Chapter Five

6.3K 89 8
                                    

Chapter 5
Peter's POV

Kakatapos lang namin mag-dinner nina Mom, Dad, and Belle. Mabuti na lang at naging mabait sila kay Belle despite of our family and her father's issue. Pero nag-aalala ko na baka deep inside ay ayaw naman talaga nila kay Belle, na baka nakikisama lang kumbaga.
Wala naman kasi talaga akong balak tulungan si Belle, pero nang maalala ko kung gaano siya kabait sa akin nang magkaproblema kami ni Shin ay nakonsensiya ako.
Hindi niya ako iniwan ng mga panahon na iyon.
Kaya heto ako gumawa ng plano na magpanggap kami sa harap nila Dad na may relasyon para magkaroon ng dahilan kung bakit kailangan nilang iurong ang kaso ng papa ni Belle.
Sumeniyas sa akin si Dad para umupo sa couch na katapat ng inuupuan niya.
Pagkatapos kasi naming kumain ay sinama ako ni Dad sa sala kung saan medyo malayo kina Belle at Mom.
"Peter, hindi ko pa puwedeng ipahinto na lang bigla ang kaso," sabi ni Dad nang naiiling.
"But I will be a useless boyfriend if I will let my girlfriend's father to live in prison because of my family. Why can't you?"
Mula sa kawalan ay nilipat niya ang tingin sa akin. "Peter, nakiusap ba ang girlfriend mo?"
"No!" mabilis kong sagot. Well yes, but not as my girlfriend. "Hindi niya alam na kinakausap ko kayo tungkol dito. Dad, ayoko lang na magkaroon ng kahit ano'ng hadlang sa relasyon namin," pagdadahilan ko.
Tumango siya. "I'm sorry Son, pero hindi ko puwedeng iurong ang kaso. Once na iurong ko ito ay mahirap ng ilaban ulit."
I actually know. Mahabang proseso rin ang ginawa nila para sa kasong ito. Malaki ang laban nila Dad, and yes, pagbinawi nila ito ay masasayang ang lahat at hindi na madaling balikan. Once muli nilang buksan ang kaso ay magiging kuhestyon sa gusgado kung bakit nila inurong at muling bubuksan, dahil hindi magiging justice ang kalalabasan ng kaso dahil iisipan ito ng ibang rason kung bakit nila bubuksan ulit ang kaso.
"Dad, bakit n'yo naman kailangan isipin 'yon? Hindi n'yo naman kailangang buksan uli."
"Anak, paano kung mag-break kayo? I mean-- please don't get offended my son, pero paano kung magkahiwalay kayo? at ayawan ka ng papa niya, ni Alejandro? edi wala rin. Paano kapag naghiwalay kayo, edi masasayang lang ang paggi-giveway natin."
Napahilot ako sa may sentido ko. Hindi ko alam kung bakit, pero desperado na 'kong tulungan si Belle.
"Dad, magpapakasal na kami, matagal na naming plano ito, hindi lang namin natuloy at hidi lang namin masabi sa inyo, dahil sa gulo n'yo. Dad-"
Hindi pa ako tapos magsalita ay nag-react na siya. "Talaga? I'm sorry Son, hindi ko alam na nadadamay ka na pala. Sana sinabi mo umpisa pa lang."
"Dad, like what I said earlier, sasabihin na namin, ang kaso nagkagulo kayo."
Tumango-tango siya. "Ige, iuurong ko ang kaso kapag kasal na kayo. kailan n'yo ba balak?"
Mahirap talagang isahan ang Dad ko, nakakainis.
"This month na sana."
Heto nanaman ko, nagdedesisyon nang hindi pinag-iisipan.
"Okay, tell it to your Mom."
Tumango lang ako at sabay na kaming naglakad papasok ng kusina kung nasaan sina Belle at Mom.
Hindi na ako magugulat kung babatukan ako ni Belle sa mga sinabi ko kay Dad nang hindi siya kinokonsulta. Pero para naman sa papa niya ito. Sa pagkakaalam ko rin naman ay wala siyang boyfriend, or else nagkaroon na siya sa Ms'G?
***

Belle's POV

Hinampas ko si Peter pagkapasok namin sa kotse niya.
Ihahatid niya na 'ko sa apartment ko pagkatapos ng napakahabang conversation kasama ang Mom at Dad niya tungkol sa kasal.
Hindi ko akalain na hahantong kami sa ganito.
Hinuli niya ang kamay kong pinanghampas ko sa kaniya at ngumiti ng napakatamis.
"Sorry na 'love' 'wag ka nang magalit." Pasimple siyang tumingin sa may bintana. "Baka mahuli tayo," sabi niya nang hindi gumagalaw ang bibig.
Sumimangot na lang ako at nanahimik, hanggang sa pinaandar na niya ang sasakyan.
Pumalakpak ako ng mabagal pagkalayo ng sasakyan.
"Hayan ang galing, iniimbitahan ka raw sa Acting Choice Award. Ang galing mo raw magpanggap. Ngayon puwede na ba akong magtanong at magreklamo't huwag nang magpanggap tutal malayo na tayo?"
Nagkibit-balikat lang siya.
"Ano'ng ibig sabihin niyon? magpapakasal tayo? Habang buhay tayong magpapanggap, ganoon?"
"Belle, naisulong na sa pilipinas ang annulment."
"Pero matagal pa rin iyon, isa pa pati Diyos lolokohin na natin. Peter! Nakokonsensya na ako sa ginagawa natin sa magulang mo. Oo gusto kong makalaya ang papa ko, but doesn't mean na gusto kong manloko ng tao."
"Alam ko, pero hindi niya ihihinto ang kaso kung girlfriend lang kita. Matalino si Dad, iisipin niya kung sakaling maghiwalay tayo, masasayang lang na sinakripisyo nila ang kaso para sa panandaliang relasyon."
"Kaya sinabi mong magpapakasal tayo? tapos pagkasal na tayo, annulment na ba?"
"I have a suggestion," sabi niya nang hindi tumitingin sa akin. Hinintay ko lang siyang magsalita.
"Kung maghihiwalay tayo, 'wag muna kaagad. Kapag may mahal ka nang iba, doon na tayo mag-file ng annulment."
Natigilan ako. Kung alam mo lang, maghihintay ka lang sa wala.
"Kapag may mahal na ako? E, paano kung ikaw ang unang mahulog sa iba?"
"No need to worry, kahit magmahal ako ngayon, wala na siya dito sa bansa at hindi niya rin naman masusuklian 'yon, " sabi niya nang hindi manlang ako sinulyapan.
Napailing ako. Kahit hindi niya sabihin ay alam ko kung sino ang tinutukoy niya.
"Wala ka bang planong mag-moved on?"
"If I can, why not?"
Nanahimik na lang ako. To stupid if I'll convince him to love somebody when I know that he can't. And I will be too stupid if I'll ask him to love me instead when I know that it will never happen.

Infinite Agreement [Completed]Where stories live. Discover now