Chapter XXXIII. Subject Alvaro

1K 23 0
                                    



(Date unknown)



"He's a failed one."

'Yan ang mga katagang narinig ko sa bibig ng doktor na tumingin sa 'kin.

Tinatakan nga nila ang papel ko nang malaking salitang "FAILED".

Sa pagkakarinig ko, ang mga "Failures" ay tinatapon nila sa Tower.

At wala nang nakalalabas pa kapag napunta ka na sa Tower.

Lahat ng mga batang katulad ko ay takot na takot basta marinig lang nila ang salitang "Tower" na para bang ito ang impyerno na ayaw mapuntahan ng karamihan.

Pero ako pagod na, kung 'yon lang ang tanging paraan para matapos na ang mga paghihirap ko sa lugar na 'to, tatanggapin ko ang impyernong 'yon ng buong-buo.

Ayoko na ng amoy gamot, ayoko na ng injections, ayoko nang magpatuloy pa.

"Nakakapagod na." hindi ko namalayang nasambit ko pala sa totoo ang mga salitang 'yon habang nandito ako sa puting kwarto.

Napatingin ako sa nurse na nasa gilid ko na nakatingin din sa 'kin. Hawak-hawak na niya ang syringe na muling ituturok sa 'kin pero bigla nga siyang natigilan dahil sa mga sinambit kong salita.

Tiningnan ko ang suot niyang uniform, doon ko nalaman ang pangalan niya.

Lia... Nurse Lia.

"Ikaw ba, Nurse Lia... hindi ka ba napapagod?"

Nanatili pa rin siyang nakatulala habang nakatingin sa 'kin. Gulat na gulat na makakita ng isang katulad ko na hindi man lang makikitaan ng emosyon kumpara sa ibang mga batang kasabayan ko rito.

Siguro ay dahil namanhid na rin ako sa mga pasakit at paghihirap, wala na kong maramdaman pa.

Nakita ko ang paglunok niya bago itinurok sa 'kin ang syringe na hawak niya.

Mayamaya lang ay nakaramdam na ako nang pagka-antok.

Galing ako sa isang mahirap na pamilya na halos mamatay na nga kami dahil sa gutom. Isang araw ay may lumapit sa 'min, nagpakilala sila bilang mga doktor. Akala ko nga ay bibigyan lang nila kami ng tulong medisina tulad ng mga ilang pumupunta na rin dito sa barrio namin pero iba pala ang pakay nila.

Inofferan nila ang mga magulang sa barrio na ipagbili nila ang mga anak nila kapalit ng isang malaking halaga.

Ang nakakatawa ro'n, kinagat 'yon ng ilang mga magulang kasama na nga ang sarili kong ina. Ako ang panganay sa aming magkakapatid, at ako ang ipinagbili niya.

Dinala ako ng mga doktor sa isang napakalaking pasilidad na may nakasulat na, "Project Agatha". Tinatakan nila ako ng kakaibang marka, tinawag na Subject no. 37 at pinangalanang "Alvaro".

No'ng una ay masaya pa ko dahil hindi kami nauubusan ng pagkain dito hindi katulad doon sa barrio, araw-araw na rin akong naliligo dahil tuloy-tuloy ang suplay ng tubig kumpara sa lugar namin noon, punong-puno rin ng tulong medisina rito na nagpapagaling nga sa mga nararamdaman kong sakit.

Marami akong mga nakilala na kasing-edad ko lang din, tinuturan nila kami sa pagbasa at pagsulat kaya ako'y naging maalam sa larangan ng edukasyon. Higit sa lahat, tinuruan din nila kami kung paano maging malakas.

Napakabata ko pa para matutunan ang mga ganitong bagay. Ang gusto ko lamang ay maglaro, ayokong mag-ensayo nang mag-ensayo.

Iniupo nila ako sa isang kakaibang silya. May pabilog silang ipinatong sa ulo ko habang tinali naman nila nang mahigpit ang mga kamay at paa ko.

Hail Academy: High School of HellWhere stories live. Discover now