37

29 2 0
                                    


Belize

                 Nakakatuwa talaga na isa-isa kong mapapadali ang trabaho ko. Bwahahahaha ang tanging problema ko na lamang ang dalawa na nasa hospital. Si Angge naruon pa din sa loob ng police station na iditeni sa loob ng himpilan ng pulisya. At ang pamilya na umampon sa akin ay naruon pa din at problemado sa kanilang katulong dahil batid nila na may kasama silang mamatay tao.

                 "Ang hindi nila alam, ay ako ang siyang papatay sa kanila. At ako ang matitira sa pagkakataong iyon, at mahanap ang mga taong mahahalaga sa akin ngayon."

----------

                Sa kabilang banda habang abala ang lahat para maihanda ang burol ng matanda sa isang chapel. Wala ng kamag-anak ang matanda at ang tumatayo na lamang, bilang kamag-anak nito ay si ginang Victoria. Simula ng manilbihan bilang kasambahay ang matanda sa ginang ay itinuring na niya ito bilang pangalawang ina.

                Kahit na ang magulang ni ginang victoria ay minsan lamang nauwi, dahil sa mga negosyo na sa ibang bansa. Kayat ang nangalaga lamang sa ginang ay ang matanda si Nana. Dalaga pa lamang nuon ang matanda ng mamasukan ito bilang isang kasambahay at hanggang sa maging yaya ng ginang nang panahon na wala pang asawa ito.

                Hanggang sa nag-asawa ito, isinama sa pagbubukod ng tirahan ang yaya nitong si Nana. Kasama ni Nana ang mag-asawang Austin at Victoria. At ngayon parang ang hirap isipin na wala ng buhay ang itinuturing ikalawang ina nito.

                Habang naruon sa loob ng chapel ang magkapatid na Chandler, Brooklyn at Belize. Hindi maiwasan ng magkapatid na Brooklyn at Chandler na pangilagan ang kapatid na babae sa katauhan ni Belize.

                Pansin ng ilang mga bisita na nasa loob na parang hindi magkakasundo ang tatlong bata. Habang nasa loob ng chapel kung saan nakahimlay si Nana na tumatayong lola na din sa dalawang bata. Maging ang bisita ay nasa loob ng chapel ay pansin din nila ng iilang mga bisita na tila nagtataka sa mga oras na iyon.

                 Parang pamilyar sa kanilang paningin ang taong nakatayo sa kabaon ni Nana, para bang hindi makapaniwala sa pagkawala ng matanda. Sa isip ni Rex sa mga oras na iyon nakausap pa niya ito nung gabi, bago pa paslangin ito ng salarin na hindi nakilala.

              ["Iho ipag-paumanhin ang aking paggambala sa iyo. May kamukha ka na aking naalala, kaya lamang magkapareho kayo ng gawi. Tila parang pinag-biyak kayo na bunga. Basta't mag-ingat ka sa mga bagay-bagay sa iyong paligid. At ikaw na ang bahala sa iyong kaibigan at pamilya nito. Anuman ang iyong makita sa kanila, unawain muna lamang at huwag husgahan. Lalo na iyong bata si Belize.]

                 Naguguluhan man sa mga sinabi nito sa kanya ng mga oras na sandali habang naruon sa isang patio ng hardin nakaupo, malalim ang kanyang mga ini isip ng mga oras, nang makita siya ng matanda. Tila kakaiba sa kanyang pakiramdam na inihabilin nito ang pamilya at may kakaiba sa pakiramdam na may mangyayari na masama dito.

Nimfa (espiritista)

                 Narito ako sa chapel kasama ang pamilya ng aking kaibigan si Ginang Victoria. Pansin ko na magkakahiwalay ng upo ang tatlong bata. Habang ang mag-asawa ay tahimik sa dulong upuan. Kita sa mga mata ng aking kaibigan ang pagod sa itsura nito at isama pa sa kasama nito na dalaga ang siyang pinagbibintangan sa mga pangyayari sa loob ng tahanan na mga Campbell.

               Hindi ko alam ang buong pangyayari, base sa kwento ng aking kaibigan na paggising ng umaga ng martes dapat ang nauuna gumising ang matanda para gisingin ang kasama si Angge para gumawa ng gawain sa loob ng kanilang tahanan.

BelizeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon