GET LOST

7K 150 15
                                    

Sunod sunod ang lagok ko ng alak wala na akong pakialam kung paano ako uuwi basta ang alam ko lang gusto kong makalimot sa sakit.

"Dude tama na yan.."saway sa akin ni Kenzo pero hindi ko sya pinansin. Lumagok pa ulit ako ng isang shot saka yumuko.

"K-Kaya pala lumayo sya saken k-kasi may iba na h-hahaha bakit ba lahat ng taong mahal ko iniiwan ako?" Saka ako lumingon sa kanya. "A-Ano bang mali sakin Dude? I want her to stay damn this heart!"

"B-Baka naman nagkakamali ka lang--"

"No! Alam ko ang nakita ko! Hindi naman ako ganun kabobo para hindi maintindihan yun eh ang hindi ko lang gets bakit nung nakaraan ako ang mahal nya? Tapos nangyari lang yung insidenteng iyon may iba na? Ano bang klase ang puso nya!?"

"Give her time, space baka gusto nya lang makapag isip"

"Napaka slow nya naman tatlong buwan ko na syang hinayaan mag isip ano pa bang gusto nya? Gusto ko lang malaman kung mahal nya pa ako o hindi na yun lang naman ano bang mahirap dun?!"

Pinahid ko ang luha ko saka uminom ng uminom. Dinig ko ang panay buntong hininga ni Kenzo pero hindi ko iyon pinansin. Maya maya pa ay lumapit sa amin ni Zues may ari ng bar na kaibigan din namin.

"Whatsup guys?" Masayang sabi nito sa amin. Tumango lang ako at itinaas ang baso ko.

"Oh? Anong nangyari dyan?" Parang natatawa nya pang sabi. Ngumisi lang ako.

"Broken hearted" Sarkastikong sabi nito. Umiling lang ako.

"Ooww! Gwapo tayo Dude dapat tayo ang hinahabol ng mga babae!"

"Tsk! Loko wala ka kasing siniseryosong babae isang malaking GOOD LUCK talaga sayo kapag tinamaan ka ni Kupido!" Ganting pang aasar ko saka lumagok muli ng alak.

"Knowing Zues hindi na magbabago yan sa salitang PLAYBOY sya ang pinakamalaking ebidensya tsk tsk tsk" banat ni Kenzo dahilan para magtawanan kami.

"Pinagtutulungan nyo ko ah! Teka.. nasan pala si Niko? Lokong yun ang laki ng utang nya sa bar ko!"

Natigilan ako. Hanggang ngayon kasi hindi ko parin kinakausap si Niko. Wala naman akong balak patagalin ang inis ko sa kanya.

"A-Ah.. heheh ano bang ipinunta mo dito Zues?" Pag iiba ng topic ni Kenzo.

"Ah! By the way gusto ko sanang irequest na kumanta tong si Lucas wala kasi ang banda hinire namin--"

"Sure!" Sagot ko agad.

"Good! Thanks Dude .. teka ipapahanda ko lang ang stage."

"Hindi ko alam na kumakanta ka pala? Hahahaa"

"Hindi lang halata pero Oo."

"Naks! Dun mo ibuhos ang sakit na nararamdaman mo Dude! Goodluck! HAHAHA!"

Sumenyas si Zues mula sa backstage kaya naman agad ko syang nilapitan. Sinabi ko sa DJ ang gusto kong kantahin. Inayos nila ang stage at iniabot sa akin ang gitara. Saka ako umakyat sa stage.
Huminga ako ng malalim saka tinipa ito. Dinig ko ang hiyawan ng mga tao sa loob ng Bar. Maging si Kenzo ay kita ko ang nagkikintabang ngipin nya.

I remember the days when you're here with me
Those laughters and tears
We shared for years hmmm
Mem'ries that we had for so long it's me and you
Now you're gone away
You left me all alone

Muling nanumbalik sa akin ang alaala ni Jazze. Noong mga panahon na ipinagtatabuyan ko sya, noong mga panahon na binalewala ko ang presensya nya.

Go on do what you want
But please don't leave me
You'll break my heart
Hey, what should I do
Babe, I'm missin' you
Please don't disappear
These are the words that you should hear
Time and time again I wish that you were here..

Kung maibabalik ko lang ang mga oras na yun sana sumubok ako.. sana nung mga araw na ayaw kitang makita nilambing nalang kita.

I don't wanna lose you
Girl, I need you back to me
I don't wanna lose you
Baby, can't you see
Oh, I need you
You've been a part of me
I wish someday you'll be back home
'Cause I really miss you, darling
Please come home

I wish someday you'll be back home
'Cause I really miss you, darling
Please come home.

Please Comeback to me Jazze..

Maluha luha kong iminulat ang mata ko ngunit laking gulat ko ng tumambad sa akin ang maamong muka ni Jazze. Deretso itong nakatitig sa akin.

"Jazze " nasambit ko sa mikropono. Nagitla ako ng mabikis syang lumabas ng bar. Agad ko itong sinundan.

"Jazze!! Sandali lang!" Tawag ko ng makalabas kami ng bar ngunit hindi man lamang nya ako nilingon. Patuloy ang pagtakbo nya hindi alintana ang malakas na buhos ng ulan.

"Jazze please!" Tawag kong muli. Nang maabutan ko sya ay agad kong hinila ang braso nya at sapilitang iniharap sa akin.

"J-Jazze.."

"L-Let me go Lucas" madiing sabi nya. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakakapit ko sa braso nya.

"No talk to me Jazze ano bang problema--"

"I said let me go!"

"No! Jazze iniwan moko ng wala kahit isang salita tapos makikita kita may kasama kanang iba?! Ano bang--"

"Stop acting like you care Lucas! This is what you want right?!"

"What?! You know what? I dont get you! Paliwanag mo ang gusto kong marinig! Bakit moko iniwan? Bakit moko nilayuan? Bakit moko tinataguan?" Galit kong tanong sa kanya. Ilang sandali nya akong tinitigan saka ibinaba ang mukha nya. Pero sapilitan ko itong iniangat patingin sa akin at doon ko nakitang umiiyak sya.

"Hindi kita tinataguan--"

"Then what?! Ang tagal kitang hinanap tapos makikita kitang may kasama ng iba? Damn it! Akala ko ba ako ang mahal mo?! Akala ko ba gusto moko?!--"

"Oo! Gusto kita! Oo mahal kita Lucas! Pero ayaw mo sakin diba? Sa bibig mo na mismo nanggaling na hindi moko kayang mahalin! Ang tanga tanga ko lang kasi sumubok ako kahit imposible" natigilan ako.

"Gusto mong malaman ang totoo? OO NILALAYUAN KITA! bakit? Dahil alam ko bandang huli hindi ako ang pipiliin mo! Dahil alam ko kahit mahal kita iba naman ang gusto mo! Nasasabi mo lang naman na mahal moko dahil kamuka ko si Cathy diba? Pero kung wala akong ugnayan sa kanya kaya mo bang sabihin yan?! Hindi! Lucas!"

"Mahal kita.." nanghihinang sabi ko.

"W-What?? P-Pakiulit nga?"

"M-Mahal kita" mas malakas na sabi ko.

"Bullshit!" Asik nya. "Mahal moko? O baka mahal moko kasi si Cathy ang naaalala mo sa mukha ko? Hindi moko mahal Lucas.. n-nasasabi mo lang yan kasi. . k-kasi kakambal ko si Cathy kasi kamuka ko sya .. nasasabi mo lang yan kasi siya ang nakikita mo sakin diba? Wag na tayo maglokohan dito hindi na tayo bata para maglaro!"

"Jazze please listen Mahal kita.. Mahal na mahal"

"Stop.. I want you disappear Mr.CEO please GET. LOST." natigilan ako sa huling sinabi nya. Natulala ako habang nakatingin sa kanya. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang pagpatak ng mga luhang kanina pa nagbabadya.

Tapos na ba? Wala na ba talagang pag asa??

Pasensya kung soooobbraaaang tagaaaal ng update I'm so busy yaknow?😂

KEEP VOTING AND FOLLOW THANKS Mwuah!❤











Reach The ClimaxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon