7

67 9 3
                                    

Lagim ng gabi...

May kakaibang nararamdaman ang isang kapamilya Campbell sa loob ng kanilang tahanan, wari niya'y may  kakaiba sa sandaling kasama nila ang batang Belie sa loob ng tahanan.

Pakiramdam niya may mga matang nagmamasid sa kanila, habang sila'y naroon sa kanilang kwarto, sala, kusina maging sa library o opisina ng kanilang mga magulang. Pakiwari nila'y laging sumusunod sa kanilang magkapatid ang taong ito, na hula ng magkapatid na may dala ng panganib.

Ayaw man niyang maniwala sa mga ganitong pangyayari sa kanilang tahanan at pamilya sa oras na iyon, habang nasa loob ng comfort room may narinig siya buhat sa kanyang kwarto. Kung saan naroon ang iilan gamit na kanyang mga ikinabit na gadget na naka lapag lamang sa kanyang kama at kasama ng iba pang gamit sa skul. 

Ngunit ng kanyang agad tinungo ang loob nito. Sa pakiramdam ni Chandler may kasama siya sa loob at parang may tao na nagmamasid. Batid niya na may ginalaw sa kanyang mga kagamitan at  laking gulat niya na may nakita siyang anino na nagmumula sa likod ng kanyang kabinet.

Dahan-dahan siyang pumunta dito.  Habang bitbit ang isang arnis na gamit sa kanilang paaralan. Tinungo niya ang likod ng cabinet upang malaman ang naturang anino na nakita niya sa loob ng kanyang silid.

Habang dahan- dahan pumapasok siya sa lugar, kung saan nakita niya ang isang anino. Pigil na pigil ang kanyang paghinga habang ang kanyang pag hakbang tila mala ninja move, at hindi magambala ang taong pumasok sa kanyang kwarto.

Nang akma na itaas niya ang kanyang hawak na arnis. Ang siya naman pagpasok ng batang si Belie, sa loob ng silid nito. Walang narinig na pagkatok mula sa pintuan ng kanyang silid o mag pasintabi na papasok sa loob.

"Kuya chan, kuya chan tawag po ka ni mama at papa." Belie

Nabitawan ni Chandler ang kanyang arnis, habang gulat naman ang nakita sa mukha ni Belie.

At ang batang Chandler na animoy parang may nakakatakot na naganap. Kayat agad na naman nagtanung si Belie sa kanyang kuya Chandler.

"Bakit hawak-hawak mo itong arnis mo sa school?" Hindi man lang natinag ang batang si Chandler sa kanyang kaharap. Batid niyang may kinalaman ito sa mga nangyayari sa loob ng kanilang tahanan.

Hindi pa man na nakaka kuha ng sagot mula sa batang Chandler, ang batang si Belie. Muli itong nagwika na.

"Ano ang iyong ginagawa sa loob ng aking silid?" Habang pinandidilatan nang mata ang batang si Belie.

At tanging naisagot lamang nito "ipinapatawag ka nila mama at papa. Kaya ako narito."

"Sa dinami-dami ng tao dito, sa bahay. Ikaw pa talaga ang tumawag sa akin. Bakit hindi sila yaya Marie o si ate Angge?" Chandler

"Eh sa may ginagawa po sila sa kusina. Si yaya Marie po ay tumutulong sa paghahanda ng tanghalian. At si Ate Angge inutusan po ni papa pumunta sa shop para kunin po yong pinagawa niya na damit." Belie

"Sa susunod!

"Kung pupunta ka dito. Huwag kang basta-basta papasok sa may mga silid. Hindi ka ba marunong kumatok?

O, baka naman, ikaw eh nagpapanggap lamang. Na tinatawag ako nila mama, Dahil kung hindi! Eh malalagot ka talaga sa akin. Alam mo naman ayoko sayo. Kapag nalaman ko na nagsinungaling ka sa akin. Humanda ka! Baka makalimutan ko ang sarili na babae ka."
Walang nagawa ang batang Belie,sa mga sandaling iyon kausap ang panganay na anak ng mga Campbell. Lumabas na umiiyak ang batang si Belie. Alam ni Belie na ayaw sa kanya ng kuya na tumira sa tahanan ng mga Campbell.

Batid nitong simula ng kanyang pagdating, na naging mainitin ang ulo nito, kulang na lamang magbuga ng apoy mula sa bibig. ( parang dragon lamang ) Ito ang nasa isip ng batang si Belie sa kanyang itinuturing kapatid na nakakatanda.

Habang papalabas ang batang Belie alam nito na may kasama ang kanyang kuya sa mga oras na iyon. Mukhang hindi pangkaraniwan na tao.  Nais man sabihin ni Belie ang itsura nito sa kanyang kuya. Mas pinili nitong umalis sa harapan ng batang ng nakakatandang kapatid nito, tila may pakiramdam siya na hindi pangkaraniwan nilalang Ang nakita nito sa loob ng silid ng kapatid na si Chandler.  Isang itim na usok na nagmumula sa likod ng cabinet Ang nakita nito.

Kayat napag pasyahan niyang pumunta sa kaniyang sariling silid na inilaan sa kanya na itinuturing na mga magulang.

Doon siya umiyak at nagsasalita ng mag-isa waring inilalabas niya ang hinanakit sa kapatid nitong si Chandler.  At tanging nasa isip ni Belie ay "kailangan kong mapalapit kay kuya chan, lahat ay susundin ko. Kung anong gusto niya, Basta makasama ko siya at maging buo kami kasama sila papa at mama, kasama ang bunso si Brooks." Habang sinasabi niya ito.

May isang nilalang ang nakakarinig sa kanyang sinasabi. Bagamat sa isip lamang sinabi ni Belie ang kanyang hinanakit sa kapatid nitong si Chandler.

Sumagot ang isang hindi-nakilalang nilalang na nasa loob ng kaniyang kwarto at tanging sinambit nito, "Hindi ka maaring maging malapit sa mga hayop na iyon. Hindi mo ako, pwedeng balewala-in sapagkat ang inuutos ko. Ang dapat masunod. Ako ang nagbigay ng pagkakataon sayo, wala kang magagawa Belize. Susunod ka lamang sa akin. Dahil manika ka lamang. Iyan ang paka tandaan mo." Biglang nagpatay-sindi ang ilaw sa loob ng kwarto ni Belie.


Hindi malaman kung anong meron at nagkaganun ang ilaw sa loob ng kanyang kwarto. Agad nagtatakbo ang batang si Belie patungo sa labas. Kung saan walang tao na kanyang nakikita. Maging sa kusina ay wala siyang makitang tao. Hinanap niya ang kanilang kusinera si Nana Sela at upang humingi ng tulong dito. Ngunit ni boses nito ay hindi niya marinig. Maging sa loob ng kwarters ng mga kasambahay ay walang isang naroon, kundi mga gamit lamang.

At hanggang sa napa labas siya ng tahanan, may nakita siyang usok na nagmumula sa hardin ng kanyang ina si ginang Victoria. At lalong nag dilim ang paligid nito, may nakita siya isang nilalang na nagmumula sa itim na usok. At nagwika na "saan ang tungo mo, Belize?" Hindi malaman ni Belie kung sasagot ito sa tanung ng mahiwagang lalaking na nagmumula sa usok. "Hindi mo ba ako, nakikilala?" Hindi malaman ni Belie ang mga sinasabi nito sa kanya.

~~~~
Sa tingin niyo, sino ang nilalang na nakita ni Belize o Chandler. Iisang Tao lang ba ang kanilang nakita?

Kayat abangan natin muli ang mga kapana-panabik na kwento ni Belize.

------
Good morning guys, ingat sa bagyong darating na ompong, malakas daw iyon.

#prayersisthebestprotection
#ingatlagimagdalangpayong
#ingatsaihingdaga
God bless us.........

gnsytn
8:56 pm

BelizeWhere stories live. Discover now