Chapter 31

353 14 0
                                    

*Ace*
Sobrang miss ko na yung panget kong girlfriend! Gusto ko siyang makasama. Gusto ko siyang makausap pero wala akong magawa dahil inatake yung dad ko. I know naman na may tampo at galit ako kay Dad pero siya pa rin yung tatay ko.

"Ace" tawag sa akin ng asawa niya.

"Kumain ka muna alam kong di ka pa kumakain simula kagabi" nag-aalala na sabi nito.

Sa pananatili ko dito for almost one week. Narealize ko na mabait talaga ang asawa niya na tita ng girlfriend ko. Siguro nga nagkamali ako ng pagkakilala sa kaniya. 

"I'm okay naman po tita" sabi ko dito bago ngumiti. Nag smile din siya sa akin. 

Since nagbantay ako kay Daddy ay naging close ko na siya at doon ako nag start na tawagin siyang tita. Napatigil kami ng biglang may pumasok sa pinto.

"Good afternoon po" yung familiar na boses na nyun ay tila anghel sa pandinig ko.

"Good Afternoon po tita Stella" at yung boses na nyun ay galing sa pinsan ko. Teka magkasama silang pumunta dito?

"Good afternoon sa inyong dalawa tara tuloy kayo" masayang bati sa kanila ni tita.

Agad naman akong napasimangot ng makita silang sabay na pumunta sa direksyon ko. Alam kong nag-usap na kami tungkol sa di niya panggugulo pero! Di ko pa rin maiwasan na hindi magselos.

"Okay na po ba si tito?" Tanong ni Allen.

Alam kong tumingin si Millan sa side ko pero di ko siyang tiningnan dahil ewan! Naiinis ako sa kaniya! Alam mo nyun miss na miss ko siya tapos sa pagkikita namin ganito pa yung magiging sitwasyon! What if nung wala ako ng mga araw na nagdaan puro nandyaan si Allen tapos iiwan na ako ni Millan dahil narealize niya na mahal pa rin niya si Allen!!!! Hast!!!

"Mas maganda na yung kalagayan niya ngayon! Kumain na ba kayo?" Tanong ni tita.

"Hindi pa po actually" nahihiya namang sabi ni Allen.

"Tamang tama hindi pa kumakain si Ace sabayan niyo na siya" sabi ni tita.

Nauna kaming lumabas ni Allen naiwan pa saglit si Millan sa loob. Kasi kinausap pa siya ni tita Stella.

"Saan mo gustong kumain insan?" Tanong niya sa akin di ko naman siyang pinansin.

"Sorry kung natagalan ako" buti naman lumabas na yung girlfriend ko. Pasimple niya akong hahawakan ng iniwas ko yung kamay ko. Tahimik na lang kami naglakad. Huminto kami sa isang fast food. Tahimik pa rin ako. Umupo naman si Millan sa tabi ko.

"Are you mad?" Pasimpleng bulong niya. Di ako umimik. Wala akong ganang kumain. Grabe selos na selos talaga ako. Ewan ko mas nagtatampo na ako.

"Ako na lang yung oorder" Sabi ni Allen. Nag order na siya at naiwan kami ni Millan dito.

"Ace galit ka ba? Kanina mo pa ako hindi pinapansin!" Sabi nito.

"Hindi naman ako galit nagseselos lang ako" diretsong sabi ko dito.

"Selos? Wala ka naman dapat ikaselos! Look monggi sinabay niya lang ako wala namang malisya dun beside nag usap na kami na maging friends na lang saka ilang beses ko bang uulitin? Ikaw na yung mahal ko" parang maiiyak na siya. Di ko naman mapigilang matawa sa mukha niya.

"Oh bakit ka naman tuwang tuwa pa! Paiyak na nga ako eh!" Tila nagtatampo pa siya! Sabay pout. Kinurot ko naman yung pisngi niya.

"Ang cute mo kasi ngayon" tila nang-aasar pa ako.


Fall In Love (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon