Chapter XXXVIII. Secrets Six Feet Under

1K 32 1
                                    



(27th of January)



[TIARA LA RAZA]
 
 
Halos mag-iisang buwan na rin pala ang lumipas simula nang mailuklok ako sa posisyong ito.

Ang pagiging Student Council President.

Oo nga't dati ko na ring pinangarap ang makuha ang pwestong 'to pero hindi sa ganitong paraan at hindi sa ganitong pagkakataon. Sino ba ang magnanais na mamuno sa ganitong sistema?

Pero wala akong ibang pagpipilian.

Ako ay nasa pagitan lamang ng buhay at kamatayan. At syempre ang lahat ay pipiliin ang langit kaysa sa impyerno at 'yon lang ang ginawa ko.

"Punasan mo 'yan! Ano ba! Napakakupad mo!" ani ng isang estudyante habang sinisipa ang isa pang estudyante---ang kaniyang alipin.

Nginudngod pa niya ang mukha ng aliping 'yon sa sahig na basa. Patuloy lamang niya 'yong ginagawa hanggang sa dumugo na nga ang ilong ng "alipin" na 'yon.

"Iisa na nga lang ang pinagawa ko sa 'yo sa araw na 'to tapos hindi mo pa magawa nang matino?!" panggigil niya at sinipa niya nang malakas ang alipin na agad namang lumupaypay.

Mag-iisang buwan.

Mag-iisang buwan nang ganito rito sa Hail Academy.

Naikuyom ko ang kamao ko.

Gustong-gusto ko siyang iligtas sa pagka-alipin pero hindi maaari.

Dahil ako.

Dahil ako mismo ang bumuo ng sistemang ito.

Ang mga kumampi kay Julia na gusto na nilang sunugin ng buhay ay nagsisilbi na nilang mga alipin ngayon para lamang mabuhay.

Sumang-ayon ang lahat sa desisyon kong 'yon pero sa paglipas ng bawat araw at linggo mukhang pinagsisisihan ko na ang lahat.

Ang lahat-lahat.

Gusto kong maging Student Council President, isa ito sa mga inaasam kong posisyon dati pa pero hindi sa ganitong sistema, hinding-hindi.

Halos manlambot na ang mga tuhod ko nang tumingin siya sa akin---ang aliping 'yon na patuloy pa rin ang pag-agos ng dugo mula sa kaniyang ilong.

Halos manlambot na ang mga tuhod ko nang tumingin siya sa akin---ang aliping 'yon na patuloy pa rin ang pag-agos ng dugo mula sa kaniyang ilong

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Punong-puno na nang kapaguran ang mga mata niya na makikita rin sa katawan niyang nangayayat na. Hindi na siya makapagsalita sa sobrang panghihina pero naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin sa 'kin.

Gusto niyang sabihin na...

"Sana pinapatay mo na lang kami."

Napayuko ako habang naikagat ko ang ibaba kong labi sa sobrang panlulumo.

Hail Academy: High School of HellWhere stories live. Discover now