Chapter X. The Return of the Victim

1.3K 33 0
                                    


(29th of November)


[GAVIN GLASCO]



Ilang linggo na rin pala ang nakalilipas nang makilala ko ang babaeng 'to.

Si Bloody Mary.

Naalala ko pa no'ng mga unang araw niya rito sa bahay, kung paanong takot na takot siyang mag-isa at palaging umiiyak.

Ngayon...

"Hoy! Bloody Mary! Wala ka pa rin bang balak pumasok? Drop ka na!" sabi ko sa kaniya habang ngumunguya ng bubblegum.

"ANG GULO-GULO NG BAHAY MO TAPOS TINATANONG MO KO KUNG PAPASOK AKO?! ILANG ARAW NA KONG NAGLILINIS DITO PERO ANG GULO PA RIN! BWISIT KA! TULUNGAN MO KO RITO!"

Ang dating napaliliguan ng dugo, nanginginig sa takot at hindi kayang mag-isa ay siya na ngayong balahura na akala mo siya ang may-ari nitong bahay.

"Sinabi ko bang maglinis ka? Kasalanan mo 'yan kasi masyado kang masipag."

"Hoy! Mr. Gavino-maligno, magpasalamat ka nga dahil nagmamalasakit pa kong linisan 'tong dugyot mong bahay. Nilalangaw ka na't lahat-lahat, okay pa rin sa 'yo? Magtino ka nga nang umayos naman 'yang buhay mo!"

O, 'di ba? Parang akala mo hindi siya nakikitira rito kung makaasta. Hindi ba niya naiisip na anytime pwede ko siyang palayasin dito kung gusto ko? Pero syempre 'di ko gagawin 'yon.

Sa mga nakalipas na linggo ay hindi kami pumapasok sa klase. Kahit kasi mukhang maayos na siya, ang totoo niyan nandoon pa rin ang takot niya sa Hail Academy at mukhang ayaw na nga niyang bumalik pa ro'n.

Hanggang ngayon ay binabangungot pa rin siya at nagiging paranoid kapag mag-isa lang. Pakiramdam niya palaging darating ang Grim para kunin ang buhay niya.

Kaya hindi niya hinahayaan na umalis ako. Kung minsan, nilalock pa talaga niya ang pinto para lang hindi ako makalabas.

Nakakatakot siyang babae huhu! Someone please save me!

"Imbes na umupo ka lang diyan, dalhin mo kaya 'yong labahan mo para ma-washing ko na! 'Wag ka namang tatamad-tamad kahit ngayon lang!" inis niyang pagkakasabi sa 'kin habang hinahampas-hampas pa niya ako.

"Oo na! Ito na!" sabi ko at kaagad na kong kumilos.

Halata namang nililibang niya lang ang sarili niya para hindi na niya maalala pa ang mga naranasan niya sa kamay ng Grim.

Naalala ko na naman 'yong oras na una ko siyang nakilala.

ANG PINAKAPANGET NA UMAGA SA BUONG BUHAY KO!

Pa'no ba naman kung ang bubungad sa 'yo ay isang babaeng duguan mula ulo hanggang paa? Naitulak ko pa siya no'n! Bigla ba naman siyang dumagan sa 'kin?

Akala ko nga baka baliw lang siya na napadpad sa Hail. Balak ko na nga sana siyang iwan at kumaripas nang takbo pero natigilan ako nang may sabihin siya.

"T-tulong... p-papatayin niya ko... ng Grim..." aniya gamit ang buo niyang lakas.

Doon ko napagtanto na isa siyang estudyante ng Hail dahil sa uniform niya. Hindi ko kasi kaagad natukoy 'yon lalo na't napapahiran siya ng dugo, at isa pa kagigising ko lang no'n!

"Kumapit ka, dadalhin kita sa---"

Natigilan ako nang mahigpit siyang kumapit sa 'kin. Umiling siya nang umiling habang umiiyak.

"Please..." sabi niya sa pagitan ng mga hikbi niya, "D-dalhin mo ko sa malayo... malayong-malayo sa Hail..."

"Pero kailangan mong magamot."

Hail Academy: High School of HellWhere stories live. Discover now