MO Chapter 57

992 124 27
                                    

"I'm sorry..." bulong ni EJ sa akin.

Ramdam ko ang sinseridad sa boses nya at naaappreciate ko rin na naging honest sya sa akin.

Pero hindi ko rin maitatanggi na nakaramdam ako ng kurot sa puso ko sa sinabi nyang natuto syang magluto para kay Hope.

"Hays...." napabuntong-hininga sya.

Naramdaman iyon ni EJ kaya mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

"Bakit ka nagsosorry?" sa wakas ay nagawa nyang magsalita.

"Sorry kung nasaktan kita sa sinabi ko....ayoko rin naman kasing magsinungaling sayo. But she is only a part of my past that I can no longer erase. Just like Tanner is in your past."

Napatingin sya kay EJ sa pagbanggit nito sa pangalan ni Tanner.

Nakita rin nya na may lungkot sa mga mata nito.

Hinawakan ni EJ ang baba nya at tinitigan sa mga mata.

"But what's important is the present and hopefully our future together!" at ngumiti ito ng punung-puno ng pag-asa.

Tama si EJ!

Ang importante ay yung kasalukuyan at hinaharap.

Pareho silang walang magagawa sa mga nakaraan nila.

Ramdam naman nya na totoo ang mga sinasabi at pinaparamdam sa kanya ng binata.

Napangiti na rin sya rito.

"Speaking of our future together....pwede ba kitang mainvite bukas for a picnic date?"

"Date?"

"Yup! A picnic date in the park para relaxed lang tayo so we can get to know each other more!" excited na sabi nito sa kanya.

Nang hindi sya kumibo ay ihinarap sya ni EJ at hinawakan sa magkabilang pisngi.

"I'll pack our food and everything we need! You only have to bring yourself!" nangingiting sabi ni EJ ng bigla nyang maisip na isama si Tantan.

"You can bring Tantan if you want! Mageenjoy din sya sa park I'm sure!"

As a dog lover himself, alam nyang maaappreciate ng dalaga ang suhestyon nya.

Nag-alangan naman si MM sa sinabi ng binata.

Kung wala si Tanner sa katawan ni Tantan ay malamang sya pa ang mag-insist na isama nila ito.

Kaya lang yun na nga si Tanner yun at hindi si Tantan!

Kaya paano?

Napansin naman ni EJ ang pag-aalangan nya.

"Don't worry MM, okay lang talaga sa akin na kasama natin si Tantan! Gusto ko rin maging close sa kanya kasi I know how much you love him!" todo ngiti nyang pag-aassure sa dalaga.

"Bahala na nga!" isip ni MM.

"Sige, kung okay lang talaga sayo isama natin si Tantan!" ngumiti na rin sya.

"That's great! I'll pick you up and Tantan tomorrow! But for now, let me finish cooking for you." sabay hawak sa kamay ni MM at marahan syang hinila pabalik sa upuan.

Sabay tunog ng kumakalam na sikmura ng dalaga.

"Hehehe... sige na nga! Gutom na rin talaga ako!" nahihiyang tawa nya.

At nagpatuloy na si EJ sa pagluluto ng makakain nila.

Napapanga-nga na lang si MM sa pagkilos ng binata sa kusina.

Ang lakas talaga makagwapo ng lalaking marunong sa kusina.

Sa tingin ng dalaga yung pawis ni EJ ay parang nagpapakinang sa kakisigan nito.

Napapangalumbaba tuloy sya sa kitchen table habang medyo pumupuso-puso ang mga matang pinagmamasdan ang malapad na likod nito.

Bakat sa white shirt nito ang matipunong pangangatawan.

"Yummy!" wala sa sariling napasabi sya.

Saktong humarap si EJ sa kanya na tapos na pala magluto.

"Wait 'til you taste it!" excited na sabi nito sa dalaga.

Isinalin nya sa plato ang nilutong chopsuey.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga.

Masyado ba syang natulala sa kakisigan ni EJ?

Bakit hindi nya napansin na gulay pala ang niluluto nito?

Para syang nanlulumo sa nakita.

"Gulay?" mahinang tanong nya sa binata.

"Yup! Something healthy para magkalaman ka!" nakangiti pang sagot ni EJ.

Napansin nya ang itsura ng dalaga.

"Hindi mo ba nagustuhan?"

Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon