Chapter Two

10.9K 133 1
                                    

Chapter 2
Belle's POV

Pagkatapat na pagkatapat sa apartment ni Peter ay hindi na ako nagdalawang isip at kaagad na kumatok doon. Pakapalan na ng mukha pero kailangan ako ng papa ko ngayon. Sana lang ay nandito siya ngayon.
Dito pa rin naman nakatira si Peter sa apartment niya kahit na nag-resigned na rin siya sa Winters hotel.
Hindi ko alam kung matutulungan niya ba ako. Hindi naman kasi kami ganoon ka-close, lagi lang kaming nagkakasama noon dahil kay Shin. Pero inaamin ko na noong mga panahon na nararamdaman niyang niloloko na siya ng Ex-girlfriend niya ay medyo mas nagkalapit kami, dahil ako ang nasandalan niya noon.
Gayu pa man ay sana pakinggan niya pa rin ako. Mabait naman si Peter, pero alam ko magiging against sa pamilya niya kung sakaling tutulungan niya ako. Pero ang gusto ko lang naman ay isa pang chance, dahil ayokong makulong ang papa ko sa kasalanang hindi niya ginawa. Mabait naman si Peter, sana pakinggan niya pa rin ako.
"Sandali!"
Nakahinga ako kahit papaano nang maluwang nang marinig ko ang tugon niya, dahil kung wala siya dito sa apartment niya ay hindi ko na alam kung saan ko siya hahanapin. Bilang magkahiwalay na kami ng trabaho dahil pareho kaming nag-resign sa Hotel ay bihira na lang kaming magkita o magkausap. Lalo na't hindi rin maganda ang kinahinatnan ng relasyon nila ng best friend ko kaya nahiya na rin akong makipag-usap sa kaniya.
Kunot-noo niyang mukha ang sumalubong sa akin pagkabukas ng pinto. Pero mukhang nagbago ang mood niya nang makilala ako dahil biglang halos umamo ang ekspresyon at nagtataka akong tiningnan.
"Napadalaw ka? Pasok ka." Nilakihan niya ang bukas ng pinto at pinapasok ako.
"Kumusta?" sabi niya nang pumasok kami at iginaya ako paupo sa sofa.
Nagbuntong hininga ako. Ayoko nang magpaligoy-ligoy pa. "Peter, pinakulong na ng parents mo ang papa ko"
Ilan segundo siyang nanahimik ngunit mayamaya ay tumayo siya sa kinauupuan niya at kunot-noong pumunta sa may hagdanan.
Sinundan ko lang siya ng tingin.
"Belle, wala akong maitutulong sa 'yo, " sabi lang niya at umakyat na sa hagdan.
Matagal na niyang alam na Morgan ako. Magmulla nang kilalanin ng pamilya niya ang background ng papa ko. Matagal na rin niyang alam ang issue ng pamilya namin, sadyang mas pinili lang namin ang huwag nang makialam pa. Sa katunayan siya ang kumompronta sa akin. Wala siya ideya sa pagkatao ko, bukod sa pareho kaming chef at malapit kay Shin ay wala na. Nagulat na lang siya nang makita ang letrato ko sa magulang niya at nalaman ang ugnayan namin ni Papa.
Marahil alam na rin niya ang pagpapakulong ng magulang niya sa papa ko bago pa ako nagpunta rito.
Umiling-iling ako. Hindi ako puwedeng sumuko.
Nagmamadaling sinundan ko siya sa second floor.
"Peter sandali lang naman! Hindi niya naman gustong nakawan ang pamilya mo. Wala lang siyang choice!"
Hindi niya ako pinansin at nagtuloy-tuloy lang ng lakad hanggang sa nakarating na kami sa kwarto niya. Isasara niya na sana ang pinto nang inipit ko ang sarili ko para hindi niya masara.
Tinitigan niya lang ako at mayamaya ay hinayaan niya na ang pinto. Mukhang na-realize na niyang walang magpapatalong porsigido.
"Belle, naargabyado ang pamilya ko!" sagot niya na parang nakukulitan na sa akin.
"Peter, naargabyado rin ang papa ko! Hindi n'yo ba naiintindihan 'yon?"
Tiningnan niya ako nang nakakunot-noo.
"Kaya nang-argabyado rin siya ng ibang tao? kasi ayaw niyang maargabyado, ganoon ba?"
Ano'ng gusto niya? magpakamatay na lang ang papa ko? Hindi lang naman ang papa ko ang nalalagay sa ganitong sitwasyon, pero sila hindi nakukulong. Ang hinihiling ko lang naman ay unawain din nila ang papa ko.
Naiiritang tinulak ko siya. "Ano'ng gusto mo, hayaan ng papa ko na patayin siya? Hayaan ng papa ko na patayin ako? Peter hindi lang naman buhay niya ang niligtas, pati buhay ko nakasalalay, nagpapasalamat nga akong dinamay na ako ng mga walang hiyang 'yon dahil kung hindi nila dinawit iyong pangalan ko hahayaan na lang ng papa ko na patayin siya!"
"Belle, hindi 'yon ang ibig kong sabihin..." namumungay ang mga mata niyang sabi.
Pinigilan ko ang hikbing gustong kumawala sa akin dahil sa bigat ng nararamdaman ko.
"Peter humihingi lang naman ako ng tulong, hindi naman deserve ng papa ko ang makulong."
Bumagsak ang balikat niya, at nakita ko ang pagbuntong-hininga niya.
"Alam ko kung gaano kagalit ang papa ko sa papa mo, hindi siya madaling pakiusapan."
Umupo ako sa kama niya, malayo sa kaniya.
Tinakpan ko ang mukha ko ng dalawang palad ko. Ayokong makita niya kung gaano na ako kapagod, kanasasaktan.
"Peter sabihin mo lang kung tutulungan mo ba ako o hindi, nang hindi ko na sayangin ang oras ko rito at imbes sana kumayod ako nang husto mayaran lang kayo, e, nandito ako nakikiusap sa 'yo."
Nakatungo lang siya at hindi sumagot. I guess that's no.
Tumayo na 'ko at naglakad sa may pinto ng kuwarto niya.
"Saan ka pupunta?"
"Magbebenta ng kaluluwa," tanging sinabi ko at lumabas na.
****

Kasalukuyan kong nilalagay sa niluluto ko ang mga pinahiwa ko kina Chris. Nasa M'sG ako ngayon. Kailangan kong kumayod kahit na pakiramdam ko kumakawala na ang utak ko sa sobrang pagod sa pag-iisip ng paraan.
Hindi puwedeng tumambay lang ako dahil kailangan namin ng pambayad sa lawyer namin.
"Belle, ang lalim ata ng iniisip mo? May sakit ka ba? Okay ka lang?" nag-aalala at nagtatakang tanong ni Tyler sa akin. Si Tyler ang isa sa mga Chef Assistant.
Tumango ako. "Okay lang ako."
"Sure? Sabihin mo lang paghindi para makapagpahinga ka, kami nang bahala," segunda naman ni Chris na tinanguhan ko lang.
Napatingin kami sa may parang bintana na nakakonekta sa counter. Doon namin dinadaan ang order once na luto na.
"Order please!" sabi roon ng isa pang nakatoka ngayon sa counter na si Amber.
Natawa ko nang makita ko ang mabilis na pagbago ng ekspresyon niya pagkatalikod niya sa counter paharap dito.
Sa counter kasi kaya kailangan lagi siyang nakangiti at baka masita pa siya ng manager kapag sumimangot siya. Iyong kasing mga manager 'yong tipong wala naman customer na lumalapit sa 'yo pero bigla ka na lang lalapitan ng mga manager at sasabihang 'Sunshine' para ipaalalang dapat nakangiti lang palagi.
Kinuha ni Chris ang listahan ng new orders nang nang natatawa.
"Nakasimangot ka nanaman."
"Kasi naman sawang-sawa na 'ko sa pagngiti. Mamaya nga papakamatay na ako, ewan ko lang kung makangiti pa ako niyan," biro niya.
Pinagtawanan na lang namin siya. Hindi naman kasi kailangan sa kusina ang ngumiti nang ngumiti dahil hindi naman kami nakikita ng customers, puwera na lang kung sisilipin kami ng manager dahil para daw hindi malasin dapat nakangiti.
Mayamaya ay lumusot naman ng papel si Iann, isa pang taga-counter.
"Order ulit, ikaw raw gustong magluto nito Belle, special request."
Nagtatakang kinuha ko iyong papel. Sa akin? Sinilip ko ang labas at tiningnan kung sino ang nag-request.
Sumimangot ako at hindi napigilang irapan ang nag-order at nag-request nang makita ko siya sa tapat ng counter, no wonder na siya ang nag-request, si Peter.
Mahinang hinampas ako ni Iann. "Uy customer yan Belle, 'wag mong tarayan! Baka ireklamo ka."
Hindi ako sumagot sa kaniya at nanahimik lang. Ginawa ko na lang ang order niya. Nang-aasar ba siya? bakit pa siya nagpunta rito at nag-request pa?
Bahala siya diyan, pagkatapos niyang kumain ay aalis din naman siya. Hindi ko siya lalabasin.
****

Kasalukuyan akong nakatambay ngayon dito kasama ang mga ka-close ko rito sa M'sG. Break time na namin ngayon, pare-pareho kaming pinayagan kaya magkakasabay na kami.
"Belle sino ba 'yong guwapong guy na nag-request sa 'yo kanina?" tanong sa akin ni Daniel habang kumakain ng Tortilios.
Si Daniel ang bekky kong kaibigan, at dahil gay siya ay imbes na ang tawag namin ay Daniel, ang tawag namin sa kaniya ay 'Daniela' para daw maganda.
"Si Peter, ang ex ng best friend ko."
Biglang nabuhay naman ang mukhng inaantok na si Liam at nakisali sa usapan.
"Peter? tapos ikaw si Belle? TinkerBelle? Peterpan?"
Malakas na hinampas ko siya sa likod ng braso.
"Oo nga 'no! Naisip mo iyon?" natatawa namang sabi ni Ian.
Magkaiba si Iann at si Ian. Babae si Iann, at lalaki naman si Ian. Si Iann na babae ay dalawa ang 'N' at ang lalaking Ian ay isa lang ang 'N'.
"Nakakatawa iyon?" kunwaring napipikon kong sabi.
"Bakit mo inikutan ng mata or parang naiinis ka sa kaniya kung kilala mo pala siya?" tanong naman sa akin ni Josh.
"Oo nga, mabuti na nga lang at hindi ka nakita nila Sir Powers," komento naman ni Orlando.
Si Mr. Powers ay ang manager ng M'sG. Actually tatlo silang namamahala rito. Sina Mr. Intelligence, Mr. Gorgeous at Mr. Powers.
Hindi iyon ang totoo nilang pangalan pero 'yon ang tawag namin sa kanila. Kaming mga magkakaibigan lang ang tumatawag sa kanila niyon, kaming magkakaibigan.
Kami kasi ang magkakasama sa iisang batch kaya kami ang magkakasundo.
Pero hindi nila ako madalas makausap dahil nga nasa-kitchen ako palagi, nagluluto. Hindi kagaya nila na iyong iba ay nasa dinning, counter, at tagakuha ng order sa labas.
"Oo nga naman, mukha naman siyang mabait. Buti nga naalala ka pa niya kahit ex na lang siya ng best friend mo," sabi naman ni Robert.
"Ewan, hayaan ninyo siya. Nakakairita siya," sagot ko na lang.
Hindi sila sumagot. Nagtaka naman ako nang biglang nanahimik ang tatlong naghaharutan na si Liam, Iann at Josh.
Habang si Ian naman at Orlando na nasa kaliwa ko ay lumipat sa kanan.
Bakit?
"Belle?"
Halos manlaki ang mga mata ko sa boses na na rinig kong tumawag sa pangalan ko.
Napatayo ako nang hindi oras at hinarap siya.
si Peter.
"Anong kailangan mo? Naroon ang kainan."
"Hindi ako o-order," sabi niya nang napapahawak sa may batok.
Naiiling na nagpaalam na ako sa mga kasama ko uuna na akong bumalik sa trabaho, saka nilagpasan si Peter.
"Belle, sandali. Iniiwasan mo ba ako? galit ka pa rin sa akin?" narinig kong sabi niya habang nakasunod sa akin.
Naglakad lang ako papunta sa may kitchen kahit na hindi ko pa time.
Hindi rin naman ako nagtanggal ng uniform, hair net lang.
"Belle-" Hindi ko na siya pinatapos at nagsalita na kaagad.
"'Wag mong sabihing susundan mo pa ako dito?" sabi ko na tinuturo ang pinto ng kitchen. Hanggang sa wala na siyang nagawa nang isara ko na ang pinto.

Infinite Agreement [Completed]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant