Two

1.9K 39 6
                                    

"Hmmmm."

Unti unti kong dinilat yung mga mata ko. Ano ba yan. Ang liwanag na pala. Nakakasilaw naman 'tong sinag ng araw, aga aga eh. Nakalimutan kong isara yung kurtina kagabi. Bumangon ako at isinara ulit ang kurtina sabay balik sa kama.

Goodnight World.

"SAPPHIRE!" ha? May tumatawag ba sa akin?

"SAPPHIRE! Ano ba! Bumangon ka na diyan! May bisita ka!" Hay naku. Napuyat ako kagabi kaya bahala ka kung sino mang bisita ka.

Hay sa wakas natahimik na rin. Finally, hello dreamland!

"Hyalite" luh? Sino yun? Wala na ba akong karapatang matulog kapag sikat na sikat na yung araw? Argh.

"Hyalite, gumising ka na." Aaah si Ice lang pala. Hmp bahala ka diyan. Kung saan-saan mo ako dinala kahapon tapos bubulabugin mo yung beauty sleep ko?

Naramdaman kong humiga siya sa tabi ko at niyakap ako.

"Sapphire Hyalite, gising ka na please. May pupuntahan tayo."

"Ice naman eh, matutulog muna ako. Umalis na tayo kahapon."

"Sige na please? Sulitin na natin 'tong sembreak." at nagpaawa pa ng tingin.

"Oo na. Oo na." Bumangon na ako at pumunta sa banyo para mag-ayos.

Ooops. Di ko PA boyfriend si Ice. Bestfriend ko siya slash manliligaw. Hindi na ako naiilang sa mga ginagawa niya sanay na ako eh. Tsaka alam ko namang mahal at nirerespeto ako ni Ice atsaka sabi niya kasi, kahit nanliligaw daw siya, gusto niya comfortable pa rin kami sa isa't isa, well gusto ko rin naman yun eh.

After kong maligo, nakita kong dinadaldal na naman nitong si Ice si Mama.

"Mama Oya ilalabas ko lang si Sapphire ah. Kakain kami ng breakfast tapos mamasyal kami."

"Hay naku Kenneth. Umalis na kayo kahapon tas ngayon ulit? Kaya hindi pumuputi 'tong si bunso eh."

Kenneth tawag ng mga tao kay Ice, ako lang daw pwede tumawag sa kanya ng Ice sabi niya tapos siya lang daw tatawag sa akin ng Hyalite. Arte talaga daig pa babae.

"Maaaa! Ano ba naman yan eh," sabi ko. Eh kasi naman si Mama nang-aasar pa.

"Nakanguso ka na naman diyan Hyalite. Mama Oya! Aalis na kami ni Sapphire ha. Mamaya na lang ulit mwah! Love you Mama Oya!"

Hinila niya ako papunta sa sasakyan niya tas nagdrive na siya.

"Babe saan mo gusto kumain?" basag niya sa katahimikan

"Wow. Babe na bigla. Baliw ka talaga Kenken HAHAHAHAHA"

"Kenken? Pwe. Pambading. Ha? Ahh. Siyempre baka marinig ni Mama Oya na tinatawag kitang Babe baka mapagalitan ako nun."

"Pwede pa naman kitang isumbong mamaya," banta ko sa kanya.

Dinala ako ni Ice sa Pancake House. Yes! Madami na naman akong makakain nito.

Habang nag-oorder si Ice, lumapit yung waiter tas naglagay siya ng papel sa harap ko. Yung parang coloring book tapos crayons din. WOW. Nagsimula na akong magcolor nung papel tapos dumating si Ice na may dalang juice. Umupo siya sa tabi ko tapos sumimpleng akbay na naman.

"Chansing ka talaga." sabi ko habang patuloy na kinukulayan yung placemat. Bakit ba? Nag-eenjoy ako eh.

"Babe naman pagbigyan mo na ako oh"

"Hep, ayoko ng PDA. Tigilan mo 'yan, masasapak kita." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Ayos lang na sapakin mo ako, basta ba kapalit nun yung papayagan mo akong umakbay sa'yo." YUCK. Kelan pa naging ganito kacheesy 'to? Sinasapian na naman siya.

Bandang huli ay pinabayaan ko na lang siya baka kasi magtampo pa. Pero di talaga ako makapagconcentrate eh, nakakaiyak. Nilagay ko na lang yung crayons sa lalagyan pero sa kasamaang palad...

DUN NAGSHOOT SA JUICE KO. Yung juice ko. Nasawsawan na ng crayons. Ayos lang ako. Si Ice naman tawa lang ng tawa. Che bahala ka diyan. Inirapan ko nga siya.

Sa wakas ay dumating na yung order namin at nagsimula na kaming kumain. Masaya kaming nagkukwentuhan ni Ice nang biglang nagring yung cellphone niya. Tumayo siya sa lamesa at bahagyang lumayk sa akin.

"TALAGA?! WOW! KELAN?!" Parang bigla siyang nabuhayan ng loob sa narinig niya.

"SERYOSO?! OH SIGE! NAMISS DIN KITA NG SOBRA. OKAY SEE YOU!"

Pag-upo ni Ice walang mapaglagyan yung ngiti niya. Tuwang tuwa naman siya tsh.

"Hyalite! Tara bilis! Punta tayong airport! Nakauwi na daw si Cassie!"

SINO SI Cassie? O.O

---------------

😏

Votes and comments would be much appreciated

Just His GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon