Chapter Four

6.4K 97 3
                                    

Chapter 4
Belle's POV

"Ano naman sasabihin nating kuwento sa kanila?" tanong ko Kay Peter habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse niya habang siya naman ay nagmamaneho.
"'Yong totoo na lang na dahilan kung bakit tayo nagkakilala."
Napatingin ako sa kaniya dahil sa sagot niya.
"Na ano? Niligawan mo 'yong best friend ko?"
Tumingin siya saglit sa akin at ibinalik kaagad ang atensyon sa daan.
Papunta kami ngayon sa bahay nila Peter. Balak niya na akong ipakilala sa pamilya niya bilang girlfriend niya.
Noong una ay ayoko sa plano niya. Dahil alam kong mahirap magpanggap na hindi ko siya mahal. Pagnagkataon ay kailangan kong itago sa kaniya ang nararamdaman ko. Dahil siguradong susukuan niya 'kong tulungan kapag nagkataon. Alam kong ginagawa niya lang ito para tulungan ako, pero hindi puwedeng magkaroon ng kahit anong malisya. Pero kung magpapanggap kami alam kong mas mahirapan akong pigilan ang nararamdaman ko.
Pero kasi kailangan kong gumawa ng paraan para hindi makulong ang papa ko at wala nang ibang paraan kung hindi ang magulang mismo ni Peter ang mag-uurong ng kaso, at hindi nila iuurong ang kaso kung hindi namin ito gagawin.
"Na nagkakilala tayo sa trabaho. Pareho tayong chef at malapit lang din ang apartment natin, kaya lagi tayong nagkakasabay." Hindi niya pa inaalis ang tingin sa daan. "Tapos gagawa na lang tayo ng another story, like, uhm, ah, inaasar tayo ng mga katrabaho natin at sinasakyan ko 'yon. Hanggan sa na totoo kaya niligawan kita."
Nanahimik lang ako at nanatili lang ang ulo kong nakasandal sa bintana.
Bigla akong nakaramadam ng kirot sa puso ko. Bakit kailangan ang kwento pa na iyan ang gamitin niya? Hindi ba puwedeng 'wag na iyan? Ang kwento ng dahilan kung bakit nahulog siya kay Shin, kung saan natotoo ang simpleng pang-ngangantyaw ng mga katrabaho namin.
Inaamin ko na nasasaktan ako. Ayokong gamitin namin ang storya na iyon dahil ayokong kahit isang segundo lang ay pumasok sa isipan kong 'sana ako na lang ang best friend ko. Ayokong mainggit sa kaniya kahit na minsan ay alam ko sa sarili kong naiinggit ako sa kaniya sa tuwing nakikita ko kung gaano siya kamahal ni Peter.
Mahal na mahal ko si Shin pero mahal ko rin si Peter, at ang pagmamahal na iyon ang nagdudulot ng sakit sa iba't ibang anggulo ng puso ko.
Huminga ako nang malalim bago tumingin kay Peter.
Saktong huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay nila kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na salubungin ang tingin ko.
"Puwede bang 'wag nang isama na tinutukso tayo ng mga katrabaho natin, na naging magkatrabaho tayo, 'yon na lang iyon. Hindi naman ako ang best friend ko, Peter. Magpapanggap lang tayong may relasyon, malaking kasinungalingan na iyon, kaya sana huwag mo na akong pagpanggapin na si Shin, kasi ako si Belle. Si Belle lang ako."
Umiwas siya ng tingin at humawak sa pinto ng kotse.
"Sorry. sige, nagkatrabaho tayo at magkalapit lang ang apartment natin. That's it," saka siya tumuloy sa pagbaba.
Hindi muna ko bumaba sa kotse at hinawakan ang singsing na suot ko. Ang singsing ng mama ko. Engagement ring at wedding ring ni Mama. Magmula nang mawala ang mama ko, ako na ang nagsusuot nito. Sa ganoong paraan ay pakiramdam ko lagi ko pa ring kasama si Mama, at kahit kailan ay hindi siya nawala tabi ko.
Lagi ko itong hinahawakan kapag kinakabahan ako. Kagaya na lang ngayon na kinakabahan ako sa mga puwedeng mangyari sa loob ng bahay na iyan.
Mayamaya ay bumukas ang pinto sa tapat ko.
"Halika na, baka hinihintay na nila tayo."
Sumandal lang ako sa upuan imbes na lumabas.
"Mamaya na lang kaya?"
"Hindi pwede," sabi niya at siya na ang nagtanggal ng seatbelt ko saka ako marahang hinila palabas ng sasakyan.
Bumulong siya sa akin. "Don't worry, mabait ang magulang ko."
Tiningnan ko lang siya nang ngumiti siya nang malambing, saka inilahad ang kamay niya sa akin.
"Halika na."
Napatango na lang ako at naglakad na, pero bago ko pa siya malagpasan ay naramdaman ko na ang mainit niyang palad sa palad ko, dahilan para mapatingin ako sa kaniya.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ako mapakali. Gusto kong hilahin ang kamay ko nang kumalma naman ako, pero hind ko magawa.
"let's go." at dinala na niya ko papasok. Hindi na ko nakapag react pa.
Bumukas ang pinto at sinalubong kami ng mga nakangiting mukha ng mga kawaksi nila.
Malaki ang bahay nila at napaka elegante ng itsura. Sa ganda ng bahay ay hindi mo iisipin na nawalan pa sila niyan ng malaking halaga.
May pool sila at tanaw 'yon mula sa pinasukan naming gate na puro bulaklak at halaman ang laman, pero kung titiggnan ay mukhang iba pa ang garden nila.
Yumuko sa amin ang siguro may isang dosenang kawaksi paharap sa amin.
"Welcome back Señorito. Welcome po Ma'am."
Naiilang na ngumiti ako at halos sumiksik ky Peter. Nahihiya ako sa kanila.
Hindi naman kasi nila ako kailangan na galangin nang ganiyan, dahil hindi naman talaga ko girlfriend ng 'Siñorito' nila.
"Where's Mom and Dad?" tanong ni Peter na mukhang nagpipigil ng tawa. Para kasing gusto niya akong pagtawanan sa naging reaksyon ko, samantalang siya ay mukhang sanay na sanay na sa ganitong treatment.
Hinampas ko siya nang mahina na ikinatawa niya lang.
"Impakto ka talaga!"
Medyo napalakas ang pagkakasabi ko at tinulak siya. Hindi lang kami nagkalyo dahil hanggang ngayon ay hawak niya pa rin ang kamay ko.
Halos manlaki naman ang mga mata ng mga kawaksi nila dahil sa ginawa ko sa amo nila. Sumimangot na lang ako.
Magsasalita pa lang sana 'yong isa sa mga maid nang biglang may nagsalita mula sa itaas ng hagdan. Isang magandang babae.
"Yes, Son?"
Son? Mukha pa siyang bata kumpara sa suppose to be edad ng ina ni Peter. Nakakamangha.
"Mom!" binitiwan niya ang kamay ko at hinintay na bumaba ng hadgan ang Mom niya at hinalikan sa pisngi.
"Please introduce your girlfriend to me," narinig kong sinabi nito.
Ngumiti si Peter at muli akong nilapitan. Inakbayan niya ako sa baywang palapait sa kaniya. Palihim ko namang hiniling na sana hindi niya maramdaman ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko.
''Mom, she's Belle, my girlfriend."
Bahagya akong yumuko. "Nice meeting you po."
Lumapit siya sa akin nang may ngiti. "Finally, nice meeting you, Belle. Call me Tita." Hinagkan niya ako.
Sa ilang segundong iyon ay nakaramdam ako ng saya sa puso ko. Na-miss ko bigla ang mama ko.
"You're so pretty, no wonder why my son fall in love with you," segunda niya. "By the way, my name is Vienna Maxwell."
Inabot niya sa akin ang kanang kamay niya na kaagad kong tinanggap at nakipagkamay sa kaniya.
Napansin kong natigilan siya pero kaagad ring ngumiti.
****

Sa dinner ay akilala ko na ang dad ni Peter, at mabait din siya sa akin.
Dahil sa ginawa nila sa papa ko ay akala ko matabobre sila, pero wala naman akong nakitang kaplastikan sa kanila.
si Peter ngayon ay kasalukuyang sinolo ng dad niya. Hindi ko alam kung bakit, pero parang ang seryoso ng pinag-uusapan nila.
Mula sa kinaroroonan namin ni Tita Vienna ay nakikita namin sila.
Nasa sala sila habang nandito naman kami ni Tita sa kitchen. Nagpatulong siya sa akin na mag-bake. 'Yong nalaman niya kanina ang habit ko ay nainggit daw siya. Gusto niya raw kasing matuto kaso hindi niya raw talaga magamay, kaya napangakuan ko na lang siyang tuturuan ko siya, at heto nga nagbe-bake na kami.
"Belle gaano na nga ulit kayo ni Peter katagal na magkarelasyon?" tanong niya habang nilalagyan ng icing 'yong cake.
Na-bake na namin ito kanina before dinner, kaya design na lang ang kulang.
"Four years po," sagot ko. Kanina tinanong na rin niya kami niyan at ang sagot ni Peter ay 4, years daw. Ngumiti lang siya at tumango sa akin.
"Iyong tungkol pala sa papa mo, pasensya na ah."
Napaangat ako ng tingin kay Tita Vienna. I don't know what to say, kaya nanahimik na lang ako at pinakinggan siya.
"Malaki kasi ang tiwala ni Carlos sa papa mo, kaya masakit para sa kaniya na niloko siya nito."
"Pero Tita, na-blackmail lang po ang papa ko. Hindi niya po kayo gustong lokohin."
Ngumiti lang siya at hinawakan ang kamay ko.
"Can I ask something?" Tumango lang ako na kaagad niyang tinugunan. "May balak na ba kayo ng anak kong magpakasal?"
Halos mapatanga ako nang me ansin kong hawak niya ang kamay kong pinagsusuotan ko ng singsing ni mama.
Kaya niya siguro inakalang magpapakasal na kami.

sasagot pa lang sana ko para tumanggi pero naunahan na 'ko ni Peter.
"Mom!" Napatingin kami pareho kay Peter.
"'Wag n'yo naman kaming unahan," sabi ni Peter at tumabi sa akin sabay akbay. Hinalikan niya rin ako sa may sentido ko at nagsalita.
"Mom, Dad we're getting married."

Infinite Agreement [Completed]Where stories live. Discover now