CHAPTER 8: PLUS ONE

3.1K 147 7
                                    

"AAAHHH!" "Waaaaah!"

Napatakip sa magkabilang tenga si Xienna samantalang si Jarvi naman ay sinamaan ng tingin si Gunther. Sumigaw kasi ito kasabay ng nakita nila sa loob ng cabinet.

"Shut up!" saway ni Jarvi rito.

Natauhan ito at inayos ang sarili. Tiningnan ni Xienna nang mapang-asar si Gunther. "Hindi pala matatakot, ha?" Ngumisi siya.

Sinamaan siya ng tingin ng lalaki at inayos nito ang pagkakatindig. "Nagulat lang ako."

Binigyan na lang niya ito ng tinging hindi naniniwala.

"Hoy, maniwala ka! Hindi ka naniniwala?" pangungulit ni Gunther sa kanya, pero hindi na niya ito pinansin pa.

Si Jarvi naman ay lumapit sa batang nagtatago sa loob ng cabinet. Oo, bata. Tantiya ni Xienna ay nasa apat o limang taong gulang pa lang ito. Nakaupo ito at hawak ang mga tuhod, bakas sa mukha ang takot.

Nang humakbang palapit ang lalaki ay lalo lamang lumakas ang iyak ng bata. Nagsumiksik ito sa loob ng cabinet kahit na wala ng pwestong mauurungan.

"No! Stay away!" natatakot nitong sigaw at pumalahaw.

"Shhh. It's okay. I'm not gonna hurt you," pang-aalo ni Jarvi rito. Muling humakbang ang binata palapit, pero ayaw pa ring tumigil ng bata sa pag-iyak kaya huminto na lang ito.

Tigmak na ng luha ang maliit at maputing mukha ng bata. May kaunting dungis pa ito sa may pisngi na sa tingin niya ay chocolate. Napasinghap siya. Ito ang kumain ng cereal sa lababo. Pero sinong kasama nito? Bakit mag-isa lang ito?

Hinawakan ni Xienna si Jarvi sa balikat kaya napaangat ang tingin nito sa kanya. "Let me try."

"Sige." Tumayo ito at nagbigay-daan sa kanya.

Nang mabigyan ng daan ay ngumiti siya. Dahan-dahan siyang humakbang palapit. She did her best not to look threatening nor frightening.

"No! No! Layo ka! Layo ka!" pagwawala ng bata. Lalo pa itong nagsumiksik sa loob ng cabinet.

Nanginginig ito sa takot. Pawis na pawis din ang buhok nito na parang naligo. Lalo siyang naawa. Nasaan ang mga magulang nito? Marahil ay nabiktima na ng mga zombies.

"I'm not a bad person. 'Wag kang matakot." Pinalambing niya ang boses upang subukang kunin ang loob nito.

"Ayaw! Don't come near me."

"'Di naman kita sasaktan. 'Wag ka nang umiyak." Patuloy niya pa rin itong inaaalo. Kahit pa ayaw ng bata ay mas lumapit siya rito hanggang sa mahawakan niya ito sa braso.

The child's trembling gripped her heart. Nanlalagkit rin sa pawis ang braso nito.

"Tahan na." Hinila niya ito para yakapin. Hinaplos-haplos niya ang likod nito. Mukhang medyo kumalma ang bata sa ginawa niya dahil ang kaninang pagngawa ay naging pahikbi-hikbi na lang. "Shh. Tahan na. No one's gonna hurt you. We're not gonna hurt you."

Patuloy siya sa pagpapakalma rito. Maya-maya pa ay naramdaman na niya ang pagyakap pabalik ng bata sa kanya kaya napangiti na siya.

Nang makita iyon ng dalawang lalaking nanonood sa eksena sa likod niya ay namangha ang mga ito. Bumulong si Gunther kay Jarvi. "Pwede na palang mag-asawa si Xienna, bro."

Mabilis itong binigyan ng nakamamatay na tingin ng kaibigan kaya dumepensa agad ito. "Wala naman akong sinabing ako ang magiging asawa niya."

Nang sabihin nito iyon ay saka lang nilubayan ng tingin ni Jarvi si Gunther. Napabuga ito ng hangin nang palihim. Pakiramdam ng lalaki ay ikamamatay talaga nito ang tingin na iyon ng kaibigan.

The Plague: Rotten Flesh (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now