EVIE
It's 6 in the morning at nakapag-ayos na ako. May klase ako mamayang alas 8 kaya maaga talaga akong gumising. Kinuha ko ang bag ko at saka lumabas na ako ng kwarto. Pagbaba ko sa dining room ay sinalubong agad ako ni yaya Cia.
"Hija, kumain ka na," sabi niya sa akin. Napalinga-linga pa ako sa paligid, ako pa lang kasi ang nandito sa dining room. Hindi pa ba bumababa sina mommy?
"Ya, sina mommy po?" naitanong ko. I don't feel like eating alone, hindi ako sanay na wala sila.
"Uhm...maaga siyang umalis." Nabigla ako sa sinabi ni yaya.
"Po?" Umalis na sina mommy? Bakit ang aga niyang umalis?
"Maagang umalis ang mommy mo dahil may early appointment siya sa hospital, pati na din ang daddy mo ay umalis na rin," paliwanag ni yaya na nagpabuntong hininga sa akin.
"Ganoon po ba?" nasabi ko nalang. "Eh si kuya po?" I continued. Wala na nga sina mommy at daddy, pati rin ba si kuya ay ayaw akong sabayan?
"Hindi pa nakakauwi ang kuya mo. Sunod-sunod kasi ang taping niya kaya doon nalang daw siya matutulog sa set nila." Muli akong napabuntong hininga. Are they really busy o umiiwas lang talaga sila sa akin? Malaki ba talaga ang nagawa kong kasalanan kaya hindi nila magawang makasama ako sa iisang lugar?
"Sige na hija, kumain ka na at baka mahuli ka pa sa klase niyo." Nilagyan pa ni yaya ng fried egg ang plato ko kaya wala akong nagawa kung 'di ang kumain.
"Ya, galit ba talaga si mommy sa akin?" I can't help but ask. Napangiti ako nang mapakla dahil sa natanong ko. Of course galit siya, ano ba ang iniisip ko nang itanong ko iyon? I did something wrong kaya magagalit talaga sila sa akin.
"Hindi naman siguro hija," sagot niya na naging dahilan para mag-angat ako ng tingin sa kanya. I know yaya Cia is lying para pagaanin ang loob ko.
"Kung hindi sila galit, bakit ang aga nilang umalis? Para namang iniiwasan nila ako." Hindi ko maiwasang hindi mapareklamo. I'm really frustrated kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko.
"Baka may appointment lang talaga siya kaya maagang umalis."
"Ewan ko," malamyang sagot ko. "Pero ya, ayoko na ganito kami nina mommy. Ayokong magalit sila sa akin." Hindi ko gusto ang hindi kami kompleto kapag kumakain, pati na kapag ganito katahimik ang buong bahay. I really feel alone at hindi ko iyon gusto.
"Kung ganoon ay makipag-ayos ka na sa mommy mo. Ano man iyong ikinagalit niya sayo, alam kong makakalimutan niya rin iyon," payo ni yaya. Napayuko ako. Gusto ko naman talagang makipag-ayos sa kanila pero paano ko iyon gagawin?
Hindi na ako nagtagal pa sa bahay at nagpahatid na ako kay manong Trex sa school. Male-late na rin kasi ako. Dahil hassle nang ipasok sa campus ang kotse ay nagpahatid lang ako sa may entrance ng EMU. Nilakad ko nalang ang pagpunta sa building ng college namin.
Naglalakad na ako sa may hallway papunta sa assigned classroom namin nang may biglang tumawag sa akin. "Ev!" ani nito kaya napalingon naman ako sa kanya.
"Vin?" nausal ko. Lumapit siya sa akin at sinabayan ako sa paglalakad.
"Akala ko ay hindi ka papasok," aniya kaya naikunot ko ang aking noo. Bakit naman niya naisip na hindi ako papasok?
"Bakit naman hindi ako papasok?"
"Uhm..." Napakamot siya sa batok niya, kaya napatawa ako. Nakakatawa kasi ang itsura niya. Para siyang nahihiya na ewan. Iniisip niya sigurong after nang nangyari doon sa mall ay hindi na ako papasok.

YOU ARE READING
Love Comes To those Who Wait (COMPLETED)
Teen FictionGenre: Teen Fiction Status: Completed | Under Revision Evie is a conservative girl. Mahiyain at tahimik. She's the precious princess of everyone, not just with her family pero pati na sa mga kaibigan. When she started her third year in junior high a...