Chptr 44: I love you, Goodbye.

1.8K 51 13
                                    

General POV.

Isang buwan na ang nakakalipas.

Marami nang nagbago.

Lagi nang naguundergo sa Dialysis si Vice at Karylle.

Kalahati nang utak nilang dalawa ay blanko na.

Pero ang maganda doon, Hindi parin nila kinakalimutan ang isa't isa.

"Okay na ba to, Kurba?" - tugon ni Vice.

Kasalukuyang nasa Laguna sina Vice at Karylle. At tinuturuan ni Karylle si Vice nang Clay pottery.

"Pogi, mukha naman yang banana!! Dapat pot!!" - Karylle.

"Ang hirap Kurba. Nakakatanggal nang ganda to." - Sabi ni Vice sabay pahid nang kili-kili nya.

"Naiyak na rin tong Kili-kili ko. Maawa ka sakanya oh." - Dagdag ni Vice.

Natawa naman si Karylle sa joke ni Vice. At pinagpatuloy nila ang pagmomolde nang clay.

"Kurba, dala mo instax mo? Selfie tayo." - Vice.

"Okay." - sabi ni Karylle at inilabas ang kanyang instax.

1...2...3... click!!!

Pagkaprint nang litrato, agad ito kinuha ni Vice at tinago sa bulsa.

"Uy, dapat saakin yan eh. Give me the photo!!" - Karylle.

"Akin na lang ha, teka, akyat lang ako sa taas " - pagpapaalam ni Vice.

Dumiretso si Vice sa kwarto nila ni Karylle. Inilabas nya ang litrato sinulatan nang petsa at nang oras.

"Okay na siguro to para maging regalo." - sambit ni Vice sa sarili.

Itinago ni Vice sa isang bag at bumaba na ulit para ipagpatuloy ang ginagawang clay pottery.

***

"Ang pangit nang handwriting ko..." - sambit ni Vice sa sarili.

Hindi magkasama si Vice at Karylle ngayon. Si Karylle ay nasa hospital for her daily chemotherapy. Si Vice naman ay free. Once a week lang kase ang kanya chemo. Kaya nagpapahinga lang si Vice sa bahay nila.

"Anong ginagawa mo, Tutoy?" - sambit nang kakapasok lang sa kwarto ni Vice na si Rosario.

"Regalo ko po kay Karylle, Nay." - Vice.

"Wow, sa pagkakaalam ko, laging binibili ang regalo para kay K. Ngayon, personalized na? Matinde kay Tutoy!!" - Rosario.

"Syempre Nay. Gusto ko maging importante to." - Vice.

"....kase eto ang pinaka-espesyal. Huli na to eh." - Dagdag ni Vice.

***

Kasalukuyang nasa condo si Karylle. Gumagawa sya nang bite size cookies para kay Vice.

Ilalagay nya na sana sa oven ang cookies nang tumunog ang buzzer nang pintuan nya.

Dali dali syang pumunta sa pintuan.

"Karylle, naistorbo ba kita?" - tugon ni Buern.

"Hi Buern. Not at all." - Karylle.

"Nandyan ba si Meme?" - Buern

"Akala ko ba nasa bahay n'ya sya?" - Karylle.

"Nung hindi pa ako naalis para bumili nang groceries. Hindi pa sya naalis. Pero nung paguwi ko galing supermarket, wala na sya. Hindi nya sinabi kung saan sya pupunta. Pero inisip ko na dito sya pupunta. Pero hindi." - Buern

The Promise | VicerylleWhere stories live. Discover now