"Shhhh...stop crying MM! It's okay! We're both going to be okay!" pagpapatahan ni Tantan sa kanya.
Makalipas ang ilang segundo ay tumigil na rin sya sa pag-iyak.
"Tara paliguan na kita!" pag-iiba nya sa usapan.
Walang kibo na hinayaan na lang ni Tantan na paliguan sya ng dalaga.
Pareho silang tahimik na tila may kanya kanyang iniisip.
Marahil ay nasabi na nga nila sa isa't isa ang lahat ng kailangan nilang sabihin at oras na para bitawan ang nakaraan at harapin ang kinabukasan.
Masaya na rin naman na si Tanner dahil nakapagpaalam na sya ng maayos sa babaeng pinakamamahal nya.
At masaya na rin si MM na nasabi nya na ang tunay na saloobin sa dating kasintahan.
Pareho na silang handang magmove-on.
Natapos ang pagpapaligo kay Tantan na kapwa sila walang imik.
Napatuyo na ni MM si Tantan.
"Magbibihis lang ako." paalam nya kay Tantan at pumasok na ulit sya sa loob ng bahay.
Habang nagbibihis sya ay dumating na rin si EJ.
Pinagbuksan ni Elisse ng gate si EJ at pinatuloy sa loob.
Sinalubong ito ni Tantan.
"Hi Tantan!" masayang bati ni EJ dito at hinaplos-haplos pa ito.
"Sandali lang tawagin ko na si MM." sabi ni Elisse.
"Thanks!"
"May! Andito na yung manliligaw mo!" sigaw ni Elisse sa may pintuan ng kwarto ni MM.
Napangiti naman si EJ sa narinig na sinabi ni Elisse.
"Okay sige palabas na ako!" sagot ni MM.
Bumalik si Elisse kay EJ.
"EJ, ingatan mo yung kaibigan ko ha! Kung hindi ako ang makakalaban mo!" at kunwari pang ipinakita nito ang braso sa binata.
"Don't worry I will!" taas kamay na sabi ng binata.
"Ikaw talaga! Akala mo naman kung sino kang katangkaran kung makapanakot ka!" pang-aasar ni MM sa kaibigan.
"Walang kinalaman ang height ko dito kaasar ka talaga! Palibhasa mga higante kayo!" kunwari ay nagtatampong sabi ni Elisse.
"O sya zsa padilla! Wag ka nang magtampo! Di bale ng maliit maganda ka naman!" at tinapik tapik pa nito sa ulo si Elisse na tila batang maliit.
"Oo na ako na mahimbing ang tulog nung nagpaulan ng katangkaran! Babye na! Enjoy kayo!" at bahagyang itinulak nya pa si MM palapit kay EJ.
Si EJ na kanina pa walang kibo at tulala.
Muntik pa silang matumba kung hindi lang agad na nakakilos si EJ para hawakan si MM.
Saglit silang natigilan na dalawa.
Kapwa nakatitig lang sa mga mata ng isa't-isa.
Nakangiti lang si Elisse habang minamasdan sila.
"Maganda ba?" basag ni Elisse sa katahimikan.
"Sobrang ganda..." sagot ni EJ.
"Beautiful..." tahol din ni Tantan.
BINABASA MO ANG
Moving On
FanfictionA story about Tantan, EJ and MM Tanner is a soul in limbo. He can't move on because of his girlfriend MM who still hasn't moved on from his sudden death. MM used to have a happy and sunny disposition but her boyfriend Tanner's sudden death changed h...