Chapter 2

32 1 0
                                    

"Zefri" pakilala nito. Hmmm? Her name is so unique. Ang ganda ng mga mata niya. Don't get me wrong, Kay Raine lang ako lalandi! Charot.

"Uhmmm, the class will start 5 minutes from now, I need to get into my room right now, btw, nice meeting you" matapos ay tuluyan na siyang lumabas ng Cr at naglakad na papalayo. Familiar siya? Nakita ko na ba siya noon?

"Uyy, Guys andiyan na si Ma'am Dora! Ayos na bilis!" sigaw ng look out ng aming klase, agad namang nagsipag-ayos ng mga upuan at sarili ang aking mga kaklase.

Ma'am Dora ang tawag namin sa kanya dahil sa buhok niya. Hindi lang 'yon dahil na rin sa katangian niya. 'Yong tipong nasa harap na at tutuklawin na siya, 'Di pa niya makita.
Tulad ng ballpen niya.

"Ano? Ako pa ba ang babati sa inyo? Gusto niyo palit na tayo? Ako estudyante, kayo teacher?" pagsusungit nito. Naninibago ako sa kanya dahil ang sungit niya ngayon. Hindi naman siya masungit, sa totoo nga mahilig siyang magjoke eh.

"Good morning Ma'am" bati naming lahat, mahina lang ito, 'yong kapag napagalitan kayo, Mga mukhang santo na ang babait.

"Charooottt! HAHAHAH" sigaw ni maam Dora na ikinagulat naman ng lahat.

"yoooowwn!" sigaw ng aking mga kaklase. Akala namin na magsusungit ng buong araw itong si Maam Dora. Lagi talaga siyang may pasabog na ikinatutuwa ng mga estudyante niya.

" 'tong mga batang ito, Seryoso lagi. Always remember, You don't need to be serious as always, Be happy, be yourself and you'll find someone who is the same as you" WOW quote of the day.

"Maam, Birthday po ni Jessy ngayon!"

"Dahil Birthday ng kaklase niyo ngayon Wala tayong gagawin! You are free to do what you want, pero kapag may nag observe na teacher, mag ready kayo ng 1 whole sheet of paper, Okay? Alam niyo na gagawin niyo, Mag acting kayo na parang nagq-quiz"

"I love you maam!"

"Kaya lab ka namin maam eh"

"you are the best teacher"

"yiiiieeee"

Nakaupo kami dito ni Rainne sa damuhan. Dito yung favorite place namin. Habang nagbabasa kami ni Rainne ay may isang lalaki na lumapit sa amin

"Mind if I join you guys?" tanong nito sa amin. To be honest wala na mang problema sa akin, di ko lang alam kung ayos lang kay Rainne

"owyeah sure!" mabilis na sagot ni Rainne. Maharot talaga 'tong bruhildang babae na to eh. Tsk Marupok ka! Marupok!

"Diba ikaw yung kasama namin sa Music Club? Tama ba?"

"Yep haha great memory" sabi na nga ba eh once ko lang kasi siyang nakita doon kaya pala familiar siya

Oh kabog kahit pangit kami may talent pa naman kahit papaano.

"Can we do a jamming?" tanong nito sa amin.

"pwede naman"

Nagsimula kaming kumanta habang gamit niya ang gitara.

"uy guys, jamming tayo"

Pag-aaya sa amin ng kaibigan namin.

"oo nga, tara!"

Sana di na matapos ang araw na ito, sana araw-araw kami masaya, yubg walang problema. Ang swerte ko sa mga kaibigan ko. Lahat sila totoo.

Mapait akong napangiti sa kawalan. Totoo nga ba talaga sila? O, tanging imahinasyon ko lamang ang lahat ng iyon. Matatawag ko ba silang tunay kung ang maging masaya para sa akin ay hindi nila magawa?

Minsan ng sumagi sa isip ko na lumayo na lang sa mga KAIBIGAN ko pero bakit ganon? Parang ako pa yata ang may kailangan sa kanila. Hindi ko magawang lumayo dahil sila na lamang ang itinuturing kong kaibigan.

"Franz? Okay ka lang" hindi ko namalayan tulala na pala ako sa sarili ko. I'm so lucky to be with Rainne. Kahit ganyan yang babaeng yan, mahal ko yan. Hindi lang siya, pati na rin sila Ren-ren at Saphy.

"oo naman, Tara sa canteen" pag iiwas ko, ayoko ng halungkatin pa ang kagaguhang ginawa sa akin ng mga kaibigan ko noon.

Natyempuhan namin sila Ren-ren at Saphy sa canteen. Agad kaming tumakbo sa kanila.

"Ehem! Baka naman, Parang ang sarap 'non oh! Diba Rainne? Ang sarap no?"

"oo nga Franz eh, parang nakakaramdam ako ng poging anghel na manlilibre sa atin ngayon. Feeling ko malapit siya sa atin"

"Mas masarap pa rin ako"

"yuck!"

"Eewws"

"Kabahan ka nga sa pinagsasabi mo Ren, nakakadiri eh" pagkatapos ay nagtawanan ang lahat.

"Tara na nga" dumiretso na kami sa table namin. Habang si Renz ay naiwan sa counter.

Di ko pa pala naiku-kwento si Ren-ren at Saphy.

Natapos ang SHS life ko ng wala manlang intinuturing na kaibigan bukod kay Rainne. Excited na ang lahat para sa gaganaping retreat bukas. Sa Baguio ang venue.

"okay class, i-aannounce ko na ang magkakagrupo sa mga activities natin"

" Franzei, Lorraine, Saphyia, Jarenn, Zefri"

Since sobrang onti lang ng boys sa section namin tig-isa lang bawat grupo. We have 10 groups. Total of 50 students.

****

Nakarating na kami sa school ng maaga. Nagsama sama na ang mga magkakagrupo bago pa man sumakay ng bus. Catholic school kami kaya habang nasa daan kami ay nag alay ng dasal ang aming adviser.

Hinati na rin kami para sa room, magkasama kami ni rainne sa room.
Nagtipon tipon ang lahat sa Sala para sa mahalagang announcement.

"Magpahinga na muna kayo, Bukas magsisimula ang mga activity natin"

Lahat ay pumunta na sa kanya kanyang room. Since ang grupo namin ay hindi makatulog. Naisipan naming maglaro muna. Kahit di namin close ni rainne ang 2 kasama namin inalok pa rin namin sila kung gusto nilang sumali.

May dala si Rainne na Uno cards, kahit bawal ay pinilit pa rin niyang magdala. Nagpabilog na kaming 4 at nagsimula na ang laro.

"Uno!"

"HAHAHAHA"

"panalo na naman"

Nagtawanan kami na parang close na close ang isa't isa. Dahil sa Pagod ay itinigil na namin ang paglalaro. Naupo kami sa sahig at nagkwentuhan. Nagbahagi kami ng iba't ibang kwento namin.

Midnight talks with friends is so damn special

"Gising na guys! Kakain na tayo" boses ni Rainne ang bumungad sa aming tatlo na nasa room. Nag unat ako ng katawan bago bumaba sa tuktok ng double deck na higaan

Dumiretso muna ako sa Cr bago tuluyang nagtungo sa hapag kainan.

Natapos man ang retreat ng puro luha, dahil sa huling araw na naming magkakasama. Marami pa ring pagkakaibigan ang nabuo.

"Batch 2014-2015"

------------------------

End of Chapter 2 hope you like it. Keep supporting.

Salamat mga Dreamers.

Dream Where stories live. Discover now