Kabanata 1

5.5K 169 6
                                    

Kabanata 1 : Unang Silip

Makailang ulit akong nakakasagi ng mga studyante sa daan dahil sa kailangan kong ipasa sa araw na ito ang aming proyekto na mahigit isang buwan ko nang tinrabaho. Mula sa gawaing yon ay lutang parin ang isip ko at halos hindi ko na alam ang pinag-gagagawa ko sa araw na ito.

Para bang wala ako sa katinuang pumasok at ngayon pinagkakamalan na akong isang sira-ulo dahil sa ginagawa ko. masipag ako at ginagawa ko ang lahat para matugunan ang pangangailangan ko sa buhay.

Ayaw ko na rin umasa sa magulang ko na mula nung nalaman nilang isa akong binabae ay hindi na nila ako tinuring na anak, sa halip ay pinalayas nila ako sa aming tirahan sa probinsiya.

Tanging dala ko lang ay ang sarili ko at ang edukasyon na ginagamit ko para itaguyod ko ang aking sarili kahit na masyado na akong nahihirapan sa pagtatrabaho para lang maigapang ang sarili at ang aking pagaaral.

Binabae ako pero hindi yon naging hadlang para gawin ko ang lahat para sa buhay ko, aminado akong hindi ako palaaral nung nasa pwuder ako ng aking magulang at dahil sa pagsubok na sumubok sa akin ay natutunan kong napakahalaga ng edukasyon para sa aming mga taong inaalipusta ng madla.

Narrating ko ang silid ng mga guro at kaagad akong pumunta sa lemesa ng aking pinagkakautangang guro, siya ang gurong tumulong sa akin makapasok at makapagapply ng scholarship sa napakagandang unibersidad na ito at siya rin ang tumulong sa akin sa mga problema ko.

Bilang kapalit ng pagtulong niya ay ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para mapaimpress siya sa bawat gagawin kong proyekto at hindi ako umaangal kung mahirap ba ang ipapagawa niya o hinde.

" Your Late Mr. Bronze Ramirez, 10 seconds kang late pero buti na lang hindi umabot ng minute.. kukunin ko na ang proyekto mo.. pwede ka nang bumalik sa silid aralan mo.." nakangiting wika nito sa akin at dahil nakita kong ngumiti siya ay nawala ang kabang gumagapang sa aking dibdib.

" salamat po, sa susunod hindi nap o ako malalate.." mabilis na wika ko at ngumiti lang siya.

" okay lang sa akin na late ka, dahil alam ko ang sitwasyon mo at alam kong hinde ka sanay sa ganitong buhay pero bilib ako sayo dahil ginagawa mo ang lahat para sa sarili mo.. pero wag mo namang pabayaan ang sarili mo, tignan mo namamayat kana sa sobrang sipag mo.." nagaalalang wika nito at tumango na lamang ako sa sinabi niya.

" sigurado ako maam, pag nagkatrabaho na ako ng disente ay doon aayos ang katawan ko at doon ako makakakain ng marame.. pero sa ngayon kailangan ko munang ayusin ang pagaaral ko.. para sa kinabukasan ko.." sagot ko at nakita kong lumuha si maam sapagkatapos ng aking sinabi.

" nagpapasalamat ako na, ako ang naging instrument niya para tulungan ang tulad mo.." napaiyak ako sa kanyang sinabi at kaagad na akong umalis ng silid nila.

Masyado na akong nagbabad sa mga proyekto at panahon na siguro para mahimbing na matulog sa kama ko mamayang gabi.

Habang naglalakad ako pabalik sa silid aralan na kinabibilangan ko ay kaagad na napadako ang aking paningin sa malayo.

Isa sa mga inspirasyon ko ay si Ace Monteverde, siya ang inspirasyon ko at okay lang sa akin na nakatingin lang sa malayo at nalalaman ko ang kanyang buhay.

Simula nung tumuntong ako ng paaralan na ito ay usap-usapan na ng mga babae si Ace Monteverde, sino ba naman ang hinde paguusapan kung ang isang lalaki ay nagtataglay ng kakisigan isama mo pa ang kanyang mala anghel na mukha at idadagdag pa na napakabait niya pero malas siya sa seryosong relasyon.

Alam kong hindi niya gusto ang mga bakla at kailanman ay hinde siya papatol sa amin dahil sa kinasusuklaman niya ang mga tulad ko / namen na napapabilang sa third sex.

Isa lang siyang Inspirasyon at dahil sa kanya ay nakayanan kong gawin ang lahat para lang manatili ako sa scholarship sa school na ito.

Napatunghay ako sa gilid niya at nakita ko din ang matalik niyang kaibigan na kabaliktaran naman niya. Siya si Leandro Montefalco, kilala siya bilang pala-kaibigan at hindi mawawala sa kanyang bibig na parate itong nakakurba para ipamalas ang kanyang napakagandang ngiti.

Tulad ni Ace Monteverde ay gwapo siya at isama pa ang napakabait niyang ugali na nagaatract ng mga babae.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi ko namalayan na wala na pala sila sa pwesto nila dahil sa nagumpisa na ulit silang maglaro para sa tropeo na minimithi ng kanilang team.

Muli kong binaling ang paningin sa harapan ko at tinignan ang tahimik na daan papunta sa aking silid-aralan.

Hanggang sa makarating ako ay kaagad akong umupo sa kwarto at bagod na inihiga ang ulo ko sa desk. Muling bumalik sa isip ko ang proyekto na inasa k okay maam at mula sa alaalang yon ay muli akong napangiti dahil mahimbing na akong makakatulog sa mga susunod na gabi.

Dumating ang guro namen na istrikta at kaagad na nagpalabas ng ½ crosswise sheet of paper kaya kaagad kong binunot sa bag ko ang papel at kaagad na pinasok sa bag pagkatapos kong pumilas ng kapirasong papel.

Hanggang sa bumukas ang pinto at pumasok ang dalawa kong kaklase, tulad ng inaasahan ay alam kong matatapos na ang kanilang practice para pumasok sa subject na ito.

Kaklase ko lamang sila tuwing miyerkules at sabado dahil don ay hindi ako makapag concentrate sa pagaaral at tulad ko hindi rin makapag concentrate ang iba dahil sa hated nilang atensyon.

" Mr. Monteverde at MR. Montefalco , pwede na kayong maupo.. kumuha na rin kayo ng ½ crosswise dahil may test.." wika ni maam sa kanila at kaagad naman silang umupo sa likuran. Doon parate ang pwesto nila para makita ang mga tao sa loob ng silid aralan.

Muli akong napangiti na kahit na hirap na hirap na ako sa estado ko ay masasabi kong hindi masama ang tadhana sa akin dahil siya mismo ang gumagawa ng lahat para pasayahin ako.

Hanggang Tanaw Na Lang Ba ?Onde histórias criam vida. Descubra agora