga 'tong unang nanakit. I never thought it will turn out this way. Sana pala noon pa lang hindi na ako tumingin sa iba.

Ganito rin kaya ang naramdaman niya n'ung kami pa ni Liz??

Bwisit na luha 'to lalo tuloy sumakit 'yung ulo ko. Pumunta na lang ako sa banyo at naghilamos, mawawala rin 'to.

Paglabas ko ng kwarto, hindi nakaligtas sa mga mata ko si Nicole. Nakatayo lang siya sa may terrace, mukhang malalim ang iniisip. Pupuntahan ko na sana siya pero naunahan ako ni Austin.

"Girlfriend!" sigaw na naman ni Austin. Nilakasan niya pa talaga dahil alam niyang nakikita ko sila.

"Oh, nasan na 'yung ice cream ko?" nakapout na sabi ni Nicole. Dati naman ginaganyan niya rin ako at nagagandahan din ako pero hanggang dun lang, simple as that. Pero ngayon, sobrang ganda niya sa paningin ko. 'Yung feeling na wala na akong ibang babaeng gustong tignan kungdi siya lang. Si NICOLE lang.

"Bakit ba kasi ang bagal mo iho?" Nagulat ako sa nagsalita, nasa tabi ko na pala si tita Margaret.

"P-po?" naguguluhang tanong ko.

"Alam kong alam mo kung anong ibig kong sabihin." 

Hindi ako makakibo. Tama si tita, ang bagal ko nga. Kung kailang huli na tsaka ko lang na-realize kung ano ba talaga si Nicole sa buhay ko.

"Akala ko nga kayo na ang magkakatuluyan pero nag-girlfriend ka pala ng iba." Napabuntong-hininga siya at muling nagsalita. "Tapos nung nag-break naman kayo, eto namang anak ko ang nagkaroon ng manliligaw."

Sumabay na lang ako sa pag buntong hininga niya.

"Sinabi ko na pong mahal ko siya." Nanlaki 'yung mata ni tita pagkasabi ko n'un.

"Anong sinabi niya???"

"Huli na raw po ang lahat. Nahuhulog na 'yung loob niya kay Austin," malungkot kong pahayag.

Nakita kong nanlumo naman si tita.

"Susuko ka na lang ba?" 

"H-hindi ko po alam."

"Kung ikaw ang makakatuluyan ng anak ko, mas magiging masaya ako dahil ikaw lang ang nakikita kong karapat-dapat sa kanya..." Nakatitig lang ako kay tita habang sinasabi niya 'yun.

"Anak ko si Nicole, alam kong mahal ka niya pero nalilito lang siya. Mauna na ako sayo iho."

Pagkaalis ni tita, para naman akong nabuhayan ng loob. Tama! Hindi ako susuko. Hindi ito ang panahon para sumuko. Hindi pa naman sila ni Austin eh, may pag-asa pa 'ko. Minahal ako ni Nicole, sisiguraduhin kong mamahalin ulit niya ako.

Loving My Bestfriend (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat