EVIE
Pagkaupo namin ay hinanap agad ng mga mata ko ang sino mang kaklase ko noong fourth year ako. Newman ang kasama namin and I want to see some familiar faces especially my best buddies, baka andito kasi sila.
"Good Morning everyone," bati sa amin ng administrator. Nagpalakpakan naman ang lahat at sabay-sabay na binati si ma'am kaya napangiti ito. "This is quarter 3 and we welcome you to this wonderful haven. We hope that you will all enjoy your stay here." Muling nagpalakpakan ang lahat sa sinabi niya kaya saglit na umingay ang buong lugar. "So, have you already known each other?" Pagkasabi niya noon ay walang nagsalita, hindi siya sinagot nino man kaya mapapansin mo ang pagtaas ng kilay niya. Mapapansin agad sa unang tingin ang awkwardness na pinapamalas ng mga studyante ng parehong eskwelahan sa isat-isa.
Napatingin si ma'am sa amin. Palipat-lipat ang tingin niya sa dalawang school na nahati sa dalawang pangkat at parehong nakapwesto sa magkabilang side ng lobby. Halata talagang hindi close ang dalawang school sa isa't-isa.
"Oh? I hope the rivalry between these two outstanding university will be placed behide us all to make this program worthwhile," sabi niya at napangiti siya sa amin. "To begin this mission-to bring unity and friendship between us all, we will be dividing the population into groups with 12 members. Half of it will be from El Miranda and the other half will be from Newman." Pagkasabi niya noon ay agad na nagreact ang lahat.
"WHAT?" sabi ng iilan.
"That's a bad idea," rinig ko ring sabi ng iba.
"That's unfair!" reklamo naman ng isang estudyante from Newman. Sabay-sabay ding nagbulungan ang lahat. Tiningnan kami ng mga taga-Newman and you can see how uneasy they are. Tiningnan ko rin ang mga schoolmates ko and gaya ng students from Newman ay hindi rin komportable ang taga-EMU sa suggestion ni ma'am.
You can see na hindi approve ang lahat na makipaggrupo sa magkabilang school. Napalingon naman kami kay ma'am nang magsalita na siya.
"No 'WHAT', no 'NO', and not even 'BUT'. We will be making this event not just a protocol but a chance and oppurtunity to increase our experiences as a student and as a member of the society. There will be no accomplishments without trial, but accomplishments will not be made if we pursue making conflict with each other. This is not a race but a ride to betterment. So, are you in or out?" Napatawa naman ang lahat sa sinabi niya. Medyo nawala yung awkwardness at agad ding sumang-ayon ang lahat sa gusto niya.
"YES!" masiglang sabi ng lahat at kita mo na ang mga ngiti sa mga labi ng bawat estudyante.
"Ok! That's good to hear. Now, you choose your group." Nagsitayuan ang lahat at nakipagkilala sa isa't-isa. Ako naman ay sumunod lang sa mga kaklase ko na naglibot sa buong lobby. Kahit galing ako sa Newman ay hindi pa rin ako sanay na makipaghalubilo, nahihiya ako kaya hindi ko magawang makipagkilala sa kanila.
Nililibot namin ang lobby nang may biglang tumawag sa akin. "EV!" Napalingon ako sa tumawag sa akin at agad akong napangiti nang makilala ko siya.
"Jem?" I said.
"Evie!" aniya at tumakbo siya palapit sa akin. Agad niya akong hinila at niyakap.
"Jemy, kasali ka din pala dito?" masaya kong tanong. I'm glad na kasali siya dahil may mga kakilala pala akong makakasama sa seminar na ito. It will be totally awkward kung wala talaga akong makakasamang ka-close ko.
"Yeah! Hindi lang ako, pati si Ezzia ay nandito rin."
"Really? Nasaan siya?" Agad kong tiningnan ang paligid-trying to find Ezzia.
"Kasama niya ang mga kaklase niya ngayon," Jemy smiled kaya nginitian ko rin siya.
"May kagrupo ka na ba?" I asked hoping na wala sana para maging magkagrupo kami.

YOU ARE READING
Love Comes To those Who Wait (COMPLETED)
Teen FictionGenre: Teen Fiction Status: Completed | Under Revision Evie is a conservative girl. Mahiyain at tahimik. She's the precious princess of everyone, not just with her family pero pati na sa mga kaibigan. When she started her third year in junior high a...