Chapter 22 | Love Quarrel

365 16 0
                                    

JEMY

Agad akong napatayo nang tumunog ang bell. Lunch time na at gutom na gutom na talaga ako.

"Guys, let's go," tawag pansin ko sa mga kaibigan ko. Nilingon naman nila ako kaya umarte ako na nagugutom na talaga ako. "Gutom na ako!" dagdag ko pa. Napangiwi naman sila kaya napanguso ako. Tiyak na mauubusan kami ng pagkain sa cafeteria kung magtatagal pa kami dito.

Nilapitan ko si Evie at agad ko siyang kinalabit kaya napatingin siya sa akin. I acted cute to her para makumbinsi siyang samahan ako pero wa epek, nginitian lang niya ako.

Tumayo bigla si Rosella kaya napalingon ako sa kanya. Sasamahan niya ba ako sa cafeteria? Napasimangot ako nang instead na sa akin lumapit ay si Airyl ang nilapitan niya. Napalingon naman siya sa akin.

"Dito na lang daw tayo kakain!" sabi niya sa akin dahilan para maikunot ko ang noo ko.

"Huh? Wala akong dalang lunch," reklamo ko. Kaya nga ako nagpapasama sa kanila sa cafeteria ay dahil wala akong baong lunch, bibili lang ako ng pagkain ko. Mommy prepared a lunch for me pero nang magutom ako kaninang recess ay kinain ko iyon. Tiningnan ako ulit ni Rose at sabay na nginitian.

"Don't worry. Nagdala si Airyl ng pagkain," aniya. Napanganga ako dahil sa narinig ko at agad din naman akong napangiti.

"Nagdala ng pagkain so Airyl? Talaga?" Mabilis na tumango si Rosella kaya nagsimula na akong magcelebrate. "Yehey! I love you Airyl!" patalon-talon kong sabi na nakangiti nang malawak. "Yes! Makakain na rin ako ng masarap!" dagdag ko pa. Nilingon naman nila ako at sabay na tinapunan ng tingin.

"Para namang hindi masarap ang mga luto ng mommy mo!" sabi ni Evie kaya natahimik ako bigla. Ito talaga si Evie, ang hilig mambara. Nilapitan ko siya at inilagay ko sa labi ko ang hintuturo ko, asking her to keep quiet.

"Huwag kang maingay. Nagpapalakas lang ako kay Airyl para dalhan niya ako ng lunch lagi," pabulong kong sabi sa kanya na nagpataas ng kilay niya. Alam niyo bang ang luto ni Airyl ay parang lutong pang restaurant? Mamahalin at ubod ng sarap. Hindi ka talaga magsasawang kumain nito.

"I heard that!" Napatingin ako kay Airyl na nasa likuran ko na pala. Nakataas ang kilay niya at nakapamewang pa talaga. Tss.

"Ang ano?" pagmamaangan ko. Baka hindi niya pa ako pakainin kaya quite nalang Jemy! Masarap na pagkain kapalit ng katahimikan mo! Hihi!

"We're here!" Sabay-sabay kaming napalingon sa may pinto nang marinig namin iyon. Nakatayo sa labas ng classroom namin sina Magie at Tredith. They are both smiling at kinawayan pa kami. Wow! Imbitado din pala sina Tredith at Magie? Mukhang exciting itong lunch namin ah!

"Gutom na ako, kain na tayo!" bulalas ni Tredith nang pumasok sila. Agad akong lumapit kay Airyl at hinarangan sila.

"Teka, ako muna!" Mukhang mauubusan pa ako nito ah. Ang lakas pa namang kumain nitong si Tredith.

"Don't worry, there's enough food for everyone," sabi naman ni Airyl at ipinakita pa ang mga container na nasa likuran niya.

"Enough is not enough! Dapat sobra pa. Baka kulangin tayo niyan," pagkontra ko. Naitaas ko din naman agad ang kilay ko nang sumeryoso ang mga mukha nila.

"Enough nga diba? Paano iyan kukulangin? Tsaka marami na ang nagugutom ngayon, sayang naman kung may sobra." Napasimangot ako dahil sa sinabi ni Evie. Ang nega talaga nitong isang 'to, hindi makasakay sa trip ko. Natahimik nalang ako. Tiningnan ko lang sila na ayusin ang mga gamit na dala ni Airyl. Itinabi nila ang mga arm chair at binakante ang isang bahagi ng silid.

Love Comes To those Who Wait (COMPLETED) Where stories live. Discover now