9

65 9 0
                                    


"Walang halimaw dito sa ating bahay Brooks. Guni-guni mo lang ang nakikita mo. At isa pa, hindi mo nga nakilala iyong tao na gumawa sayo. At nagbibintang ka, na walang ebidensiya. Baka naman natutulog kang naglalakad ha." Tanong ng ama sa kanyang bunsong anak.

Alam ni Brooks na hindi siya natutulog at gising na gising siya nung oras na iyon. At hindi maari siyang magkamali sa kanyang mga nakita at sinasabi sa mga magulang nito.

"Iho Brooks, alam ko pagod lamang iyan na nararamdaman mo. At isa pa kulang siguro ang tulog. Dahil maaga pa lang ay bumabangon ka na, patungo sa school niyo. Nauunawaan kita sa parteng iyan anak."

"Kaya lang ang sabihin mong may halimaw dito sa ating bahay, abay mali naman ang sinabi mo. Walang multo, o halimaw ang gumagala dito. Alam mong matagal na tayo na ninirahan dito. At ngayon lang mo sinabi iyon." Mama

"Opo, nakita ko nga, siya Ma at Pa. Nakita ko ng aking dalawang mata ang halimaw na naging tao." Habang pumipikit na nagsasalita ang anak ng mag-asawa na ipinagpilitan nito na may halimaw sa loob ng kanilang tahanan.

"Bro. Brooks. Halika na magpahinga ka muna, mamaya pag-usapan natin iyong nakita mo. Tila namumutla ka ngayon." Kuya chand

"No, kuya. Kaya ko ang aking sarili. Nais ko lamang sabihin sa inyo na totoo ang aking mga nakita. Mama, Papa at kuya Chand maniwala naman kayo sa akin. Hindi ako iyong bata na mahilig magsinungaling. Alam naman ninyo na hindi ako pala kibo, minsan. Pero nagiging tahimik ako, dahil ayokong dumagdag sa isipin niyo. Pls... Mama ngayon lang." Tila nahihimigan na magmamakaawa sa kanyang mga magulang ang anak na si Brooks.

Batid ng mga katulong na nakakaramdam na sila ng kakikilabot sa loob ng tahanan. Bagamat alam ng matanda at ng isa sa mga kasama na may kasama sila na bukod sa kanilang mga kasambahay.

At iyon ang parte na nag paalam ang isa sa mga katulong na pansamantala munang umuwi sa probinsya, upang humingi ng tulong sa kanyang Lola na ihingi ng pang-nguntra sa mga nilalang na kayang makapanakit sa mga tao.

At tanging naiwan na lamang sa loob ng pamamahay ng pamilya Campbell ay ang dalawang katulong at isang hardinero. Kasama ang pamilya Campbell.

----

Chandler

"Alam ko na totoo ang sinabi ng aking nakakabatang kapatid sa kanyang mga tinuran. Hindi ko lamang masabi sa aking mga magulang ang nangyayari sa loob ng aming tahanan lalo na sinasabi ng mama namin na kapatid namin si Belie."

"Ang totoo po niyan ay nakita ko ang kapatid ko si Belie na may isang nilalang na kausap sa may likod bahay namin nung nakaraan na umuwi galing hospital. Mukha ngang halimaw ang nilalang na kausap ng kapatid ko daw. At hindi ko lubos na maisip nang sinabi nito kausap niya ang aking kapatid na si Belize na manika ka lamang. Na hindi mawala-wala sa akin ang sinabi nito at tila nag eecho sa aking tenga ang salitang manika."

"Tanging sa isip ko ngayon, Kung sino sa buhay namin si Belize na kasama namin ngayon sa loob ng aming tahanan."

"Marahil may inililihim ang aking mga magulang sa aming magkapatid. Ang tunay nitong pagkatao, At tanging nakaka alam nito ay sila lamang ng aking ama."

"At kung bakit ko nasabi ang bagay na ito? Marahil sa mga ikinikilos ng aking mga magulang. Sa tuwing pag-uusapan ang tungkol sa nakita ng aking nakakabatang kapatid si Brooks. At hula ko din na may kinalaman sa kapatid ko si Belize. At iyon ang kutob ko at nakikitang dahilan sa mga oras na kami ay nag-uusap-usap sa sala. Kasama ang mga kasambahay namin."

BelizeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang