Chapter 40~Plan A

836 10 4
                                    

Mishea's POV


RECESS.

Napalunok ako. WAAH. Recess na. Umurong nalang kaya ako?

Edi dapat di na ako umoo kay Patrick in the first place kung ayaw ko naman talaga. *pukpok sa ulo*

Eh, on the other side naman.. gusto ko din naman matulungan yung friends niya.

Aish bahala na. Simple lang naman gagawin ko eh. MASAYA PA NGA EH. Okay, uunahin ko yung Plan A. >))))

          Lumabas agad ako ng classroom at hinanap si Lana. Gusto ko rin naman kasi ng may makakasama. Joined forces kami. Hahaha! Manghihingi ako ng tulong sa kanya, di naman siguro masama di ba?

AYUN! Nakita ko na din siya. Sakto, mag-isa din siya.

"Lana!"

"Misheaaa! Uy, girl, buti nakita kita!"

"Bakit naman?"

"Ah, hehe. Wala kasi akong makasama."

Walang makasama? Sa ganda niya? Ehh boyfriend kaya? Hala dami ko pang di natatanong. Kakakilala lang kasi namin kahapon, diba? XDD

"Ikaw? Eh boyfriend mo asan? Yung ibang friends mo?"

Naglakad na kami papuntang canteen.

"Hahaha! Wala! Single ako. Friends? Ikaw lang."

Hala? Imposible naman.

"Ano? Teka, teka.. Bakit?"

          At ayun na nga. Kinuwento niya sa akin ang lahat ng tungkol sa kanya. Si Lana pala, dating kaugali ng mga frogs na yun. Hindi nga ako makapaniwala eh. Di ko maimagine. Tapos, di naman talaga daw siya ganun dati.

Kinuwento niya sa akin yung lovelife niya.

          Nagulat ako nung kinuwento niya yung tungkol kay Stephen. Eh alam ko nasa barkada yun nila Patrick? Na nerd-looking daw yun dati.. yung deal nila nung guy na nagustuhan niya.. pero eventually minahal niya daw siya kay Stephen.

Pero dahil ayaw niyang masaktan si Stephen, mas pinili niyang ituloy ang deal nila.

Pero narealize niya na mas mahirap pala, mali yung nagawa niyang desisyon. Kasi parehas din silang nasaktan.

Dahil dun, nagbago siya.

U.B.E.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon