Kabanata 4

3.3K 134 7
                                    


Kabanata 4 : Pangalawang Silip

Nakalipas ang mga araw at nakabawe na ako sa tulog dahil wala nang masyadong Gawain sa paaralan. Maayos ko na ring nagagampanan ang mga Gawain ko sa loob ng paaralan at yun ang tulungan ang bantay sa library pag wala daw akong klase.

" iho, tama na muna yan, magpahinga ka na.." sabi sa akin ng librarian at ngumiti ako bilang tugon.

" wag na po, tataposin ko na muna po yung pagbabalik ng mga aklat at doon nap o lamang ako magpapahinga.." msaya kong wika at napangiti ang librarian.

" nako iho, napakasipag mo.. minsan magpahinga ka naman.." nagaalalang wika nito sa akin.

" okay pa naman ako eh, basta po taposin ko na muna itong mga ibabalik kong mga libro at magpapahinga na po ako.." banat ko at napangiti siya.

" bilisan mo at magpahinga ka na.. natutuwa ako na may tulad akong katulong dito sa napakalaking library na ito.. napaka swerte namen ni Ms. Bermudez na nakilala ka namen.." sabi nito at natuwa ako sa sinabi niya.

" ako din po, nagagalak po akong makilala kayo at kung hindi dahil sa inyo ay hinde ako makakapag-aral sa prestihiyosong paaralan na ito.." banat ko at mas lalo kong nakita ang unting-unting pagsilay ng kanyang ngiti sa kanyang mukha. Maganda si Maam. Librarian at marame dapat itong manliligaw, dahil sa kawalan ng financial assistance ay inuna muna niya ang pamilya niya bago siya gumawa ng sarili niyang pamilya, hanggang sa hindi na siya nakapagasawa.

" o siya, aalis na muna ako at pagkatapos mong ibalik ang mga librong yan magpahinga ka o magbasa ka ng libro dito.." tumayo na siya at lumabas sa library habang ako naman ay ibinabalik ang mga libro sa dapat na lalagyan nito.

Tulad ng bilin sa akin ay kumuha ako ng libro at umupo sa isang sulok. Kaagad kong binasa ang isang nobela na nakita ko sa isang shelf na pumukaw ng aking mata.

Ang kwento ay tungkol sa isang babaeng probinsiyana na dumayo sa maynila. Sa hindi niya inaasahan ay makikilala niya ang mayamang negosyante na yun din pala ang magiging kapareha niya at dahil sa pagmamahalan nila dadapo ang matitinding problema dulot ng isang babae na ang tanging gusto ay mapasakanya ang lalaking iniibig niya.

Natuwa ako sa kwento na nabasa ko hanggang sa may pumasok sa loob ng library. Nakita ko si Ace kasama si Leandro na kapapasok palang sa loob ng library. Kaagad kong kinuha ang atensyon nila.

" Hubarin nyo po ang sapatos nyo bago pumasok.." utos ko at tinignan sila, habang hawak ko ang librong binabasa ko.

" hubarin daw ang sapatos pre.." sabi ni Leandro at siya ang nauna na maghubad ng sapatos, sumunod naman si Ace na hubarin ang sapatos din niya.

Kaagad sila pumunta sa isang shelf at kaagad na pumili ng libro na babasahin nila, namataan ko na ang section na pinuntahan nila ay accounting at kasalukuyan nilang hinahanap ang libro na kailangan yata nila.

" pre, hanapin naten yung libro na yon.. ang sabi ni maam ay nandoon yung sagot.." mahinang wika ni leandro habang tinatanggal ang bawat libro sa shelf para malaman ang titulo ng libro, binabalik naman niya kaagad na ikinangiti ko.

Tinatanaw ko sila habang naghahanap ng libro at kita sa dalawa na tunay nga silang magkaibigan dahil sa paraan ng pakikipagusap nila sa isat-sa.

" pre, nahanap ko na.. ilabas mona kaagad yung laptop para magawa na kaagad naten.." wika ni Leandro at kaagad na nilabas ni Ace ang lap top niya at umupo ito sa lamesa malapit sa shelf na pinagkuhaan nila ng libro.

Hanggang Tanaw Na Lang Ba ?Where stories live. Discover now