27** The Reason Behind (Flashback)

2K 44 15
                                    

CHAPTER 27 * THE REASON BEHIND (FLASHBACK)

Nicole's POV

One week na lang birthday ko na. I'm so excited and I just can't hide it! Para na akong baliw. Nandito kami ni Austin sa Starbucks, 'yung pinagtrabahuhan ko dati. Naisipan ko kasi silang dalawin.

"Kasama ba ako sa 18 roses mo?" tanong sa'kin ni Jovan, 'yung pinaka-close ko sa lahat dito.

"Oo naman, pang 19 ka," pagbibiro ko sa kanya.

"Corny mo," sabi niya.

"Namiss kita!" sabi ko sa kanya tapos niyakap ko siya ng mahigpit, ang tagal ko rin siyang hindi nakita eh, puro text at tawag lang.

"Teka lang! Ano ba nahihirapan akong huminga," sabi niya tapos umarte pang hindi nga siya makahinga.

"Arte mo ha! Bakla ka ba?"

"Oo, bakit palag ka?" sabi niya naman sa'kin.

"Ppfffftt! Di bagay, umayos ka gaga," natatawa kong sabi.

"Gaga ka rin! Mas gaga ka kaya sa'kin," bigla na lang nag-iba 'yung boses niya. As in pa-girl na.

"Wait lang, bakla ka?? totoo?" tarantang tanong ko.

"Uh hmmmm," sabi niya tapos tumawa ng malakas.

"Ahh kaya pala hindi mo 'ko type kahit ang ganda ko kasi type mo 'yung mga lalaki!" tawa lang ako ng tawa.

"Wag ka ngang maingay, sa'yo ko lang sinabi. Ikaw lang sinabihan ko, quiet ka lang. Ngayon dalawa na tayong maganda," natatawang sabi niya.

"Okay," sabi ko pero natatawa pa rin ako.

"Boyfriend mo na ba 'yan? Akin na lang," sabi niya sa'kin habang tinuturo si Austin.

"Gaga! Akin na 'yan," sabi ko.

"Oh? Anong nangyari kay Marco? Akala ko M.U. na kayo n'un?" tanong niya, naikwento ko rin pala sa kanya 'yung sa'min dati.

"Eh ganun talaga, maling ugnayan lang pala 'yun Jovan," serysong sabi ko, tsk naalala ko na naman tuloy.

*Flashback

November...

Second sem na, nakaka-stress kasi mas mahihirap na 'yung subjects namin. Pero okay lang, inspired kasi ako. Yiiieeeeh.

"Hi sweetie, Goodmorning!" Bati sa'kin ni Marco, nagluto siya ng breakfast namin nila mama. Ang aga-aga kinikilig ako. Mula kasi nung inatake ako ng allergy ko, hindi na niya ako pinabayaan. Hindi niya rin ako iniwan, mag-iinarte pa ba ako? Eh mahal ko naman talaga siya eh, pero hindi pa kami.

"Goodmorning din," nakangiting sagot ko naman sa kanya.

"Bilisan mong kumain pasok na tayo." 

"Sige!"

***

Sa school...

"Bakla! Kamusta naman?" bulong sakin ni Lorrine pero malakas pa rin eh, nandito kasi kami sa library kaya bulungan lang.

"Eto masayang-masaya!" masayang bulong ko rin. Baka kasi sitahin kami nung matandang librarian, masungit pa naman 'yun.

"Akalain mo 'yun? Mahal ka na ni Marco! Sa dami ng problemang dumaan, kayo pa rin pala sa huli! Waaaah!" Hindi na napigilan ni Lorrine 'yung pagtili niya kaya naman...

Loving My Bestfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now