The Truth - Chapter 2

28K 552 40
                                    


Chapter 2
Posted: 5 July 2018
Unedited
(Masyado kayong spoiled sa akin. Napa-post tuloy ako ng chapter 2. Huhuh)

"Diyos kong mahabagin! Ethan, tumawag ka ng ambulansya!" Natatarantang sigaw ng matanda nang makita ang nagkalat na dugo sa sapin. Si Araya ay nabato rin sa kinauupuan. Nanginginig ang mga kamay na hinaplos niya ang sapin upang siguraduhin kung tunay ba ang nakikita ng kanyang mga mata. Nang kumapit ang dugo sa kaniya mga daliri ay nagsimulang rumihistro sa kanya ang mga pangyayari. Nag-unahan ang pagtulo ng kanyang mga luha, tila ay namanhid ang buo niyang katawan. Suddenly, the piercing pain on her side was gone.

"Kitten, sshh.. Kitten, calm down. I will take you to the doctor." Bulong ni Ethan kay Araya. Ethan pressed his lips on her forehead and carried her out of bed. Walang nagawa si Araya kung hindi ang mapahawak sa damit ng lalaki. "Ethan... Ethan..." Natatakot niyang bulong. "I did not kill my child, did I?" Tanong ni Araya. Mahina iyon ngunit narinig pa rin ni Ethan. Hinigpitan niya ang hawak sa babae at isiniksik pa ito sa kanya. "Shhh... Kitten, calm down." Ang tanging nasabi ni Ethan. Nanginginig din ang kanyang mga kamay at halos hindi siya makalakad dahil nanginginig din ang kanyang tuhod.

"Sir, the doctor is here." Saad ni Phil nang makasalubong nito iyon papalabas. Nakita niya ang isang lalaking naka-puting polo at itim na pantalon. May hawak itong medical equipment bag sa kaliwang kamay.

"Oh, Juice ko Phil. Akala ko hindi ka na darating!" Saad ni Nanay Cora. Ito ang nag-utos kay Phil na tumawag ng doctor nang mahimatay si Araya kanina.

"She's bleeding!" Hindi mapigilan ni Ethan na isigaw iyon nang tila tumigil ang mundo.

"Lay her down, Mr. Rockefeller. I need to examine her." Saad ng doctor.

Agad na umakyat si Ethan sa ikalawang palapag ng bahay kung saan may isa pang spare room. "Follow me." Utos niya sa doctor at hinayaan ang mga itong sumunod sa kanya. Habang paakyat ay naramdaman niya na hindi na nakahawak sa kanyang polo si Araya. Napatingin siya rito at halos mapamura siya nang makitang nakapikit na ang mga ito at wala na itong malay.

"Philip, open the fucking door!" He shouted. He's beginning to lose his sanity. Hindi niya magawang mapakiramdaman kung humihinga pa ba si Araya o hindi.

Mabilis na sumunod ang lalaki sa utos ni Ethan at agad na binuksan ang pintuan ng guest room. Inilapag niya sa kama si Araya at agad na lumuhod sa tabi nito upang hawakan ang kamay nito. "Fuck, kitten. Open your eyes. Please, open your eyes baby." Paulit-ulit niyang saad habang paulit-ulit ding hinahalikan ang mga kamay nito. Tears started falling down his cheeks as realization dawn to him. She is not waking up. She is not responding.

"Ethan, let the doctor inspect her." Naramdaman niya ang kamay ni Philip na humawak sa kanyang braso habang ginigiya siya nito patayo. "Don't fucking touch me! I am not going anywhere!" He growled still looking at the beautiful woman in front of her, almost lifeless.

"It's fine, Phil. I will handle this." Narinig niyang saad ng doktor. Nagtungo ito sa kabilang panig ng kama at sinimulan ang pagtingin kay Araya.

Throughout the time, Ethan stayed kneeling there holding her hand, whispering random things in her palm. "Wake up, sweet thing. We will get through this. Don't leave me please." Bulong niya. Hindi niya alam ang gagawin niya kung hindi dumating ang doktor. Imposibleng makarating sila sa pinakamalapit na ospital sa loob lamang ng kalahating oras. He should have considered its proximity before buying this house. Fuck it!

Narinig niya ang boses ni Phil sa kanyang likuran. May inuutos ito na kailangan daw ng doktor sa lalong madaling panahon. Hindi niya naiintindihan kung ano iyon. Hindi magawang mag-function ng maayos ang utak niya. Hindi niya magawang alisin ang tingin sa mukha nito.

Ilang saglit pa ay natapos ang doktor sa pag-tingin kay Araya. Hindi niya magawang tanungin ito dahil wala pa siya sa tamang pag-iisip. Lumabas ito ng silid. "I need to do some scan before I can confirm my diagnosis." Narinig niyang saad ng doktor. "The equipments will be here in a while." Tanging sagot ni Phil.

Lumapit si Ethan sa ulunan ni Araya at marahang hinaplos ang buhok nito.

"Ethan, hijo. Kausapin mo muna ang doktor. Papalitan ko ng damit si Araya at lilinisan ang mga dugo." Napatingin siya kay Nanay Cora na may dalang tubig at bimpo. Binalingan niya ng tingin si Araya. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Tumango lamang siya at hinayaan ang matanda. Kailangan niya ring makausap ang doktor. Kahit gustuhin niya ring siya ang mag-asikaso ka Araya ay hindi niya kaya.

Tumayo siya mula sa kinauupuan at hinagod ang buhok. Hinubad niya ang kanyang suit jacket at waistcoat tsaka inilapag iyon sa bedside table. May bahid ng dugo sa bandang ibaba ng kanyang trousers ngunit hindi niya iyon pinansin. Itinaas niya ang sleeves ng damit at muling bumaling kay Araya. Yumukod siya at muling kinintalan ito ng halik sa noo.

Naabutan niyang kausap ni Philip ang doktor. Nang mapansin siya ni Philip ay agad na yumuko ang lalaki bilang pagbibigay pansin sa kanyang pagdating. Agad namang humarap sa kanya ang doktor.

"Mr. Rockefeller." Saad ng doktor at inilahad ang kamay sa kanya na agad din naman niyang tinanggap. "Doctor?" Tanong niya at nakipagkamay sa lalaki.

"Lazaro. Franz Lazaro." Saad ng lalaki at hinawakan ang kanyang siko bilang pagkilala.

"Dr. Lazaro. Thank you for coming in such a short notice." Ethan said removing his grip from the good doctor.

"It is my duty, Mr. Rockefeller." Anito at inilagay ang dalawang kamay sa likuran.

"How is she?" Halos hindi masabi ni Ethan ang tanong.

"As of now everything is fine. We just have to let her sleep and take a rest." Diretsong sagot ng lalaki na ikinaluwag ng dibdib ni Ethan. Ngunit alam niya sa itsura ng doktor ay may sasabihin pa ito?

"What about the bleeding?"

Napayuko ang doktor at huminga ng malalim. Nang mag-angat ito ng tingin ay humawak ito sa kanyang balikat. The man is just inches shorter than him. "I can't give you specifics as of now Mr. Rockefeller. But most likely you have lost your child. Miss Araya had a miscarriage." Ethan's world stopped spinning right there and then. "By the looks of it, she's around three to four weeks pregnant." Hindi na narinig ni Ethan ang mga sumunod na sinabing doktor.

They lost a child without even knowing it existed. Naramdaman niya ang pag-pisil ng doktor sa kanyang balikat. Hidni pa rin niya narinig ang huling sinabi nito. He was oblivious to his surroundings. Hindi niya nga napansin na naiwan na siya ng dalawa at umalalay sa pagpasok ng mga medical equipments sa loob ng silid na kinalalagyan ni Araya. Napasandal siya sa pader at marahas na nai-umpog doon ang kanyang ulo. Fuck it! How could this happen to us? Without even knowing it, tears started to fall down his cheeks for the second time around that day. He will never forgive himself. Never.

- End of Chapter 2 _

Nasobrahan ata sa lightness yung book 1 and uber naman sa heaviness ang book two base sa outline. But one thing I promise you guys is that I will do my best to make this trilogy worth your time. Huhuh. Love you all and thank you for reading TC! Ay di na pala TC, TT na. (The truth) Shet ang pangit hahahaha! Happy reading. Until next update! :*

The Consequence [Completed]Where stories live. Discover now