Chapter 4

20 0 0
                                    

"Franzeeiiiiii!!!!!" nagising ako sa malakas na sigaw ni Rainne kasabay nito ang paghampas ng unan ni Rainne. Bumangon ako agad upang gumanti.

"Akala mo ah! Hetong sayo!!!" hinampas ko ng buong lakas si Rainne. Sa sobrang kalakasan ay napatumba si Rainne kay Saphy.

"Rainne ano ba? Bat ang gulo mo? Ang aga aga eh" gigil si ate mo Saphy

"Gising na Saphy!" patuloy na panggugulo ni rainne.

"Makulit ka talaga rainne ah" hinatak ni saphy ang buong katawan ni rainne at inihiga sa kama at dinaganan ito.

"1, 2, 3!"

Inabot ko ang kamay ni Saphy at itinaas na para bang nanalo sa wrestling. Napansin namin na gising na si Ren-ren at nakatingin lang sa amin na parang naistorbo namin ang tulog niya kaya binati namin

"Morning baby boy" pang-aasar ni Rainne. Ang cute niya kapag naaasar. Kumukunot ang noo at naniningkit ang mga mata.

"okay ka na Ren-ren?" tanong ko habang humihikab. Ngumiti lamang ito at nagkusot ng mata. Inayos na namin ang hinigaan namin at saka dumiretso sa sala upang manuod sa TV.

Busy si mama sa paghahanda ng pagkain namin. Kaya't 'di na nagdalawang isip sila Zefri na tulungan si mama.

Makalipas ang ilang minuto ay tinawag na kami ni Ren-ren. Nakahain na ang pagkain. Naupo na kami at sabay sabay na kumain. Masayang kaming nagkwentuhan habang nagsasalo-salo. Hindi ko lubos na maisip ang mundo ko kapag hindi dumating ang mga kaibigan ko.

Matapos ang aming pagkain ay isa isa nang naligo ang mga kasama ako dahil ngayon ay aalis kami. Naka schedule ngayon ang aming movie date. Oo, matagal na naming plinano to.

Habang hinihintay kong matapos si Rainne sa pagligo. Nagsurf muna ako sa facebook.

"in a relationship, hmmm?" bulong ko sa aking sarili. Kagagaling lang nito sa break up kagabi ah? No wonder. Maganda naman kasi siya and-- nevermind.

Tagal naman netong babae na 'to. Sa sobrang tagal niya ay nakaisip ako ng kalokohan. Nagtago ako sa sulok para gulatin siya. Ngunit ilang minuto na ang lumipas hindi pa rin siya lumalabas. Ano bang ginagawa nito?

"Oh, Franz? Anyare sayo?" nag aalalang tanong sa akin ni Rainne. Nakatulala ako sa kanya at masama ang tingin.

"Heh! Napakabagal mong babae ka! Tabi na nga diyan!" maktol ko. Bukod sa hindi matagumpay ang plano kong panggugulat sa kanya. Nag hintay pa ako ng napakatagal.

Bwisit na babae 'to. Nagbasa na ako ng katawan at nagsabon na.

"Ready na?" tanong ko sa kanila.

"Tara na!" sabay sabay na sagot ng aking mga kaibigan. Nagtungo kami sa sasakyan naming kotse. Si Ren-ren ang nagmamaneho ng sasakyan.

Nakaconnect ang aking cellphone sa speaker sa loob ng sasakyan. Agad kong pinindot ang paborito naming kanta. Hindi namin maiwasang sabayan dahil ito ang paborito naming kanta.

Naghahanap na ng lugar na pwedeng pag parking-an ng sasakyan. Ngunit wala ng space kaya nagtungo kami sa isa pang parking lot at nakahanap kami ng pwesto.

"Hay, sa wakas andito na rin, tara kain na tayo?" kasabay non ay ang pagbatok ko sa kanya.

"Gutom ka na naman?! Nakalahati mo nga yung isang kaldero ng kanin kanina tapos gutom ka pa rin?" Totoo naman na nakalahati niya.

"Kain ng kain di naman tumataba" singit ni Ren-ren.

Nagkatinginan kaming apat. Feeling ko naiiisip nila yung nasa isip ko. At tama nga ang nasa isip ko. Agad kaming kumaripas ng takbo papuntang entrance. Nauna ako at nahuli si Rainne

"Pano ba yan Rainne? Nahuli ka. Sagot mo pagkain natin!" pang aasar ni Ren-ren. Pumasok na kami da loob at dumiretso sa cinehan. Pumila muna kami upang bumili ng makakain. And tickets? Nakapag book na kami earlier kaya nothing to worry about.

Papasok na kami ng sinehan at hinahanap na namin yung seat namin. Nang mahanap na namin ay agad kaming umupo. Hindi pa nagsisimula ang movie kaya in-open ko yung phone ko and as usual, Surf ulit sa facebook.

At ayan na nga, nagpatay na ang ilaw at nagremind na i-silent ang mga cellphone na siya namang ginawa ko. Nakafocus na ako sa movie.

Paubos na ang aking pagkain kaya binuraot ko ang mga katabi ko. Inuna ko si Ren-ren. Pasimple akong kumukuha sa biniling pop corn ni Rainne. Hindi naman iyon napansin ni Ren-ren dahil tutok ito sa panunuod.

Sinunod ko naman si Saphy ngunit bako pa ako magtagumpay sa aking gagawin ay nakatingin na ito sa akin. "Sabi ko nga saphy hehehe eat well" itinuon ko na ulit ang aking atensyon sa panonood.


Natapos na ang panonood namin. Dumiretso na kami sa paborito naming kainan. Binilisan namin ang pagkain dahil magpupunta pa kaming arcade. Nasa KFC kami ngayon kung saan sabaw ang gravy. Nang matapos kaming kumain ay nagpahinga muna kami.

"tara na" pag aaya ko sa kanila. Agad naman silang tumayo at tuluyan na kaming lumabas ng KFC.

Habang naglalakad kami papuntang Arcade ay nadaanan namin ang watson at as expected naakit nito ang katawan ni Rainne. Hinatak ko ang buhok nito papalayo. Wala naman kasi siyang sapat na pera para makabili ng item doon.

"Ano ba franz?!" maktol nito

"Bago mo ko ganyanin may pera ka ba?" Walang emosyong tanong ko sa kanya.

"Oo na. sabi ko nga eh"

Diretso lang ang tingin ko nang bigla akong tawagin ni Saphy. "Franz? Sali ka?" ano na naman bang kalokohan ng mga kaibigan ko ang pumasok sa isip nila?

"Saan?" naguguluhang tanong ko

"Maglalaro kami, ang tumapak sa linya ng tiles ay talo at ang sino man ang huling makarating ng arcade ay talo at sagot niya lahat ng tokens, okay?" mukhang masaya to ah

"Okay!" Pag sang-ayon ng lahat.

"1, 2, 3, Go!" at nagsimula na nga kaming magtakbuhan. ang arcade ay nasa 3rd floor. nasa first floor pa lang kami. ang iba sa amin ay nag elevator na at ako? dahil ayaw kong mag sayang ng oras sa elevator, nag escalator na ako. natatanaw ko pa rin sila. nag aantay. ngunit ako malapit na sa escalator papuntang 3rd floor. Hindi ko na sila natanaw. Dahilan nang pagbilis ng aking takbo.

Natatanaw ko na ang arcade at natanaw ko na rin sila Franz. Tumatakbo na rin sila papuntang arcade. Malapit na!

Eto na!

Boogsh!

"Araaay!" Daing ko. Ang sakit! Nakita ko ang mga kaibigan ko na tumatawa imbes na tulungan akong tumayo. Laking gulat ko dahil may nag abot ng kamay upang tulungan akong tumayo. Naaninag ko ang kanyang mukha. Familiar siya.

wait, siya yung...


--------------------

End of Chapter 4 Wiiieee~ Comment your feedbacks. Hope you like it. Keep supporting!

Salamat Dreamers!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 05, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dream Where stories live. Discover now