MO Chapter 20

1.1K 130 21
                                    

Habang naglalakad sila pauwi ay magkasabay ang mga hakbang nila.

Konti lang ang pagitan nila kaya halos magkabungguan ang mga kamay nila sa gilid.

"Ihahatid na muna kita bago ako umuwi. Just lead the way." basag ni EJ sa katahimikan.

Tumingin si MM sa kanya at tumango.

Yun lang at wala na muling nagsalita sa kanila.

Nang makarating sa apartment nila si MM ay nakita nyang nakaabang si Tantan sa gate.

Kumawag-kawag ang buntot nito ng makita si MM.

"Bukas nga pala hindi mo na ako kailangan sunduin tutal alam ko na ang papunta sa bar." sabi ni EJ kay MM.

Napatango na lang si MM.

"Ah okay!" pagsang-ayon nya.

"Salamat sa pagsundo kanina and see you tomorrow!" paalam ni EJ sa kanya.

"Salamat din sa paghatid!" at pumasok na si MM.

Nag-umpisa ng maglakad papauwi si EJ pero nakatanaw pa rin sa kanya ang dalaga.

Tumahol si Tantan sa tabi nya.

"Pumasok ka na!"

"Bushak! Tantan naman eh! Wag kang nanggugulat!" saway nito sa aso.

Pero sumunod naman sya dito at pumasok na sila sa apartment.

"Looks like you enjoyed your first day back at work." tahol ni Tantan habang papasok sya ng kwarto.

"Masaya naman! Namiss nila ako dun! Nakakatuwa nga kasi yung regular customer natin na si Josh nagpropose sya kanina kay Lia!" masayang kwento ni MM kay Tantan.

"I see!" tila may lungkot sa tinig nito.

Akmang susunod pa si Tantan sa loob ng kwarto ni MM ng humarang ang dalaga sa pinto.

"Ops ops ops! Hanggang dyan ka na lang!"

"But where am I going to sleep?" pagprotesta ni Tantan.

"Dun ka na lang sa sala! Hindi ka na pwedeng matulog sa kwarto ko!" she even crossed her arms as if to protect herself from being harassed.

Saka lang naintindihan ni Tantan ang ibig sabihin ng dalaga.

Si Tanner nga pala sya!

"Oh okay! Good night!" paalam na tahol nya sa dalaga.

Nakahinga naman ng maluwag ang dalaga.

Ang awkward naman kasi talaga ng sitwasyon nila.

Sinara nya na ang pinto at naghanda na sa pagtulog.

Nagbihis na sya at nagtanggal ng make-up.

Pagkatapos ng mga ritwal nya ay humiga na sya sa kama.

Papikit na sya ng maalala nyang itext si EJ para magpasalamat ulit.

Habang nagtatype ay naalala nya ang duet nila.

Napangiti sya ng maalala ang paraan ng pagtitig nito sa kanya.

Salamat ulit sa paghatid! Good mornight! 😘

SENT

Biglang nanlaki ang mata nya ng mapansin nyang maigi ang emoji na nailagay nya.

"Bushak! Patay na bai! Bakit ganun yung emoji ko? Nakakahiya!" bulong nya sa sarili.

Napadapa sya sa kama at nagtalukbong ng kumot.

Paano nya ipapaliwanag sa binata yung emoji na yun bukas pag nagkita sila?

Nasa pinto na ng apartment nya si EJ ng marinig ang cellphone nya na tumunog.

Pumasok na muna sya bago tingnan ang message.

Nang maisara nya na ang pinto ay saka nya kinuha ang cellphone sa bulsa ng pantalon.

From: Crazy Woman

"Salamat ulit sa paghatid! Good mornight! 😘"

Tinitigan nyang mabuti ang emoji na ginamit ng dalaga.

At hindi nya napigilan ang mapangiti.

Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon