Chapter 3

31 2 0
                                    

Nagsimula na kaming kumain. Nasa kalagitnaan na kami nang pagkain, Nang biglang humagulgol si Ren-ren na ikinagulat naming tatlo

"Hindi pa ba sapat lahat? *sobs*" tanong nito habang tuloy pa rin sa pag iyak. Ang drama talaga netong lalaki na to eh. Sabagay, Stagers siya kaya ganon.

"Ha?" naguguluhang tanong ni Saphy

"Huy! Anyare sayo?" Sinabayan ng pagtapik ni Rainne sa balikat ni Ren-ren. Nawe-weirduhan na ako sa lalaking to ah, ang cute niya kapag umiiyak HAHAHA

"Ren-ren, ano ba talagang nangyari?" malinaw na tanong ko sa kanya. Para matigil na rin ang pag hagulgol nito. Huli ko siyang nakitang umiiyak noong retreat. And look at him now He's crying again.

"Ginawa ko naman na ang lahat ah!"

ginawa ang alin?!

"Nag effort naman ako ah! Pero bakit ako pa 'tong nasaktan?" aha! Alam ko na! Tungkol 'to sa lovelife niya. Hays, pumapag-ibig si koya.

Binatukan siya ni Saphy sabay tawa "tungkol lang pala sa lovelife yan?! Anong iniiyak-iyak mo jan?! Tumigil ka na nga parang bakla jan eh!" ehem! May nabubuong ano. May nabubuong selos. Ehem!

"Ay sus Saphy!" banat ni Rainne, Sabi na nga ba eh hindi lang ako yung nakakapansin eh.

"Sayang yung paggaya ko sa crush niyang fictional character na si Juanito Alfonso!" Tsk sino ba 'tong babae na 'to, pinaiyak niya baby boy namin. Humanda lang talaga 'tong babaeng 'to

Binuksan ko yung bag ko para kunin ang tissue. Iniabot ko ito kay ren-ren dahil wala itong dalang panyo. First time! Nakita kong walang dalang panyo.

Hays, Grabe talaga yung LOVE. Pero yung love ba talaga yung may kasalanan o yung dalawang magkasintahan na hindi magkaintindihan dahil sa isang bangayan? Siguro masasagot ko rin yan kapag dumating na sa puntong naranasan ko na.

******
Since friday ngayon at walang pasok bukas. Naisipan nilang dito matulog sa bahay. Wala ng problema kay Mama at papa yung pagtulog nila dito dahil kilala na sila. Nag isip na kami ng gagawin namin. Bumili na rin kami ng midnight snacks namin. Sama-sama kami sa isang bahay will result into a total disaster.

Unting oras na lang ay darating na sila. Pustahan wala kaming magagawa sa mga pinag-iisip namin kanina.

*ting*

It was a message from Rainne.

Rainne,

"Franz! Unicorn onesie yung suot natin ah"

Saan naman ako kukuha non?! Andami talagang alam nitong babaitang 'to

Another message from Rainne popped up

Rainne,

"Don't worry, nakabili na kami, susuotin mo na lang. HIHIHIHI"

Always ready talaga 'to eh. Nagluluto na si mama ng kakainin namin. Mukhang masaya yung dinner ah, maraming kasalo.

After 30 minutes of waiting, Dumating na rin sila. May dala silang kanya kanyang unan. Nagmano sila kay mama at bumeso.

"si Ren-ren?" tanong ko.

"Andoon pa sa kotse niya, May inaayos pa ata" gabi na para mag ayos pa siya ng kotse.

"Tawagin mo na si Ren-ren, bee para makapag hapunan na tayo. Tara na mga hija, ipaghahain ko na kayo" agad naman kaming kumilos dahil na rin sa gutom.

Asan na ba yun? Bat wala? Akala ko ba nasa kotse. Aba't?! Pinaghahanap pa ako eh. Hindi naman ako magaling sa bamsak. Lagi nga akong taya noon eh. Gusto niya talagang makipaglaro eh.

Napansin ko sa may harapan ng kotse, may figure ng tao. Si ren-ren na yun.

"oh? Ano pang hinihintay mo? Kakain na, tara na" hinatak ko siya para makatayo. Napansin ko ang tahimik niya habang papunta kami sa bahay. Dahil ba to sa Ex niya? Siguro kung ako rin naman gagawing pampalipas oras masasaktan din ako.

"Oh, maupo na kayo, Dalian niyo habang mainit pa ang sabaw. Para na rin makapagsimula na tayong kumain. Bee, Ikaw ang maglead ng dasal"

Umupo na kami at nagdasala at saka dumiretso sa pagkain. Masayang nagku-kwentuhan sila mee at mga kaibigan ko hanggang sa

"Ren-ren, bat ang tamlay mo? May sakit ka ba nak? Gusto mo gamot?" nagulat si ren-ren sa sinabi ni mama sabay ngiti nito. Bakas sa galaw niya at sa mukha niya ang tamlay. Halatang walang gana. Grabe naman ang iniwang sugat ng babae na 'yon.

"okay lang po ako tita" ngumiti ito ng mapait, ang ngiting sumusubok magtago ng tunay na nadarama ng tao.

Natapos na kaming kumain at dumiretso na ako sa kusina dahil ako ang tagahugas ng plato. Pinadiretso ko na sila sa kwarto para mag ayos.
Habang naghuhugas ako ng plato. Nag isip ako ng paraan kung paano pasasayahin si Ren-ren.

Nagtungo na ako sa kwarto upang kunin yung onesie na binili nila rainne. Tumingin ako sa salamin at----
Hangkyuuut kooo!! Isinuot ko ang hood nito at tumakbo papuntang room.

Nagsimula na kaming nagpicture at as usual. Kanya kanyang post sa social media account. Inaya namin si ren-ren na sumali sa amin pero tumanggi ito

Inilabas na namin ang mga pagkain at naglaro na ng uno at mga board games.

"sorry, Franz" at sabay lapag ng plus 4 na card. Hindiiii!!!! Antayin niya lang. May switch card ako. Bwahahahahaha

Sunod naming nilaro ang scrabble. Hindi namin mapigilan ang pagtawa dahil sa mga words na binubuo nila.

Habang nagtatawanan sila ay inuubos ko ang chichirya ni Rainne. Ganon ako ka buraot

Makalipas ang ilang oras nagsawa na ang lahat. Naisipan naming tatlo na kausapin at magbigay ng advice kay ren-ren.

Tumayo na kami at tinabihan si ren-ren sa sulok. "Ren? Sino ba ang dahilan ng mapapait mong ngiti ngayon?" panimula ko.

" *sigh* diba sa larangan ng pag-ibig ngayon, pag pangit ang isang tao, Talo na agad ito?" hindi naman siya pangit. In fact, campus hearthrob siya nung highschool.

"Hindi, nakadepende sa tao kung saan niya ibabase ang salitang gwapo. Siguro ang gwapo para sa babaeng gusto mo ay malalaking braso. Pero alam mo ba na ang tunay na gwapo para sa amin, yun ay yung marunong rumespeto at magmahal ng totoo"

Very well said, Saphy. Hindi namin namalayan na tumutulo na pala ang mga luha nito. Kitang kita sa mata niya kung paano siya nasasaktan, kung paano niya ipinipilit lumaban.

Konti na lang ang mga katulad niyang lalaki sa mundo. Yung iiyak dahil sa takot itong mawala ka. Hindi man namin naranasan ang mga pinagdadaanan niya ngayon pero alam namin kung gaano ito kahirap.

Oo, sabihin niyo ng pag-ibig lang ito. Pero iba kasi yung feeling na may taong nagpapahalaga sayo. Well, ako? Masaya na ako sa buhay ko bilang single. Niyakap namin siya. Wala ng malisya sa amin iyon, dahil di kami ma issue-ng tao. Tsaka sa mga nagtatanong kung bakit may lalaki kaming kasama.

Hindi siya katulad ng ibang lalaki sa mundo. Siya yung tipo ng lalaki na marunong rumespeto.

Nakaramdam na kami ng antok ngunit may mga gusto pa kaming gawin kaya't tumayo na kami at dumiretso sa higaan. Kasya naman kaming tatlo sa king sized na bed. At meron din ditong extra bed na in-occupy ni Ren-ren.

Nagusap kami tungkol sa mga bansang gusto naming puntahan sa hinaharap. Hanggang sa makatulog na kami.

-------------

End of chapter 3. Hope you liked it. Keep supporting guys. Love you all!

Thank you mga Dreamers! Goodnight!

Dream Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon