Chapter 15

428 16 0
                                    

Millan POV

Kinagabihan masaya akong nanood kasama si Monggi ng biglang dumating si Amanda. Alam kong nagtatampo na naman yung unggoy kaya natawa ako kay Amanda nung sinabi niyang suyuin ko daw. Pero naging seryoso na kami nung napag-usapan namin tungkol kay Allen. Wala talaga siyang kwenta! Manloloko talaga! Pagakaalis ni Amanda nagsisimula na akong mapaiyak kaya mas pinili kong tumalikod sa side ni Ace ayaw kong makita niya ako na umiiyak na naman panigurado akong kukulitin niya akong magkwento.

Maaga ako umalis sa dorm. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong makapag-isip. Baka tama nga si Amanda kailangan na naming ihinto ito. Nagtxt ako kay Amanda na di ako makakapasok. Tapos pinatay ko na yung cp ko kasi tumatawag na naman si Monggi. Napagdesisyonan kong mag coffee muna pero sa di inaasahang pagkakataon dito din nag  coffee si Allen. Okay na sana eh! Pero dumating pa sa punto na sasabihin niya pang mahal niya ako! Di ko na kinaya kaya sumabog na lahat ng hinanakit ko! Ang kapal ng mukha niya! Nung pag-alis ko napaiyak ako lalo. Lumipat ako sa ibang cafe at kumain naisipan kong mag mall ang kaso wala rin akong nabili nag commute na lang ako papunta sa pinakamalapit na hotel ang kaso nung time na kukunin ko na yung wallet ko nawawala! Tatawag din sana ako sa phone! Pero the hell!!! Nawawala rin! Naiiyak tuloy ako lalo! Napaupo ako sa tapat ng hotel pero laking gulat ko ng may lumapit sa akin.

"What are you doing here?" Tanong ng kinaiinisan kong boses kahit di ko siya tingnan alam ko kung sino siya.

"Mill!" Tawag niya uli. Tumingin na ako sa kaniya

"Wala kang pake!" Sabi ko dito at tinititigan na siya sa mata.

Napailing siya at hinila niya ako papunta sa kotse nya. Nagpupumiglas ako pero masyado siyang malakas.

"The hell Allen!  Bitawan mo ko!" Nagrereklamo na ako pero ayaw niya pa rin akong bitawan at pinuwersa niya akong ipasok sa kotse nya.

Wala na akong nagawa kundi manahimik na lang.   Di ko magawang tumingin sa side niya dahil masyadong kumukulo ang dugo ko.

"Millan! Pwede mo naman siguro sabihin sa akin kung anong ginagawa mo sa labas ng hotel! Bakit di ka na lang pumasok sa loob nun?" Tanong niya sa akin.

"Wala kang pake!" Inis na sabi ko uli. Naiirita na ako sa kaniya ng sobra ah!

"I still care for you" sabi nito. Napatingin ako sa kaniya at napatingin din siya sa akin. Ewan ko pero parang wala lang. Dati kasi kapag nangyayari sa amin ito sobra na akong kinikilig. Ngayon wala na. Siguro dahil sa galit ko sa kaniya at pagkamuhi.

"I don't care" sabi ko na lang dito.

"Hindi kita ihahatid sa inyo hanggat hindi ka nagkwekwento!" Sabi nito at nagulat ako ng bigla niyang niliko yung kotse.

"What are you doing! Allen naman!" Sabi ko dito na inis na inis at sa sobrang inis ko sa kaniya pinaghahampas ko siya sa braso.

"Millan stop it! Di ka talaga makakauwi sa inyo kapag naaksidente tayo!" Sabi niya. Napatigil naman ako sa sinabi niya. Mas lalo tuloy akong napasimangot at hindi talaga ako lumingon sa side niya.

Pamilyar sa akin ang daanan na ito. Dito yung daan papunta sa condo niya. Bumalik sa alaala ko tuwing pumupunta kami sa condo niya. Lagi kaming nanood ng movies saka lagi ko siyang pinagluluto kahit di naman ako sanay magluto kaya ang dami ko nun binibili na recipe magazine para kahit papaano mapagluto ko siya. Then halos araw araw doon na ako natutulog kasi gusto niya daw ako katabi. Pero bakit? Bakit kailangan niyang gawin ang mga bagay na alam niyang makakasakit para sa akin? Hindi pa ba sapat lahat? Kulang pa ba yung pagpapakita ko ng pagmamahal sa kaniya? Sa tuwing naiisip ko yung mga katanungan sa isip ko. Di ko mapigilang mapaiyak o maluha. Kaya siguro nung sinabi niyang mahal niya ako biglang naging galit yung nararamdaman ko! Idagdag mo pa yung mga kwento na nasasabi sa akin tungkol sa kaniya! Kaya di niya ako masisisi kung bakit magiging ganto ako sa kaniya!

Fall In Love (GxG) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora