41** Trials that come our way

1.8K 35 6
                                    

CHAPTER 41 * TRIALS THAT COME OUR WAY

Nicole’s POV

Nasa sasakyan na kami ni Marco papunta sa Rockwell, doon daw kami ime-meet ng papa niya. Kinakabahan talaga ako dahil first time naming magkikita. Hiwalay na ang parents niya nang magkakilala kami. Napansin niya sigurong kinakabahan ako kaya’t hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan.

"Relax, my princess. I'm here."

Mabilis lang ang naging byahe at nakarating din kami kaagad. Bumaba na kami ng sasakyan niya at naglakad papasok sa mall. Umakyat kami sa third floor dahil nasa Burgoo daw ang papa niya. Hawak-hawak pa rin ang kamay ko, nilapitan na namin ni Marco ang isang makisig na lalaki, may katandaan na rin siya pero makikita pa rin ang taglay niyang kagwapuhan. ‘Yun malamang ang namana ni Marco sa kanya pero mas gwapo pa rin si Marco my prince.

"Good evening po," nakangiting bati ko sa kanya. Ngunit hindi siya tumingin sa ‘kin, bagkus binaling niya ang atensyon niya kay Marco.

"Have a seat," sabi nito sa anak. Tinawag niya ang waiter at umorder na ng makakain.

“One Filet Mignon, Grilled Angus Rib-eye, and Blackened Salmon,” sabi ni Mr. Yuzon. “What about you Nicole?”

“Ahm,” hindi ko malaman ang isasagot sa sobrang kaba.

“Shrimps and Ribs Platter na lang sa amin ni Nicole, ‘yung large na,” sabi ni Marco dun sa waiter. Buti na lang at siya na ang sumagot. Kinakabahan talaga ako eh. Para kasing hindi ako gusto ng papa niya. Ang cold ng treatment niya sa'kin. Ibang-iba sa treatment nila papa kay Marco.

"It seems you don't have enough confidence iha, pa'no na lang kung ipapakilala ka na ni Marco sa mga kamag-anak namin? You should be proud of yourself, tanggalin ang hiya.”

“So-sorry po.”

“Nicole, you should be confident ha? Just relax and smile, wag kang kabahan ako lang naman ito eh,” nakangiting sabi nito. Totoo ba ‘yun? Nginitian niya na ako? Ibig sabihin okay na! Ang saya-saya ko tuloy!

Nang tignan kong muli si Mr. Yuzon, wala na ang ngiti sa kanyang mga labi. Hindi ko tuloy maintindihan. Ayaw niya ba talaga sa'kin para kay Marco? Hindi naman siguro, kanina lang nginitian na nga niya ako eh.

"What's your course, by the way?"

"A-accountancy po."

“I see. Dapat nag-model ka na lang, may itsura ka naman.”

Hindi ko alam kung nakaka-flattered ba ‘yung sinabi niya oh nang-iinsulto eh. Ang ganda kaya ng course ko! Nginitian ko na lang siya.

“Kunsabagay, mas bagay nga sa’yo ang mga paperworks na lang at mag-compute ng kung ano-ano.”

"Papa!” sabat ni Marco.

“What? Di ‘ba ‘yun naman ang trabaho ng mga accountants? Nakakabagot.”

Yumuko na lang ako. Confirmed, ayaw niya nga sa akin.

Nakita ko namang kumunot ang noo ni Marco.

“Don’t you ever talk to her that way pa.”

“I apologize for being so rude, Nicole," sabi nito pero mukha namang napilitan lang siya.

Maya-maya lang ay may tumawag kay Marco kaya’t iniwan niya muna kami ng papa niya. Kung pwede lang sumama na ako sa kanya, kaya lang mukhang importanteng tawag eh.

Loving My Bestfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now