CHAPTER 28: THE PLAN

2K 93 2
                                    

Two weeks later...

XIENNA

HINDI ko maiwasang pagpawisan ng marami. Ngayon na namin gagawin ang plano. Magtatagumpay kaya kami?

Kanina pa ako humuhugot ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili ko. Malaking parte ng plano ang nakasalalay sa akin. Kapag pumalpak ako ay siguradong papalya na rin lahat.

"Aray!" reklamo ko dahil sa higpit ng pagkakalagay ng kadena sa mga palapulsuhan ko.

Kababalik lang namin galing sa city para kumuha ng mga karagdagang supplies at ibinalik na kami sa kwarto namin.

Nagkatinginan kami ni Elojah. I simply nodded at her to confirm that I got the thing.

Lahat kami ay tahimik lang hanggang sa makaalis na ang mga lalaking nagdala at nagkadena sa amin sa kwarto.

Nang masiguro naming nakalayo na sila ay saka ako nagsalita.

"Lauree, let's start."

Tumango siya at kumilos na. Ako rin ay kinuha na ang lock picker na kinuha ko sa bayan na nakalagay sa likurang bulsa ng jeans na suot ko.

Dalawa kami ni Lauree na magpi-pick sa locks ng mga kadenang nakakabit sa amin. I taught her how to do it habang nasa biyahe kami pabalik. Sinubukan ko ring turuan sila Jarvi at Warren pero hindi talaga nila ma-gets.

Shoot! Ang higpit talaga ng pagkakakadena sa akin. Nahihirapan ako.

"Tsk!"

Basang-basa na ng pawis ang noo at leeg ko.

"Sis, relax," pagpapakalma sa akin ni Elojah. "Marami pa tayong oras."

Humugot ako ng malalim na hininga at tumango.

I had to relax dahil kung hindi ay hindi magiging successful ang pag-pick ko sa lock.

"Yes!" naiusal ko nang sa wakas ay marinig ko na ang pagbukas ng padlock na nakakabit sa kadena.

Maingat kong tinanggal sa palapulsuhan ko ang kadena para hindi ito kumalansing at gumawa ng ingay.

Tiningnan ko si Lauree. "Are you done, Lauree?"

"Almost."

Tumango ako. Una kong nilapitan si Elojah para tanggalin ang lock niya.

"Done," wika ni Lauree at lumapit na kay Avy para pakawalan ito.

Lumipas ang halos sampung minuto at nakawala na sina Elojah, Avy, Daniel, Harvey, at Jarvi.

"May tao. Bumalik tayo sa mga pwesto natin," walang emosyong wika ni Lauree pero naroon ang urgency sa boses niya.

Nagmamadali naman kaming nagsibalikan sa kanya-kanya naming mga pwesto at inilagay ang mga kamay sa likuran upang magkunwaring nakakadena pa rin kami.

Hindi ko maiwasang humanga kay Lauree. Ang talas talaga ng pandinig niya.

Hindi nga nagtagal at may narinig kaming mga yabag papalapit. Hinintay kong bumukas ang pinto at pumasok ang mga taong 'yon pero hindi nangyari.

Unti-unting lumayo ang tunog ng mga yabag hanggang sa mawala ang mga ito. Mukhang dumaan lang sila sa kwarto.

"Guys, kami na lang muna ni Lauree ang kikilos," sabi ko sa mga kasamahan naming hindi na nakagapos. Hindi rin naman kasi sila marunong mag-pick ng locks.

"Sige," pagsang-ayon ni Harvey.

Mas binilisan ko na ang pag-pick ng mga locks.

Ilang sandali pa ang lumipas at sa wakas ay nakawala na rin ang lahat sa pagkakagapos.

The Plague: Rotten Flesh (UNDER REVISION)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora